chapter ten: banquet

7.7K 418 19
                                    

[ Scarlet's POV ]

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

[ Scarlet's POV ]

           Sumasakit na ang ulo ko. Bakit hindi nabanggit sa libro ang patungkol dito!? Bakit hindi nabanggit sa libro na si Scarlet pala ang pinuno nang pinakatanyag at pinaka mapanganip na organisasyong sa buong mundo!? Gaaaaaah!

            Lumipas na ang dalawang araw ngunit wala pa rin akong nalalaman. Nagbago na ba ang daloy nang kuwento? Ngunit wala pa naman akong ginagawa ah? Nyeta naman oh.

           Natigil ako sa pagmuni-muni nang mayroong kumatok sa pintuan at pumasok si Delfin. "Ano ang kailangan mo, Delfin?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

            Kumunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa akin na tinaasan ko naman ng kilay. Attitude siya? Ano na namang problema nang isang toh?

          "Malapit na pong magsimula ang bangkete, Madam." Napatayo ako nang mabilis dahil sa kaniyang sinabi. Koronasyon? Magsisimula na? Putcha bakit ko ba nakalimutan iyoooooon!? Agad kong tiningnan ang oras sa orasan at malapit na ngang mag alas kuwatro nang hapon!!

         "Ihanda mo na ang mga bata Delfin! Aalis na kami pagkalipas nang tatlompung minuto!" Mabilis akong tumakbo at nagtungo sa aking kuwarto nang ma-utusan ko si Delfin. Sumigaw pa ito ngunit hindi ko na pinansin sapagkat nagmamadali ako. Hindi naman kailangan on time talaga ang pagdating ko sapagkat ako ay isang Duke, ngunit dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakapunta ako sa Kastilyo at makilala ang royal family (kahit kilala ko na talaga silang lahat).

           Agad akong tinulungan ni Shela sa pagbibihis. Suot ko ngayon ang bistidang ginawa ni Destiny na kung saan talaga namang bumagay sa akin. Ang bistida ay ginawa sa pinaka mahal at pinaka magandang kulay berdeng tela na tamang-tama lamang sa maliit kong katawan.

           Matapos ang paghahanda ay tuluyan na akong natapos. Bago lumabas sa aking kuwarto't magtungo sa labas, ay tiningnan ko muna ang aking sarili sa harap nang malaking salamin.

           Hindi parin ako makapaniwalang pagmamay-ari ko Ang katawan nang kontrabida sa paborito kong nobela. Mayroong maliit na katawan, napaka puti at makinis na balat, mayroong kulot at mahabang madilim na berdeng buhok. Mapupungay at kulay pilak na mga matang malulunod ka kapag patuloy mong titingnan. Perpektong mukha, matangos na ilong, at hugis pusong mga labi.

            Si Scarlet ang depenisyon nang perpekto kung panglabas na anyo ang ating pag-uusapan, at kapag hindi mo siya tunay na kilala, nag-aakala kang siya ang bida. Ngunit sa oras na mapag-alaman mo ang kaniyang ugali, at mga bagay na ginawa niya, ay matutukso kang punitin ang librong kinalalagyan niya.

           Duke Scarlet Villainia Schurke, the villainess of the story 'Quantroplets Revenge' who raised the main protagonist and met her doom at an early age of twenty-two. And whenever I remember that scene, that scene where the quantroplets killed thier aunt, gives me chill down to my spine.

          Sinampal ko ang aking sariling mukha at napasigaw naman si Shela dahil sa gulat ngunit hindi ko siya pinansin at muling tumingin sa salamin.

         "I won't let that happen. Never!" Lumingon ako kay Shela na tinabunan ang bibig gamit ang kamay at may gulat na ekspresyong nakatingin sa akin. I smiled at her and nodded.

           "Let's go, Shela. They're waiting." utos ko sa kaniya at naglakad palabas nang kuwarto. Yumuko naman si Shela at nagmamadaling maglakad papunta sa pintuan upang ako'y pagbuksan.

            "I look so handsome! Right, Gramps?"

            "Indeed. You look marvelous. Not just you, but all four of you looks so great."

            "No fair! Only one should be more handsome!"

            "Shut up, Reg. Your noisy."

            "What!? You wanna fight huh Latte?"

            "G-guys. Stop it. Mo-m might be angry!"

              Napangiti ako nang marinig ko ang mga boses nila pagkalabas ko nang mansyon. Nakatayo si Delfin sa gilid habang karga-karga ang isang maliit na batang may kulay asul na buhok at mahimbing na natutulog. Habang si Reg naman at Latte ay nagbabangyan at si Lineal na kinakabahang umaawat sa kanila.

              "What's with the noise?" tanong ko sa kanila nang ako'y makalapit. Sila naman ay agad na napangiti at si Lineal at Regieren naman ay nag-unahang lumapit sa akin para yumakap.

             "Mom, who's more handsome among us?" nakangising tanong sa akin ni Regieren nang humiwalay ito nang yakap at tinaas ang ulo, naghihintay na sabihin kong siya.

              "Aba'y syempre, kayong apat!" nakangiting sagot ko't kinurot ang kaniyang pisnge. Nag-pout naman ito't nagcross-arm tsaka nagmartsa't tumabi kay Latte na nakatayo katabi si Delfin.

              Sa gitna nang usapan ay dumating na ang aming karwahe kung kaya't nagsipasukan na ang lahat. Pina-una ko ang tatlong bata papasok bago ako sumunod habang karga-karga ang pinakabata, si Kaiser.

            "Mag-iingat po kayo, Your Grace." paalam ni Delfin sa akin at sa aking mga anak bago sinara ang pintuan nang karwahe. Hindi sumama si Delfin sapagkat siya ang magbabantay nang bahay, at tanging si Shela lamang ang dinala kong katulong upang bantayan ang mga bata.

               Habang nalalapit kami sa Kastilyo ay malakas na tumitibok ang aking puso, hindi mapangalanan ang nararamdaman. Hindi ko talaga mawari kong ako ba'y kinakabahan dahil mangyayari sa mismong gabi na ito ang isa sa mga trahedya nang libro na magtatakda nang maaaring mangyari sa hinaharap, o nasasabik dahil makakapunta na ako sa palasyo?

             Siguro pinaghalong kaba at sabik ang nararamdaman ko. Tumigil ang karwahe sa harap nang palasyo at gaya nang pagpasok sa karwahe, ang tatlong bata rin ang unang pinalabas ko, bago ako habang karga-karga parin si Kaiser sa aking bisig.

             Mayroong red carpet na nakahelera at maraming royal guards ang nakatayo, nagbabantay sa paligid para sa isang daang porsyentong siguridad nang palasyo. Si Kaiser at nagising na, at nais niyang maglakad kung kaya't binaba ko siya't sabay-sabay kaming naglakad papasok.

             Ang koronasyon ay kaninang umaga pala ginawa, at dahil na hulog ako sa malalim na pag-iisip ay nakalimutan ko't hindi nakadalo. Siguro iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit ako kinakabahan, sh*t anong sasabihin ko? Na nawala sa isip ko kaya hindi ako nakadalo? Ghaaaaaaad.

            Giniya kami nang isang tagapagsilbi na naghihintay sa amin sa may pasukan papunta sa banquet hall kung saan dinaraos ang bangkete nang bagog Hari.

            "Nandito na po tayo, Duke Schurke. Maiwan ko na Po kayo." Magalang na paalam sa akin nang tagapagsilbi at yumuko pa ito bago umalis. Tiningnan ko lamang ang likuran nito saglit bago nilipat ang mata sa isang dalawang guwardyang nagbabantay sa pasukan.

             Tumango ako dito't yumuko naman siya, bago dahan-dahang binuksan ang malaking pintuan.

            "Duke Scarlet Villainia Schurke and Young Masters Schurke has arrived!" malakas na sumigaw ang guwardya bago kami pumasok, at ang lahat nang ulo ay tumingin sa may pasukan upang makita ang sa tingin kong matagal nilang hinihintay.

             This banquet, is gonna be nerve-wracking.

The Villainess' ResolveWhere stories live. Discover now