Chapter 1

378 13 27
                                    


Sunny's Point of View

Kakatapos ko lang na mag-send ng e-mail sa mga kumpanyang inaaplayan ko. It was a long tiring day.

Medyo masakit na din ang likod ko sa ilang oras na pag-upo at paghihintay ng mga responses nila tungkol sa application ko pero hanggang ngayon nga-nga pa din si ate mo gurl.

Napag-desisyunan ko muna na mag-browse panandalian sa e-mail account ko.

"Hala siya andito pa din pala ito?" Medyo matagal bago mag-sink in sakin na ito palang account kong ito ay gamit ko pa noong college days ako. Andami kong mga activities na pinapasa through e-mail.

Sinubukan kong buksan isa-isa yung mga files. May mga iilan na sobrang dami kong sinabi pero ang totoo niyan wala talaga akong natatandaan ni isa sa mga ito. Ika nga nila, "pasok dito, labas doon".

Grabe akalain mo nga naman hindi naman halatang gustong-gusto ko talaga ang pagsusulat ng mga walang kwentang "reflective essay" na kailanman never kong na-iapply sa buhay ko.

Ang bilis talaga ng panahon ano? Parang kailan lang nakakahugot pa ako ng lakas ng loob na gumawa at mag-isip ng ganito kahabang essays, pero ngayon heto ako nag-resign sa pinag-tatrabahuhang Publishing Company na umubos sa pagkatao ko.

Halos 3 months na rin akong walang stable job.

Pansamantala muna akong nagtatrabaho sa coffee shop na ni-refer sakin ni Tiara since kaibigan niya ang may-ari nito.

Ever since high school, takbuhan ko na talaga si Tiara ng mga problema ko. Well hindi lahat, pero masasabi kong isa siya sa mga taong pinaka-pinagkakatiwalaan ko sa mga katangahan ko sa buhay.

When it comes to sharing private matters gaya ng problema ko sa sarili o sa pamilya wala akong pinagsasabihan, sabi nga ng iba pwede namang mag-share wag lang buong pagkatao.

Ganoon na din naman ako noon pa man may limitation lahat ng bagay para sakin.

Nag-iingat lang mahirap na.

Charot.

Matapos kong mag-drama at mag look-back sa mga essays ko noon ay isinarado ko na din ang laptop at humiga na sa kama. Dumaan pa ang ilang oras na pakikipag-staring contest sa pader ay hindi pa din talaga ako makatulog.

Binuksan ko na lang cellphone ko at nagbasa ng mga tsismis sa Facebook. Minsan naiisip ko kung may magandang dulot ba talaga ang social media platforms, para kasi sakin habang patagal nang patagal mas lalo na tayong na-eexpose at pati tayo naaapektuhan na din.

Sobrang toxic na din kasi talaga.

At dahil sa naisip kong iyan nainis ako at pinatay na lang ang cellphone ko.

Parang konting-konti na lang talaga kukunin na ako ni Lord. Mababaliw na ata ako. Hindi ako sanay na wala akong ginagawa. Waw, ikaw ba talaga ito Sunny?

Madalas akong mag-reklamo pero ngayong wala akong ginagawa nag-rereklamo pa din ako.
So saan ako lulugar teh?

Alas-kwatro na nang madaling araw pero wala pa din talaga sa katawan ko ang antok. Ako talaga laging mag-aadjust sa antok na ito eh.

Naisipan ko na lang ulit na tumayo at pumunta sa study table ko. Kinuha ko ang notebook ko at nagsulat.

Hindi ko naman maikakaila na mahal ko talaga ang pagsusulat.

Miss ko na talagang magsulat sa totoo lang, pero may mga bagay lang talaga akong inaayos sa sarili ko ngayon.

Madami pa ding gumugulo sa isipan ko na mga tanong na gaya ng;

"Bakit ko naisip na mag-resign?",

"Tama ba yung ginawa ko",

"Bakit ko hinayaan na maging ganito ang sitwasyon ko ngayon?",

"Hanggang kailan ako walang stable job?",

"Paano kung yun na talaga yung para sa akin pero pinakawala ko pa?".

Mas madami pa diyan iilan lang yan, pero isa lang ang bagay na malinaw sakin.

Magsusulat pa din ako dahil malaking parte na sa buhay ko ang bagay na ito.

Siguro hindi pa ngayon, pero sana dumating ang araw na yun.

At makikita ko na wala akong pinagsisisihan sa desisyong ginawa ko ngayon.

- - - - -

"Trust the process. We all have our own time. Kikinang din tayo kung kailan oras na natin, pero sa ngayon hangga't wala pa magpatuloy ka lang at huwag panghinaan ng loob dahil darating din ang pagkakataon na yung mga tao sa paligid naman ang papalakpak sayo."

-Sunny ^-^

Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon