Third Dream

672K 26.9K 10.3K
                                    

Third Dream

"Dream traveler?" tanong ko kay Caleb habang nakakunot ang noo ko. "Ano naman ang ginagawa mo?"

"Obviously, nagta-travel ako sa mga panaginip!" sabi niya na parang ito na ang pinaka-obvious na bagay sa mundo.

"Teka, hindi ko pa rin gets! Naglu-lucid dream ka rin?"

Umiling siya. "Nope. Nagta-travel nga ako. Kaya nga dream traveler ang pakilala ko sa'yo at hindi lucid dreamer, 'di ba?"

"Teka, masyadong magulo ang usapan natin."

Nagkibit-balikat siya, "ikaw kaya ang magulo."

"Ibig sabihin, hindi lang itong panaginip ko ang napuntahan mo?"

"Tama! Marami na akong nakitang panaginip. May nakakatakot, may maganda, may malabo, meron ding censored!" sabi niya sabay taas-baba ng kilay niya at nakangisi nang malawak.

Kinunutan ko siya ng noo. Parang ayokong malaman kung ano ang censored na panaginip na nakita niya ah.

"Pero hindi ito lucid dreaming? Itong ginagawa mo?"

"Hindi nga sabi. Ang kulit mo rin 'no? Saan ka ba ipinaglihi ng nanay mo?"

"Eh kasi ang gulo talaga. Ibig sabihin, hindi ka aware ngayon na nananaginip ka? Ang kausap ko ngayon ay ang unconscious mind mo? Pero naalala mo ba ang lahat nang 'to pagkagising mo?"

Natigilan si Caleb at napabuntong hininga. Nilingon niya ulit ako at binigyan niya ako nang isang malungkot na ngiti.

"The thing is, Angelique, gising ako ngayon."

"A-anong ibig mong sabihin?"

Tinalikuran ako ni Caleb at naglakad siya papunta sa may railings ng rooftop at pinagmasdan ang kabuuan ng panaginip ko.

"This is my life, Angelique," sabi niya sa akin. "Nakatira ako sa mundo ng mga panaginip. Ang lugar kung saan hindi ako nagigising at hindi ako natutulog. Walang katapusang paglalakbay lang ang nararanasan ko."

Natigilan ako sa sinabi ni Caleb. Walang katapusang paglalakbay? Habambuhay na pagtira sa mga panaginip?

"Wow," bulong ko.

Napalingon siya sa akin. "Wow? Ayun ang reaksyon mo?"

Nilapitan ko siya at sumandal din ako sa railings. "Oo. Ang saya kaya nun! Kung ako nga ang tatanungin, gagawin ko ang lahat para hindi na ako umalis sa panaginip ko."

Itinuro ko sa kanya ang kapaligiran na nagawa ko rito sa panaginip ko. "'Di ba ang ganda? Ang aliwalas? Ang peaceful? Walang gulo at walang paghihirap. Parang ito 'yung paradise ko. At sino ba naman ang hindi gugustuhing tumira sa paraiso?"

Napabuntong hininga si Caleb na parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko. At nagtataka naman ako sa reaksyon niya.

Hindi ba niya nage-gets kung gaano siya ka-swerte?!

"Iba pa rin ang reyalidad, Angelique. Dahil doon, tunay ang lahat ng nangyayari. Samantalang dito, kathang isip lang ang lahat."

Napasimangot ako, "kaya mo nasasabi 'yan kasi wala kang reyalidad na tulad ng sa akin. Hindi mo naranasan ang nararanasan ko ngayon. Hindi mo tuloy ma-appreciate kung gaano ka kaswerte."

Lucid DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon