Ayoko ng convoy kaya nasa isang van kaming lahat pabalik sa bahay.Sa harap ako umupo para magkasya sila sa likod.
Nasa likos ko sila Roger Charlie at Mike.
Nakikita ko sa rear view mirror na kanina pa nag-uusap sila Abbie at Charlie.
Mukhang nagkakamabutihan na yung dalawa.
Naka shades naman ako kaya di naman nila napapansin na pinapanood ko sila.
Sobrang ingay nila sa likod hinahayaan ko na lang.
Napansin kong iniba nung driver yung daan.
"Saan ka dadaan?" Tanong ko.
"Sir parang sinusundan tayo nung sasakyan sa likod."
"Tss. Ihinto mo kapag may gasolinahan."
"Pero sir..."
"Gawin mo na lang."
"Okay po."
"Makinig kayong lahat."
Tumigil sila sa paglikot at tumingin sa akin.
"Pagdating sa gasolinahan bababa tayong lahat. Dumiretso kayo sa convenience store at bumili ng kahit ano. Kayong tatlo maiwan dito."
"Yes Pres."
"Pati ba ako maiiwan?" Tanong ni Nino
"Sumama kana sa mga girls. Kami nang bahala."
"Okay. Yung kamay mo ha."
"Oo."
Kinuha ko yung baril sa compartment at sinuksok ito sa likod ko.
Nagready din ng armas yung tatlo pati yung driver ko.
Nakikita ko na yung gasolinahan.
Pagliko namin sa gasolinahan ay sumunod din yung sasakyan sa likuran.
Hihinto palang kami sa tapat ng isang gas machine ay napansin ko nang may sumulpot sa mga bintana ng sasakyan.
"Yuko!!!" Sigaw ni Charlie.
Yumuko kaming lahat.
Nagsimulang magpaulan ng bala yung nasa likuran.
Bullet at bomb proof lahat ng sasakyan ko pero mas mabuti nang mag-ingat.
Dahil sa nangyari ay hininto nung driver yung sasakyan.
Hinila na ni Mike yung tinago niya sa ilalim ng upuan nila at inayos yung machine gun.
Nang makatiyempo ay bumaba sila Mike at Charlie sa magkabilaang pinto at bumaril doon sa sasakyan.
Bumaba din si Roger para masigurong makaalis lahat ng nasa gasolinahan.
Nagsisigawan yung mga babae sa likod.
Napatingin ako kay Abbie.
Bakas ang takot sa mukha niya.
Napatakip siya ng tenga sa lakas ng tunog ng mga baril.
Nangangati ang mga kamay kong bumaril din pero may mga sibilyan.
Hindi nila puedeng makita na lumalaban ako.
Ilang minuto ang lumipas bago tuluyang matapos ang barilan.
Rinig na ang serena ng mga pulis kaya bigla nang umalis yung sasakyan.
Nakita kong hinabol nung dalawang police car yung sasakyan habang yung isa naman ay lumapit sa amin.
Nakita ko nang bumaba yung mga pulis kaya bumaba narin ako.
Nagulat sila nang makita ako at sumaludo.
"Mr. President ayos lang po kayo?"
"Ayos lang ako. Andon ang mga sibilyan pakicheck kung may nasugatan ba sa kanila."
"Yes sir."
Tumakbo na yung isa palapit kina Roger.
Yung dalawa naman naiwan at pinalibutan ako para maprotektahan.
Ilang minuto pa ay dumating narin ang media.
Ito ang iniiwasan ko sana pero wala na akong magagawa. Buti nalang at malapit lapit na kami sa Manila.
Tinawagan ko muna si Harley bago ako nagpa interview.
Sabi niya mas okay nang makita ng mga taong walang masamang nangyari sa akin.
Pumuwesto kami malapit sa convenience store.
Nakapalibot sa akon ang mga reporter kaya nakabantay sakin sila Roger.
Buti at dumating narin ang iba kong guards at nagdala sila ng bagong sasakyan dahil puno ng yupi yung van.
"Sir ano po ang nangyari?"
"I was on my way back from Bulacan. Magpapagas sana kami dito nang bigla nalang paulanan ng bala yung sasakyan ko. I don't really know what their motives were or kung sino sila. Baka another ambush attempt. Ang importante ay wala namang nasugatan ngayon."
"Pero sir ano pong ginagawa ninyo sa Bulacan?"
"Binisita ko yung farm. Ipapabalita ko palang sana na magbubukas kami ng trabaho para sa mga kapatid nating magsasaka pero andito na tayo."
"Sir napabalita ho dati na may babae kayo. Siya ba ang pinuntahan niyo sa Bulacan?"
Eto na sila.
Uhaw na uhaw sa mainit na chismis ang media!
"I don't think I have to answer that. It's irrelevant to what happened today. Anyway I have to go. Kailangan ko nang umuwi at magpahinga."
Hinarangan na nila Charlie ang media.
Naglakad na ako pasakay ng sasakyan.
Nasa loob si Adrian.
"Best actor mga tao ko diba?"
Natawa na lang ako.
"Oo. Iba ka talaga."
"Mas iba ka. I don't really get what you're planning to do."
"Basta. Pano pala pagnahuli sila ng pulis?"
"They won't. Alam na nila ang gagawin nila."
Nagkibit balikat na lang ako.
Just a little more spice.
Kinuha ko ang cellphone ko at may dinial na number.
Paguluhin pa natin lalo.
————
Headline sa lahat ng dyaryo at balita ang nangyaring ambush attempt sa akin.
Dahil dito ay nagkaroon ako ng rason kung bakit pinahigpit ko ang security sa Malacañang at sa bahay.
Madami akong pinadagdag na guards.
Inutos ko din PNP chief ko na ibalita sa akin lahat ng kakaibang kilos na mapansin nila.
Pati ang mga Mayor ng bansa pinakiusapan kong magreport palagi sa akin dahil gusto kong malaman kung sino ang mga may gustong magpapatay sa akin.
Now I can watch closer how the syndicates will move.