Chapter 15

98 7 0
                                    

Chapter 15

Kaede's Point of View

Nakatulala ako sa kung saan habang iniisip ang mga nangyari nung isang araw.

"Kaede.. I like you.."

Biglang tumibok ng malakas ang puso ko. Shet! Kalma lang heart! inhale.. exhale..

Hindi ko talaga inasahan yun.

"Anong sinabi mo?" Paguulit ko. Baka kasi namali lang ako ng dinig eh.

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin. "Ang sabi ko, gusto kita.." hindi nga ako nagkamali.

"Ginagago mo ba ako? Kakabisita lang natin sa girlfriend mo!" Asik ko sa kanya.

"I let her go.. pero hindi ibig sabihin nun, kinakalimutan at binubura ko na siya sa puso ko at hindi rin ibig sabihin nun.. hindi na ako magkagusto sayo." Nagulat ako sa deretsong sabi niya.

"Nahihibang ka na ba? Hindi moko gusto! P-Paano mo nagugustuhan ang isang katulad ko? Mayaman ka, mahirap lang ako at nagtatrabaho para mabuhayㅡ"

"I don't care! Kahit pa ikaw ang pinakamahirap na tao sa mundo o kahit mas mahirap ka pa sa dagagusto kita!" Mahina niyang sigaw. "Don't worry, hindi kita minamadali.. I will only give you 3 days.." at ngumisi pa siya. "Iuwi na kita.." hindi na ako nakapagsalita pa ng makapasok sa kotse niya. Masyadong maraming nangyari na sa sobrang dami, hindi na masink-in sa utak ko.

3 days? Ano na'ng gagawin ko? Bukas na yun ah! Ang bilis naman kasi!

Pinilit ko ring wag munang magpakita sa kanya. Baka kasi tanongin ako, eh sa naiilang pa ako eh! Gusto ko rin naman siya pero hindi talaga ako handa lalo na't biglaan at hindi ko inaasahan.

Dahil sa pag-iisip, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.


Zares' Point of View

Pasimple kong sinusundan si Kaede. Alam ko namang iniiwasan niya ako kasi palagi siyang lumilingon sa paligid niya.

So cute!

Natawa talaga ako dahil sa mga kilos niyang sobrang ingat. No! I won't take my eyes off of you.

Napangiti ako nang makitang nakatulog siya sa batibot. Lalapitan ko sana siya nang may lumapit sa kanya na may dalang syringe. Fvck!

Nakita kong tuturukan na niya si Kaede kaya tinakbo ko yun at hinablot na nakapagpatalon sa kanya dahil sa gulat.

"What the fvck are you doing?" Galit kong sigaw sa kanya. Tinapon ko rin yung syringe. Nakita ko ang takot sa mata niya. "You're Tina, right? If you love your life, better stay away from her or I'll kill you!" Bakas ang galit sa tono ko kaya naman tumakbo siya.

Hinarap ko si Kaede na nagising na pala at kinusot-kusot ang mata.

Nanlaki ang mata niya pagkakita sa akin. "K-Kanina ka pa jan?" Aniya na nakaturo sa kinatatayuan ko. Tinanguan ko siya. Hindi niya pwedeng malaman ang nangyari kanina.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now