• chapter 3 •

20 2 0
                                    

Coffee

Davi's POV

Uh oh

Omg, nakalimutan kong may pangalan nga pala yung baso ko, nako naman Dana Vien tatanga tanga ka nanaman.

"A-ah anong sa'yo h-hindi ah, akin t-to" shet bakit ba ako nauutal?

"So, you're telling me that your name is kale too? How pathetic." Sarkastikong sabi nito habang nakaturo sa pangalan sa coffee cup.

"Anyways, your taste is good, I actually like your coffee, Ms.Davi." nakangiting sambit nito.

Dugdug...... Dugdug.....

Bakit ba ako kinakabahan? Tsaka bakit ganito ang pakiramdam ko?

Hay nako Davi umayos ka nga, baka isipin nya na nasisindak ka sa kanya.

"Of course, sa'yo lang naman ang hindi maganda" wiw, buti nalang di ako nautal good job Davi--

Hindi ko na natapos ang iniisip ko nang sagutin ako nito sa hindi ko inaasahang paraan.

"So you're telling me that you're not beautiful?" Nakangiti ito ngayon ng nakakaloko pagtapos sabihin iyon.

Huh? Anong pinagsasabi nitong hibang na to?

Hindi ko na sya pinansin matapos non at nagsimula nalang muling magsulat.

Hindi nagtagal ay bumalik na si sir at nag check na din kami.

"Number 9, A."

"Number 10. D."

"Ok class, please return the papers to the owners." Sabi ni sir matapos kaming mag check.

Ibinalik ko na kay kale ang papel nya at ganun din naman sya, di naman graded tong activity kaya hindi na ipinapasa ni sir.

Ibabalik ko na sana sa bag ko ang papel ko nang may makita akong nakasulat sa likod nito.

It's nice to meet you Davi.

Hindi ko na pinansin pa ang nakalagay dun at inasikaso ko nalang ang mga gamit ko. Akmang tatayo na sana ako pero may isang kamay na pumigil sa akin.

"Sabay tayo, wait for me" si kale.

"What? No, bitaw, nakakahiya pinagtitinginan tayo, ayokong maissue." Sabi ko dito habang nililibot ang mata ko sa mga kaklase naming nakatingin.

"Then I'll tell them not to look." Aba, siraulo pala talaga to e.

Hindi ko na sya pinansin at agad nang lumabas ng room. Lakad takbo ang ginawa ko dahil naramdaman kong sumunod ito sa akin.

"Hey! Wait" sigaw nito mula sa hallway.

"Hi kale."
"Omg ang pogi nya talaga"
"Kale paaccept naman"
"Kale!"

Hays, ayan ang dahilan bakit ayaw ko sya maging kaibigan, masyadong famous.

Nang makarating ako sa entrance ng cafeteria ay nawala ang pangamba ko nang hindi ko na sya makita sa likuran ko. Malamang hinarang na sya ng mga babae dun.

Nasa pila na ako at ako na ang susunod na oorder. Nang ako na ang nasa counter ay sinabi ko din agad ang order ko at nagbayad.

"Thank you po ate!" Sambit ko bago umalis dala dala ang pagkain ko.

Naghahanap na ako ngayon ng uupuan nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Davi! Ghorl dito ka sa tabi ko!" Si Anne, bestfriend ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Awake Where stories live. Discover now