BAHAY NA BATO (part 2)

25 1 0
                                    

"I-ikaw pala kuya Gabriel, ginulat mo naman ako," ani Lance na napahawak sa kanyang dibdib pagkakita sa kanyang bayaw. Ramdam niya ang pagbilis ng pagtibok ng kanyang puso dahil sa pagkabigla.

"Sorry, pasensya na, nakita kasi kita dito na tila may kausap ka kaya nilapitan na kita," tugon ng may kalalimang boses na si Gabriel na nakahawak sa balikat ni Lance.

Napatingin sa kanyang balikat si Lance kung saan nakahawak ang kamay ni Gabriel. Tila nawala bigla ang naramdamang kaba niya nang mga sandaling iyon at pilit na pinipigilan ang pagguhit ng ngiti sa kangyang mga labi. Aminin man niya o hindi ay crush niya si Gabriel. Unang kita pa lamang niya noong ipinakilala siya ng ate Anna niya ay na-attract na siya sa kanyang bayaw. Kung hindi lang siya asawa ng kanyang kapatid ay baka didiskartehan niya ito para maging kanyang dyowa.

"O-okay lang iyon kuya. Medyo nabigla lang naman ako kasi hindi ko inaasahan na naririto ka pala," tugon ni Lance habang nakatingin sa kamay ni Gabriel. Tumingin siya sa mukha ng kanyang bayaw at napakagat-labi nang maramdaman ang pagpisil nito sa kanyang balikat.

"Ano ba ang ginagawa mo rito at sino ang kausap mo?" muling tanong ni Gabriel kay Lance. Kaagad niyang inalis ang pagkakahawak niya sa balikat ng bayaw nang makitang panay ang sulyap nito dito.

"Naglilibot lang sana dito sa bakuran ninyo kuya, napansin ko na hitik pala sa bunga ang puno ng santol at manga ninyo. Favorite ko pa man din mga yan. Mamimitas sana ako nang mapansin ko yung mag-ina na kapit-bahay niyo yata. Pumasok sila sa loob ng kubong iyan," paliwanag niya kay Gabriel sabay turo sa kubo na halos magiba na sa sobrang kalumaan nito.

"Mag-ina? Pumasok kamo sa kubo na iyan?" ang di makapaniwalang tugon ni Gabriel sa tinuran ni Lance.

Tumango si Lance at napansin nito ang pagtataka sa ekpresyon ng mukha ng kanyang bayaw.

"Pumasok sila sa loob ng kubo," muling sabi ni Lance sabay turo pa rin sa lumang kubo na yari sa halos nabubulok na kawayang dingding at bubong na pawid na binahayan na ng mga ibong maya.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mong nakita mo, Lance?" nagtatakaong usisa ni Gabriel sa kanya.

"Oo naman kuya, tinanong ko nga sila kaso imbes na sagutin ako bigla na lamang silang pumasok sa loob."

"Imposible. Matagal ng nakakandado ang kubo na yan. Nawala na nga ang susi ng kandado kaya hinayaan na lang nina mama ang kubo lalo na't luma na."

"Pero, sigurado ako sa nakita ko, kuya Gabriel. Saka kung nakandado man yan dati baka nasira na siya sa tagal ng panahon. Puwede rin siguro na may nagpumilit na nagbukas sa pinto at sinira ang kandado," ang pilit na pagpapatotoo ni Lance sa kanyang bayaw tungkol sa nakita.

Napa-isip si Gabriel sa sinabi ni Lance. Mukha ng pag-aalala at pagkabahala ang masasalamin sa guwapo nitong mukha. "Tara, tignan natin kung nasa loob nga ang sinasabi mong mag-ina. Baka kasi totoo ang sinasabi mo sa akin na may mag-ina nga ang pumasok dito. Wala pala kaming kaalam-alam ng ate Anna mo na may tumira ng taga-labas sa loob ng bakuran namin ng di man lang napapansin."

Pilit na ngumiti si Lance bilang pagsang-ayon sa posibleng dahilan kung bakit may nakita siyang mag-ina na pumasok sa lumang kubo. Marahan ay nilapitan nila ang saradong pintuan ng kubo na maayos pa rin kahit na may senyales na ng pagka-agnas ang mga kahoy na dingding nito. Nakita nila na nandoon pa rin ang padlock sa pintuan at maayos pa ito. Mukhang walang anumang senyales ng puwersahang pagbukas sa pintuan.

"Tulad ng sinabi ko sa'yo, nakandado pa rin ang pinto," ang wika ni Gabriel sa bayaw. "Para makasiguro tayo, tignan natin kung maayos pa ba ang pintuan ng kubo," dagdag pa niya saka sinubukang hinila ang pinto para buksan ito. Pero, matatag pa rin ang pagkakapit nito sa dingding ng kubo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GRAVEYARD SHIFT vol. IIWhere stories live. Discover now