Si Monjy:
Pumunta ako sa states para dalawin si mommy.
Pagbalik ko ng Pilipinas ay dinumog agad ako ng tao sa airport.
Ayoko naman talagang mag-artista but when someone told me na may lock in tapings at matagal kang wala sa bahay ay sinubukan kong mag audition.
Being the former President's son had an advantage.
I grabbed it.
Sumakay na agad ako sa sasakyan at umuwi.
May mga bisita sa bahay ngayon dahil birthday nung kambal.
Pagkakita nila sa akin ay agad silang tumakbo palapit.
"Kuya! Pasalubong ko?" Sabi agad ni Aubrey.
"Nasa maleta ko pa. Pero.." kinuha ko yung jewelry box sa bulsa ko. "This is for you Happy birthday!"
"OMG! Thank you kuya."
"You're welcome."
"Eh pano naman ako kuya?"
Natawa ako at niyakap ko din si Gab.
"Nasa maleta din yung pasalubong mo at yung regalo ko naman andon sa sasakyan. Size 9?"
"Uy! Ayun thank you kuya!"
Agad na siyang tumakbo papunta sa sasakyan.
Nakita ko nang papalapit sa amin si Abbie.
I used to get bullied at school dahil ang bagong nanay ko daw ay kasambahay ni daddy.
That didn't really bothered me.
I like Abbie.
She's kind and good to me pero hindi ko siya matanggap ng buo because she's one of the reasons why my family can never be complete.
I love the twins.
Ibang usapan yun.
"Welcome back Monjy."
Tumango lang ako at naglakad na kami ni Aubrey papasok sa bahay.
Pagpasok ko pa lang ay may naghagis sa akin ng unan.
Natawa agad si Aubrey.
"Oh bakit umuwi ka pa!?!"
"Bakit andito ka eh bahay ko to!?!"
Si Olivia.
Siya ang anak ng bestfriend ni daddy.
"Ay sorry ha."
"Kutusan kaya kita!?!"
"Maghintay ka lang dahil paggraduate ko ako ang mgiging susunod na presidente ng bansa!"
"As if."
"Kaya ikaw magartista ka na lang forever tutal maarte ka naman!"
Lumapit ako sa kanya at ginulo ang buhok niya.
Inabot ko na yung paper bag na hawak ko.
"Ano to!?!"
"Pasalubong mo."
Hindi niya kinukuha kaya hinampas ko ng mahina sa kanya at kinuha na niya.
Halos sabay kaming lumaki nito ni Olivia.
Okay naman kami noon hanggang sa ewan ko ba naging allergic kami sa isa't isa.
Lagi kong sinasabi noon na magiging Presidente ako kaya lagi niyang pang-inis sakin yan.
17 years really changed me.
Hindi ko na siya pinansin at umakyat na sa kwarto.
Pumasok ako sa walk in closet ko at may hinilang hidden drawer.
Bumungad doon ang collection ko ng iba't ibang bagay.
Kinuha ko sa bulsa ko ang isang black na card na inabot nung babae sa airport.
Binasa ko ang nakalagay dito.
"Welcome home Rabbit."
Natawa ako.
Nilagay ko na ito sa drawer ko.
What should I do tonight?
——-
Si Olivia:
I heard that my mom was previously an assassin.
I want to be one!
Ayaw talaga nila daddy pero napapayag ko sila.
Bumaba na ako sa sasakyan at sinalubong ako ni boss Jarred.
Dumiretso ako sa training room.
Kumuha ako ng baril at binaril lahat ng target.
I am training hard to be the best one just like mommy.
Bullseye lahat.
I'm gonna be one of the finest assassins out there.
——
Si Monjy at Olivia naman?
Charot!
Thank you for reading The Rabbit's Game.
Hope you enjoyed it.
~Lovelots,
MarianaLiang