•chapter 2•

21 3 0
                                    

Classmate

Hays, but nalang at wala pa si prof pagkadating ko sa room, kinabahan pa 'ko.

Naghahanda ba ako ngayon at nagrereview para kung sakali mang may surprise quiz ay nakapag ready ako, mahilig pa naman mang surprise si sir.

"AAAAHHHHHHHHHH" Isang malakas na tili mula sa kaklase kong si Amie habang kinakalikot ang cellphone nya.

"Hoy! Ang ingay mo, bakit ka ba sumisigaw?" Nakabusangot na tanong naman ni Andrei.

"Shut up Andreingot! It's none of your business" nakataas kilay namang sagot ni Amie dito.

Hays eto talagang dalawang to, parang aso't pusa.

"Eh bakit ka nga ba kasi sumisigaw dyan sa cellphone mo Amethyst? Kung anong kinaganda ng pangalan mo yun namang kinapangit ng mukha at boses mo HAHAAHAHA" pang aasar ni Andrei na syang binigyan ni Amie ng nanggagalaiting tingin.

"What did you just say? I'm ugly? Wow, coming from you na amoy cracklings." Napa "oohhh" nalang ang mga kaklase namin sa mga sagutan nung dalawa, kahit ako ay natawa sa sinabi ni Amie, paano kasi tong si Andrei di man lang nag dedeodorant, nakakaitim daw kasi ng kilikili.

"Oh awat na, baka magkasakitan pa kayong dalawa e" buti nalang dumating na ang President namin para awatin sila.

"Guys, listen up!" Pag agaw ni pres sa attention ng lahat.

"May bago tayong classmate at kilalang kilala nyo sya panigurado"

"OMG SO TOTOO?" pagtatanong ni Amie.

Huh? Totoo? Anong totoo?

"Yup! Kale will join our class starting today, kaya ako lumabas kanina para pumuntang faculty para masabi sakin ni sir." Pagkasabi na pagkasabi ni Pres nito ay agad na nagtilian ang mga babae at nagsipag ayos ng kanilang mga sarili.

"Pahingi akong face powder"
"Buti nalang talaga dinala ko deodorant at pabango ko"
"Omg, why so sudden, di ako ready makita si baby kale"
"Yes, sa wakas may gwapo na din tayong kaklase, akala ko kasi mga paa yung nandito e"

HAHAHAH, basta talaga gwapo ang bilis ng mga to.

"Guys, nandyan na si sir!" Sigaw ni pres mula sa pinto.

Tumahimik na ang lahat nang pumasok si sir at kasunod nito ang isang lalaki.

"Good morning class! Alam kong narinig nyo na ang balita, you have a new classmate that will join you this school year." agad na nagsihagikgikan ang mga kaklase kong babae pero hindi nila ito nilakasan sa takot na mapagalitan sila ni Prof.

"Hi!" Malalim, ganyan ang boses nya kaya hindi na ko magtataka bakit hindi na napigilan ng mga kaklase kong magsitilian.

Hinampas ni sir ang table ng dalawang beses kaya muling natahimik ang kaklase.

"You may continue." Sabi nito sa lalaki.

"Hi! I'm kalel Leandro Buenaventura or you can call me kale for short" malamig na pakilala nito.

"Ok thank you Mr.Buenaventura, you can now sit beside Ms.Valleria."

WHUT? Gusto ko nga ng lugar na wala akong katabi at walang nakapansin sakin tapos itatabi nyo sakin yan? E halos di nga maiiwas ng mga tao mata nila sa lalaking to e.

Nag busy busyhan nalang ako para di ko na mapansin ang mga matang nakatingin sa akin, may naiinggit,may galit at may tumatawa naman.

Naupo sa tabi ko ang lalaki at nagsimula na din si sir magturo. Habang nagtuturo sya ay hindi ko maiwasang hindi pansinin ang mga matang nakatitig sa amin.

Bakit ba kasi sa akin pa itinabi tong lalaking to e. Bad trip naman oh.

Habang nagdidiscuss si sir ay parang bumibigat ang mga mata ko sa antok, sakto namang nakita ko itong lalaking to na may iniinom na kape sa SB, naalala ko nalang bigla yung kapeng binili ko na naipalit ko pa.

Hinanap ko ito at nakita ko sa tabi ng bag ko na nasa lapag, sakto! Black Americano nga pala ang inorder nung nakuha ko kaya pampagising talaga.

Sinimulan kong simsimin ang kape at nabuhayan ako kahit papaano.

Nasa kalagitnaan ng pagsusulat si sir ng may kumatok sa pinto.

"Sir...." Bungad nito.

"Yes?"

"Uhm, pinapatawag po kasi kayo sa principal's office, may ipapapirma lang daw po."

"Uh, ok sigesige susunod ako." Sagot ni sir bago magpaalam ang babae.

"Ok class, answer activity 4 on page 68 habang nasa labas ako, check natin yan pagbalik ko." Paalam nito bago lumabas.

Habang sumisimsim sa kape ang sinimulan ko nang magsulat.

"excuse me" nagulat ako sa biglang pagtawag ng lalaking nasa tabi ko, ang lalim naman kasi masyado ng boses.

" Yes?"

" Uhm, I think that's mine"

" I'm kale" ay shems, so sya pala yung lalaki kanina sa SB. Nako nako naman.

••••  please vote and like my story  ••••

Awake Where stories live. Discover now