Chapter 8

80 6 98
                                    


Tracy's Point of View

"Did I save you from the awkwardness?" Tanong ko sakaniya.

Ramdam ko kasi na hindi siya kumportable sa mga kasama niya.

"Salamat." Maikling sagot nito.

Hindi ko mapigilang mapangiti ng patago dahil kahit na ang tahimik niya.

Ang cute niya pa din.

- - -

Naiinis ako sa sarili ko na nakalimutan ko pa na hingin ang number ni Sunny.

Kaya bago ako pumunta sa opisina, dumaan muna ako sa coffee shop kung saan siya nagtatrabaho.

"Good Day Maam!" Bati sa akin nung isang babae na kasama ni Sunny sa counter.

Inikot ko ang tingin ko sa buong coffee shop pero wala akong Sunny na nakikita. "May hinahanap ba kayo Maam?"

Napatingin ako sakaniya bigla at sumagot. "Actually meron. Absent ba si Sunny?" Walang paligoy-ligoy kong tinanong sakaniya na ikinagulat niya.

"Ay nako Maam! Baka mamaya pa siyang hapon pumasok eh. Masakit daw ang ulo niya. Nag-puyat kasi yun eh." Paliwanag nito.

Hindi ko mapigilang malungkot.

Kailan ko kaya siya ulit makikita?

"Well, sige ibigay mo na lang sakaniya yung calling card ko. Pakisabi na hinahanap siya ni Tracy." Binasa nito ang nasa calling card at tumango sa akin.

Tinignan niya ako ulit sa huling pagkakataon na ipinag-taka ko naman. "Sige po! Makakarating sakaniya. Salamat po."

Um-order na din akong isang kape para hindi naman nakakahiya na yun lang ang ipinunta ko.

"Good Morning!" Bungad agad sa akin ni Ynna.

Inilapag niya sa mesa ang papel na naglalaman ng mga bagong kliyente.

Mag-dedebut daw ito at gustong ganapin ang photoshoot sa isang art museum.

Minsan lang kami magkaroon ng kliyente na mag-dedebut kaya tinanggap ko agad.

Hindi man halata pero mahilig ako sa mga bago.

I want to explore things na malayo sa aking comfort zone. Plus bonus na din dahil sa museum niya gusto mag-photoshoot.

"Kailan daw ba yan?" Pinaliwanag sakin ni Ynna ang mga iba pang detalye na gusto ng kliyente.

Sa ngayon, dapat makita ko muna yung location para maging familiar ako kung anong klaseng gagawin kong shots na pwede.

"May iba pa ba tayong naka-sched ngayong araw?" Tanong ko kay Ynna.

"Wala naman Boss. Samahan kita." Talaga nga naman ito oh. Gusto na naman maka-libre ng pagkain.

"Oo sige. Ayusin mo muna mga kailangan ayusin. Balikan mo na lang ako kapag natapos mo na."

Halos mga 2:30 na din kami nakapunta sa Natural History sa may Luneta.

Maganda pala dito wow.

"Grabe! Ganda! Picturan mo ko!" Natawa naman ako kay Ynna at masyadong excited.

"Oo sige basta hindi kita ililibre ng lunch ha?" Biro ko dito na kina-kunot ng noo niya.

"Tsaka na lang pala—" pinutol ko ang sinasabi niya at sumagot.

          

"Joke lang! Sige sabihan mo lang ako kung saan mo gusto maga-pic."

Sobrang lawak at medyo matgal-tagal na lakaran dahil madaming hagdan at sections na pwede mong pasukin.

Hindi ko maikakaila na napaka-ganda.

Ngayon lang ako ulit pumasok sa mga museums dahil masyado na akong naging busy sa mga kliyente.

Atleast kahi papaano ay nakapag-pahinga din kahit trabaho din ang ipinunta namin dito.

Ang satisfying din na makakita ng ganitong mga sining.

Yung tipong ma-rerealize mo na lang na andami naman pala talaga nating (ang bansa) dapat ipagmayabang.

"Boss, hehe. Nagugutom na ako." Napakamot na lang ako sa ulo.

Sabi nung guard hanggang 5 pm lang ang bukas ng museum.

Kaya sinabi ko kay Ynna na babalik na lang kami ulit kapag kasama na namin ang debutant.

Pumayag naman ito dahil madami na naman siyang picture kanina. "Grabe no! Ganda ko noh?" Tumango na lang ako habang pinapakita sakaniya yung mga pictures niya.

"Tracy, naiilang ka ba pag tinatawag kitang boss?"

Sa totoo lang, ayoko na may tumatawag sakin ng "maam" or "boss" kasi pare-pareho lag naman kaming nagtatrabaho,

pero naisip ko na ayos na din kasi baka makalimutan yung formality kapag nasa trabaho na.

"Medyo." Naghahanap kami ni Ynna ng pwedeng puntahan para kumain.

"Ayun! Masarap dun!" Itinuro nya yung resto-bar na kung saan una kong nakita si Sunny.

Hindi ko mapigilang maalala ang mga nangyari non.

———FLASHBACK———

"Reese? Nandito ka pala? Sinong kasama mo?" Laking gulat ko na makita si Reese sa resto-bar.

Nakilala ko siya sa isang common friend namin.

Madalas naman na nakakalimutan ko na agad yung ibang tao, pero nabanggit niya kasi na may i-rerefer siya sa aking kliyente kaya inalala ko pangalan niya.

Sayang din naman yung kliyente.

"Oo. Pwede bang favor? Paki-hatid yung kasama ko sa table 3? Ihahatid ko din kasi itong si Tiara. Lasing na din." Sabi niya sa akin.

Bakit naman kasi maglalasing sila tapos tatlo lang silang babae?

Naawa naman ako sa iniwan nila kaya pumayag na din ako.

"Miss?" Niyugyog ko yung babae pero parang tuog na. Hihintayin ko na lang siya na magising.

Nung humarap siya sakin nakita ko na may luhang tumutulo sakaniyang mga mata.

Umiiyak pala siya.

"Sabihin mo nga sakin? Masama bang mag-resign sa trabaho na ang toxic na nung epekto sakin? Mahal ko naman talaga yun! Kaso nakakasawa na! Yung mga tao dun lagi na lang pinapamukha sakin na kulang yung mga efforts ko. Nakakainis!"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil nag-resign siya.

Ang cute niya kasing mainis.

"Hatid na kita miss." Hindi na naman ito nagreklamo at sumunod na lang sa akin.

Kinuha ko yung ID niya at tinignan yung address niya.

Sunny Esguerra.

Nag-taxi na lang ako sinamahan ko siya. Mahirap na at baka kung ano pa mangyari sakaniya kung iiwan ko siya.

"Girlfriend mo po?" Nagulat ako nung tinanong ako ni Manong Driver.

Napa-iling na lang ako. "Kaibigan lang po Kuya." Sagot ko dito.

"Alam mo ba yung anak ko ding babae may girlfriend. Noong una nagulat ako pero naisip ko na wala namang masama kasi nakikita ko naman siyang masaya eh. Hindi ba sabi nga nila eh kung ano ang makakapag-paligaya sa anak eh siyang ika-liligaya na din ng magulang." Kwento nito.

Napangiti naman ako. Dahil hindi naman lahat ng magulang kaang tumanggap ng anak na "kakaiba".

"Ang swerte ng anak mo sainyo Kuya." Sabi ko dito.

"Ay, nako ho! Ako ho ang swerte sakaniya dahil masipag yung batang iyon. Ngayon nga eh siya naman ang tumutulong sa amin."

Hindi ko namalayan na naka-hinto na pala kami, medyo nalibang din ako sa usapan namin ni Kuya.

"Maraming salamat Kuya!" Ngumiti ako dito bago isinarado ang pinto ng sasakyan.

——END OF FLASHBACK——

"Tracy? Okay ka lang? Tara na!" Nagulat na lang ako nung nasa may harap ko na si Ynna at bubuksan na ang pinto ng resto-bar.

Napahinto pala ako kanina habang inaalala ang isa sa mga di ko makakalimutang karanasan sa buhay ko







——

<3

Save MeWhere stories live. Discover now