chapter nine: duke schurke's biggest secret

8.5K 444 35
                                    

[ Scarlet's POV ]

           Nang makita ko ang kasoutan nang lalaki, ang itim na balabal na may ginintuang letra sa kaliwang gilid nito na malapit sa puso, ay mayroong hilam na mga senaryong biglang pumasok sa aking isip.

           Agad-agad ay nagpaalam ako sa mga bata at deretsong inutusan si Destiny na bantayan ang mga ito at agad na naunang maglakad papunta sa aking opisina.

           Habang naglalakad at seryoso akong nag-iisip Kung bakit parang, sobrang pamilyar nang balabal na iyon gayun. Binuksan ko ang pintuan nang aking opisina at pumasok doon habang si Delfin naman ang nag sarado nang maka-pasok na ito.

             "Speak." Utos ko sa nakatayong si Delfin malapit sa akin nang maka-upo ako sa aking silya. Ngunit tiningnan lamang ako ni Delfin nang halos limang minuto bago dahan-dahan nagtungo sa malaking bintana.

             Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman sa mga oras na ito, tila ba nang tawagin ako ni Delfin at tinuro ang lalaking nagkukubli sa dilim gamit ang kaniyang mata ay mayroon nang namumuong pakiramdam sa aking kalooban na nagpatibok nang malakas sa aking puso.

              At kasabay nang namumuong pakiramdam sa aking damdamin ay siya namang paglitaw nang mga hilam na senaryo sa aking isipan, at kahit kailan, hindi ko ito naranasan kung kaya't paniguradong sa dating Scarlet ang mga ito.

              Ang tanging ipinagtataka ko lamang ay kailanman hindi nabanggit sa libro na mayroong pumunta sa bahay nila Scarlet. Hindi kailanman nabanggit ang pagdalaw nang lalaking nakasout ng itim na balabal na may gintong letra sa bandang puso nit—teka...

               Natigil ang aking malalim na pag-iisip at naputol ang aking pagbo-buo nang mga sagot sa aking katanungan. Napatingin ako kay Delfin na mayroong seryosong mukhang nakatingin sa akin na hindi ko man lamang namalayan nakabalik na pala matapos nito buksan ang malaking bintana, bago dumapo sa hawak-hawak nitong maitim na sobre.

                Nagtataka ko siyang tiningnan at gamit ang mata'y nagtanong ako kung ano ito ngunit hindi man lamang nagbago ang kaniyang ekspresyon at kahit ang pagkurap ay hindi niya ginawa.

                 Kinuha ko ang sobre na kanina pa niya inabot at binigyan siya nang nakakamatay na tingin nago pinagmamasdan ang sobre. Isang kulay itim at makapal na sobre at maliit man ay agad kong nakita ang logo sa kanang bahagi nang sobre. At ang logong ito ay katulad nang logong makikita sa dibdiban nang balabal na sout ng lalaki na ngayon ay nakatayo na katabi sa nakabukas na bintana.

              Ang kulay gintong logo ay maliit lamang kung kaya't hindi mo siya basta-basta makikita kapag hindi mo siya titingnan nang maayos. Ngunit pagka-kuha na pagka-kuha ko sa sobre ay agad na dumapo ang aking mga mata sa bahagi kung saan nakalagay ang logo.

              Matapos kong pakiramdaman ang sobreng ito ay tsaka ko binuksan at kinuha ang sulat na nasa loob nito. Hindi katulad nang sobre, ang materyales na ginamit sa papel na sinulatan nang liham ay manipis at medyo madulas.

            Inilagay ko ang sobre sa aking mesa't binasa ang nilalaman nang sulat. Ngunit nang mabasa ko ang pinaka-unang tatlong salita ay tumayo ang aking mga balhibo't ang kaninang hilam na mga senaryo ay biglang luminaw.

           Ang aking mga mata ay nanatiling nakatingin sa tatlong salitang iyon, isa lamang iyong hamak na mga salita ngunit biglang kumabog ang aking puso at nais nitong kumawala sa aking dibdib.

           'PASHNEAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA'

             Mabilis kong tiningnan si Delfin bago ang lalaking nakasout nang itim na balabal at nakatayo parin sa tabi nang nakabukas na bintana.

The Villainess' ResolveOnde as histórias ganham vida. Descobre agora