Entry #9

182K 5K 286
                                    

Dear Ex-Boyfriend,

Noong una tayong magkita inakala ko talaga na ikaw ang pinaka-gentle na taong makikilala ko. Ang sabi ko pa nga sa sarili ko noon, totoo ba sya? Paano ba naman kasi, ilan lang bang lalaki ang lalapit sa’yo kung makikita ka nilang umiiyak? 

Iyon ang araw na, nawala ang isang tao na napaka-importante sakin. At nandoon ka, nilapitan mo ako. Lumapit ka sa akin at inabutan ako ng panyo. Naisip ko na siguro ipinadala ka nya para sa akin. Bakit ko ba naisip yon? Dahil ba naghahanap ako ng masasandalan nang mga panahon na yon? Mga araw na nalulunod ako sa kalungkutan dahil sa pagkawala nya? Naghahanap ako ng sasagip sa akin? At nagkataon na nandoon ka.

Sana naisip ko rin pala na kapag may nagbigay ng panyo sa’yo, may chance na paiiyakin ka rin ng taong ‘yon.

Your Ex,

 Nin

Dear Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now