•chapter 1•

66 5 0
                                    

Picture

Davi's POV

"Davi!" Nilingon ko agad ang lugar na pinagmulan ng sigaw na iyon, hays buhay nanaman sya.

"Ang ingay mo" bungad ko sa kanya nang makalapit sya sa akin.

"Sus, Arte." Sagot nito kasabay ng isang irap.

"Ano bang kailangan mo at ang aga aga ang ingay ingay mo ha?" Iritang tanong ko sa kanya.

"Eto na nga, may chismis ako." Maligalig na sabi nito kasabay ng paglabas ng cellphone nya.

"Yan, dyan ka magaling, sa chismis. Nagawa mo na ba assignment natin sa history?" Nakapamaywang na tanong ko sa kanya.

"hehe, Hindi pa e. Pakopya nalang ako mamaya baka mapalayas nanaman ako sa klase ni sir e" kamot batok na sabi naman nito.

" Hays ewan ko sa'yo" irap na sabi ko rito.

"Eto naman, aga aga sermon agad. Eto na nga may chismis nanaman" pagiiba nito ng usapan.

"Ano nanaman yan? Hilig mo talaga sa chismis ano?"

"May kumakalat kasing picture ngayon sa Twitter at Facebook. Wait, eto oh" sabi nito kasabay ng pagharap nya sakin ng cellphone.

Picture iyon ng isang lalaking na naka topless at pants lang habang nakalagay ang isang kamay sa batok at ang isa naman ay nakahawak sa cellphone bale naka mirror shot kasi. In fairness ang gwapo at may abs ha.

"Sino naman yan? Ano naman meron dyan?" Nakataas kilay na tanong ko.

"Hello? Siya lang naman ang nag iisang Kalel Leandro Buenaventura o mas kilala bilang Kale, anak lang naman sya ng isang mafia boss, choss HHAHAHAH anak sya ng Dean." Kinikilig na sabi nito habang pinagmamasdan ang litrato ng lalaki.

Pinuntahan namin ang account nito at inistalk, konti lang naman ang mga naka post pero ang famous ng lalaking 'to.

"Anakan mo ko Kale!"
"Paano ba mag apply para maging Misis mo Kale?"
"Pst pogi wampipti!"
"I LOVE YOU KALE!!!!"
"Sana maging kaklase kita next year kale makikipag bardagulan talaga ako maging seatmate ka lang!"

EH?

Napanganga nalang talaga ako sa mga comments dun sa post nung lalaki. Seryoso ba talaga sila sa mga pinagsasabi nila? Hays, kala mo naman artista.

"Hay, ewan ko sa'yo mauna na 'ko pupunta pa 'kong Starbucks para bumili ng breakfast." Paalam ko dito.

"Sigesige ingat! Bye!"

Ikinaway ko nalang ang kamay ko habang nag lalakad. Kailangan ko ng pagkain dahil feeling ko kinakain na ng bituka ko ang iba ko pang organs dahil sa gutom.

Sumakay ako ng taxi papuntang Starbucks. Nang makarating ako roon agad akong pumila para umorder.

"Good morning po! Can I take your order please?" Nakangiting bungad sakin ng babae sa cashier.

"Hi, Good morning. One Vanilla Bean Frappuccino and one bagel nalang." Nakangiting sabi ko dito.

"Ok po, name po?"

"Davi nalang"

"Ok po, I'll call your name nalang po when your food is ready na."

"Ok,thank you!"

Matapos umorder ay agad akong umalis sa counter at naghanap ng uupuan, sa bakanteng upuan malapit sa counter ako naupo para mas mabilis kong makuha ang order ko.

Ilang sandali lang din naman ang inantay ko nang tawagin na Ang order ko.

"Vanilla Bean Frappuccino and bagel for miss Davi and an iced Americano for mister kale." Tawag ng babae sa amin.

Teka parang familiar yung name nung isa ha, San ko ba ulit narinig yun? Ah basta wala na 'kong oras isipin 'yon.

Pumunta na ko sa counter at nakabanayan ko ang isang matangkad na lalaki. Agad na kinuha ko agad ang binili ko at umalis nang hindi manlang tinitignan kung tama ba ang inorder ko.

Sumakay ako sa taxi papunta sa school, habang nasa taxi ako ay sinimulan ko na kainin ang inorder ko at baka lumamig pa. Nung ininom ko na ang inorder kong drinks ay para bang iba ang lasa nito, matapang at medyo mapait.

Tinignan ko ang pangalan ng nasa drinks ko at laking gulat ko nalang nang iba ang pangalan na nakalagay dito.

Kale

Shit! Mali ang nakuha ko. Aish, bahala na nga late na ko wala na 'kong oras bumalik pa.

Tiniis ko nalang ang lasa nung inorder nung lalaki kahit na sobrang pait nito. Ano kayang klaseng panlasa meron ang lalaking iyon.

Nakarating na 'ko sa school at agad akong bumaba matapos magbayad. Late na 'ko at baka mapagalitan pa 'ko ni Prof.

•• please like and vote for my story ••

Awake Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz