5: WALKING FAILURE

6.1K 435 289
                                    

Chapter 5: Walking Failure

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 5: Walking Failure

A/N:

By the way, UNI timeline is 2 years from the start of DWTD timeline. If you haven't read, DEALING WITH THE DEVIL (BOOK 1 OF VANDER SERIES) there will be a lot of spoilers here.

JAJA


I rolled to the other side of the bed to reach for my ringing phone. The clock on the side showed it's 5:30 in the morning.

What the heck? Sinong tumatawag sa akin ng ganitong oras?! I didn't bother checking who called at mabilis na sinagot ang tawag.

"If this isn't a life and death situation, do yourself a favor. Don't show yourself to me or I'll kill you with bare hands," bati ko sa kabilang linya.

"Wow, is that how you will treat your employer?"

What the hell?

Napabalikwas ako ng bangon at tiningnan ang cellphone. It's really Cooler Vander- but wait, seriously calling me at 5:30 AM?!

"Huwag mong sabihing ganitong oras ka magpapaturo?" tanong ko sa kanya. Pasado alas tres na ako nakatulog kagabi dahil may raket pa ako tapos ganitong oras siya tatawag?

"No, we'll start at 6, so you have 30 minutes to prepare-"

Hindi ko maiwasan mapataas ang kilay. "Nababaliw ka na ba?"

"In case you forgot Miss Rustia, our terms say it's my call when our lessons will start. And this is so kind of me to call you this early dahil as we agreed, I don't like tardiness. I have a meeting at 9 AM so this is my only free time. If I were you, I would jump my ass out of the bed at naghanda na. I'll see you at the nearest coffeeshop sa office."

And he dared to drop the call!

Hindi pa man ako nakakasagot ay pinatayan na niya ako ng telepono! This is so annoying but what can I do? Man is kind enough to give me a job after my blackmail. So yeah, I will consider him good because like he said, he isn't a frugal employer. Sa ganoong paraan ay makakapag-ipon ako ng pampiyansa kay Jules.

Sa ilang beses ba naman niyang pagkakulong, I ran out of people na malalapitan ko kapag kailangan kong umutang ng pera. At first, pumapayag pa silang magpautang. Then next, they will tell me to stop dating Jules for some reason. That's when I stopped asking them to help me dahil kasunod niyon ay ang walang tigil na panenermon sa akin tungkol sa relasyon ko kay Jules.

I'm tired of telling them he will change soon. Hindi man ngayon ngunit may tiwala akong magbabago si Jules. Binilisan ko na lamang ang pag-aayos at agad na pumunta sa coffeeshop na sinabi ni Cooler.

I arrived on the specified plaxe at exactly 6. Iilan pa lamang ang tao sa coffeeshop na iyon kaya mabilis ko siyang nahanap. He was sitting on the corner, with his legs crossed at may umuusok na tasa ng kape sa harap niya. He's wearing a suit, with his coat on the chair beside him, leaving him in his blue inner shirt and black ties. He was reading something on his iPad at tiningnan niya ako nang mapansin ang presensya ko.

UNDER NO ILLUSION (Vander #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon