Leon

100K 2.8K 551
                                    


Leon


"Janin!"

"Leon, please."

"No!"

"Let's break up."


Humahangos na napaupo sa kanyang kama si Leon. Kahit nagising na siya ay naririnig parin niya nang malinaw ang boses ni Janin. Agad siyang napamura sa napanaginipan. Kailan ba matatapos ito?


Simula nang iwan siya nito, tila tumigil ang oras para sa kanya. Kahit anong gawin niya ay palagi niya itong naaalala. Hindi niya ito magawang ibaon sa limot. Isang taon na ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Mabilis siyang napahawak sa kanyang dibdib nang makaramdam ng kirot doon. Hindi niya maintindihan ang sarili.


"Leooon~ Nakahanda na ang breakfast!" Pumasok sa loob ng kwarto si Yohan na nakasuot ng asul na apron.


"Yohan, anong ginagawa ko rito?" tanong ni Leon. Napahawak siya bigla sa kanyang noo nang sumakit ang kanyang ulo.


"Hindi mo matandaan? Tinawagan ako ni Gabby kagabi. Nalasing ka sa bar, dala mo pa ang kotse mo. Ako na ang nag-drive, kaso hindi ko alam kung ibabalik kita sa bahay ninyo. Nakakatakot ang erpat mo, dre. Di na ako sumugal. Takot ko nalang kay Tito, pero hwag kang mag-alala, tumawag naman ako sa bahay ninyo eh. Sinabi ko sa maid kung nasaan ka."


The fuck?! Alam nila kung nasaan siya ngayon?! Shit! Mabilis na bumangon sa kama si Leon at agad na lumabas ng kwarto.


"Oy teka, saan ka pupunta?" nakasunod na tanong ni Yohan.


"I have to go," sagot ni Leon habang hinahanap sa mga nakasabit na susi sa likod ng pinto ang susi ng kotse niya.


"Tangna, para akong babae na naka-one night stand mo kung magmadali ka dyan. Kumain ka kaya muna?" alok ni Yohan sa kaibigan.


"No. I have to go," sambit ni Leon. Kaagad niyang binuksan ang pinto nang mahanap niya ang susi niya.


Tatlong lalaki na naka-uniporme ang tumambad sa paningin ni Leon nang mabuksan niya ang pinto. Shit! Malakas niyang isinara ulit ang pinto at mabilis na tumakbo papasok sa kwarto na tinulugan niya.


"Don't let them in!" bilin ni Leon sa kaibigan.


Nakarinig sila ng malalakas na katok sa pinto. Ni-lock ni Yohan ang pinto.


"May atraso ka ba sa kanila? Sino ang mga iyon?" natatarantang tanong ni Yohan.


"Mga tauhan ng magaling kong ama."


"Shit. Hindi ko ba dapat sinabi kung nasaan ka?" nanlalaki ang mga mata na tanong ni Yohan. "Nag-away na naman ba kayong dalawa?"


Nilapitan ni Leon ang salamin na pinto at binuksan. May maliit na balnony doon na pwedeng pagsampayan ng damit. Nasa third floor ang unit ni Yohan sa apartment building. Semento ang babagsakan niya.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon