Chapter 13

89 8 0
                                    

Chapter 13

Zares' Point of View

Ilang linggo ng nakalipas simula nung mawala si Ailee. At sa nakalipas na araw, wala akong gana sa lahat ng bagay. Hindi ako kumakainnamamayat na nga ako.

Wala akong ibang gustong gawin kundi ang makita si Ailee. I miss her so much!

I'm a mess right now!

Naglalakad ako na hindi alam kung saan patungo.

Hanggang sa napadpad ako sa kalsada.

Hindi ko pinapakinggan ang mga nagbubusinang mga sasakyan at patuloy lang ako sa pagtawid kahit pa green na ang kulay ng traffic light.

*BEEEPPPPPPP*

Kahit pa kung ano ang naririnig ko, hindi parin ako lumilingon.

"Oh my god! Tulong! Tumawag kayo ng ambulansya!" Narinig ko nalang sigaw ng isang babae sa likuran ko kaya lumingon ako.

At dun bumulaga sakin ang kotseng wasak na wasak na nabangga sa poste.

Nagulat ako at biglang pansamantalang nakalimot kay Ailee.

Inaalala ko ang nangyari kanina. Yung pagbubisinang di ko pinapansin hanggang sa narinig ko ang malakas na pagbangga.

Maya-maya pa'y, may dumating na ambulansya at mga pulis. Nakaramdam ako ng takot kaya dali-dali akong umalis sa lugar na'yon at umuwi.

****

"Sir, kailangan lang po naming makausap ang anak niyo." Anang boses sa baba.

"Bakit may mga pulis dito? Ano ba ang kasalanan ng anak ko?" Boses yun ni daddy.

"Oh my god! May nagawa ba ang anak namin?" Boses naman yun ni mommy.

"Ma'am, Sir, may naaksidente po kanina at ang mga nakakita sa aksidenteng yun ay itinuturo ang pangalan ng anak niyo. Dahil po sa biglang pagtawid niya na nakakulay green naman ang traffic light." Mahabang usal ng isang police.

"Oh my god! Mr. Police, you see, wala sa matino ngayong pag-iisip ang anak ko, kakapangulila pa lang niya sa girlfriend niya. Baka pwede naman nating pag-usapan to?" May bahid na pangungumbinsi na sabi ni mommy.

M-May naaksidente? Nang dahil s-sakin? I-ibig sabihin... m-may namatay ng dahil sakin. N-Nakapatay ako?

Tinakpan ko ng unan ang aking tenga. Ayokong marinig ang sasabihin nila.

*****

Ilang araw ang lumipas, hindi ko na naririnig na bumalik pa yung police. Siguro naayos na nila mommy at daddy.

I smiled dryly nang maalala ang aksidente nang dahil sakin.

Napabalikwas ako nang malinaw ko ng naalala ang nangyari na kinakalimutan ko na.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now