8: COFFEE AND NICE GUY

4K 217 120
                                    

A/N: yes, an update after 48 years

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

A/N: yes, an update after 48 years. 

Chapter 8: Coffee and Nice Guy

JAJA

Kulang na lang ay sampalin ko ang sarili ko. Umagang-umaga kung anu-ano ba naman ang nakikita ko??

Kinusot ko ang mga mata at bahagyang ipinilig ang ulo, baka sakaling magising ako. When I opened my eyes, I still saw the same person standing outside the shabby gate of my small apartment.

Nakatayo siya at nakasandal sa kanyang sasakyan. He looked like he's in a hurry, sa paraan na tila paulit-ulit na pagtingin niya sa kanyang relo. If I remembered right, it's seven in the morning at sa ganitong oras ay naglipana na ang mga chismosang kapitbahay. Hindi man lamang sila nag-abalang magtago habang panay ang mga bulongan nila.

That person happened to glanced at my apartment, at tila lumiwanag ang ekspresyon ng kanyang mukha.

It was Cooler Vander.

Securing the towel on my shoulder, agad akong lumabas ng gate upang salubungin siya.

"Sir?"

He frowned. "I thought we agreed on being not so formal with each other?"

I don't really remember, pero hindi iyon ang importante ngayon.

"Naligaw ka rito?" tanong ko, simply glancing at his outfit. Mukha namang hindi siya papuntang opisina because he's not in his usual office suit ngunit hindi pa rin nababagay ang kanyang suot sa paligid, more so his car. At bakit iba na naman iyon sa dala niya no'ng nakaraan?

Tiningnan niya ako at nang mapansing wala akong panloob na suot sa ilalim ng luma at manipis na damit ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Agad ko rin namang inayos ang tuwalyang nakapatong sa balikat.

Napahinga siya nang malalim bago sumagot. "I know this sounded so sudden but I'm inviting you for dinner."

Dinner agad, kagigising ko lang?!

Muli akong napatingin sa mga chismosa sa paligid kaya inimbitahan ko muna siya papasok sa apartment. When he was inside, he looked so out of place. Malinis naman ang lugar ngunit hindi bagay si Cooler sa ganoon.

"Pasensiya ka na, maliit lang ang bahay ko," sabi ko at pinaupo siya sa lumang upuan na gawa sa rattan.

Cooler comfortably sat on it, walang pandidiri o pag-aalinlangan. Ngumiti siya sa akin. "It's cozy."

Gumanti ako ng ngiti. "Coffee?"

"Only if you would join me," sagot niya.

Agad akong nagtungo sa kusina. Since the apartment is just small, only the small drawer divides the living room from the kitchen kaya nakikita pa rin niya ako.

"Instant lang ang meron ako," pagbibigay alam ko.

"I'm okay with anything," sagot niya at inilibot ang paningin sa paligid. Buti na lang nakapaglinis na ako kagabi. I already threw Jules' things na ginagamit niya sa hindi mabuting bagay.

UNDER NO ILLUSION (Vander #2)Where stories live. Discover now