PROLOGUE

49 19 0
                                    

Prologue

Sa isang malawak at mahiwagang lupain na puno ng iba't ibang uri ng mga bulaklak na kumikinang sa ganda, kung saan naninirahan ang mga taong mahiwaga at kakaiba kumpara sa ibang naninirahan sa kontinente ng Faraherr. Sila ay tinatawag na mga fairy at ito ang tinatawag na Blossom Realm. Pangalawa sa pinakamalakas at pangalawa sa pinakamataas na may antas sa kanilang kontinente.

Puno ang lupain ng mahika at kumikinang ito sa ganda marahil natatamaan ito ng sinag ng asul na buwan. Makikita rito ang mga uri ng mumunting nilalang na lumilipad at kumikinang sa kalagitnaan ng gabi.

Ang mga nakatira rito ay mahimbing nang natutulong maliban sa loob ng palasyo na kung saan may malakas na sigaw na namumutawi sa loob nito.

“Mahal na reyna, kailangan niyo pong pakatatagan ang loob niyo.” wika ng isa sa mga babae na tinatawag na scolt ladies. Sila ang mga namamahala sa kanilang mahiwagang lupain kasama ang kanilang Immortal Blossom Godesss na namumuno sa kanila.

Ngunit ngayon, lahat ng mga ito'y nag-aalala at hindi na maalam ang kanilang gagawin sa kanilang reyna. Ang iba'y umiiyak na at ang iba naman ay malapit ng mawalan ng pag-asa. Wala silang ibang ginawa kung hindi ang tignan na lamang na nahihirapan ang kanilang mahal na Reyna.

“AAAAAHHHHHHH!” sigaw ng kanilang reyna habang nahihirapang manganak sa kaniyang magiging anak at tagapag mana. Hindi na mabilang kung ilang beses nang sumisigaw ang kanilang mahal na reyna. Nakahiga ito sa isang malaki at magarbong kama na napapalibutan ng iba't ibang kulay at uri ng mga bulaklak.

“Malapit na po, mahal reyna. Huwag po kayong sumuko.” saad naman nitong si Lily. Ang pinakamataas na scolt lady, at kanang kamay ng mahal na reyna.

“AAAHHHHHHHHHHHHHHHH!” Isang malakas ang pinakawalang muli ng kanilang mahal na reyna at sa pagkakataong ito ay nawakasan na ang paghihirap nito dahil sa wakas ay  lumabas na rin ang sanggol na nasa sinapupunan ng kanilang mahal na reyna.

Makikita ang pagbabago ng mga itsura ng kababaihan, kahit papaano ay nakahinga sila ng maluwag ngunit hindi pa rin iyon sapat upang magdiriwang sila dahil alam nilang nahaharap ang kanilang mahal na reyna sa alanganing sitwasyon. Ano mang oras ay maaari itong mawalan ng buhay sanhi ng labanan ng kanilang mahal na reyna sa kinikilalang heavenly empress, ang pinakamalakas at makapangyarihan sa kontinente at ang namumuno rin sa Five Realm kasama na rito ang pinamumunuan niyang Heavenly Realm. Malaking pinsala ang natamo nito sa heavenly empress sahi ng pagkawasak ng kaniyang Soul Serynt. Ito ay ang bagay na nasa loob ng katawan na pinanggagalingan ng buhay at kapangyarihan ng mga nilalang sa Faraherr Continent.

“Mahal na reyna, ang sangkol na ito ay isang babae. Tama po kayo.” saad ni Lily. Matapos niyang sabihin ay namutawi ang mga bulung-bulungan ng mga scolt ladies sa loob ng palasyo.

May pag-iingat na iniabot ang sanggol na batang babae sa mahal na reyna. Makikita ang nagagalak na itsura ng mahal na reyna habang sinusulyapan ang kaniyang anak na batang babae. Ngunit nalulungkot din ito dahil hindi na nito makakasama ng matagal ang anak niyw dahil ito ay malapit ng mamaalam sa mundo.

“Siya ang pag-asa natin.” sambit ni Nily, nakababatang kapatid ni Lily.

“Sa wakas, sa takdang panahon ay ma ipaghihiganti rin natin ang mahal na reyna sa Heavenly Realm.” sabat naman ng nakatatandang kapatid ni Lily na si Fily.

“Tumigil ka, Fily. Wala akong maririnig na salitang gumanti. Hindi natin kailangang gumanti, at ayokong magaya ang anak ko sa akin. Ayokong maranasan ng aking anak ang pait na naranasaan ko sa kamay ng heavenly empress.” mariing wika ng mahal na reyna na nagpatahimik sa kanilang lahat.

“P-pero kung hindi tayo lalaban, hindi siya titigil hanggat hindi niya napapa bagsak ang blossom clan.” giit nitong si Fily sa mahal na reyna.

“Hindi mangyayari ang tinutukoy mo, Fily. Dahil umpisa pa lamang ay ako talaga ang punterya ng heavenly empress, ako lang ang pakay niya.” nahihirapan mang magsalita ay pinipilit nito na ipaintindi sa kanila na hindi solusyon ang gumanti.

“Pero mahal na reyna, hahayaan ba namin iyong mangyari? L-lalo pa't kailangan ka namin. Ano na lamang ang aming gagawin kapag nawala ka?” may kataasang tonong wika ni Fily.

“Fily—”

“Bakit, Lily? Kahit kayo ay iyan din ang nasa isipan niyo.” sabi nito habang tinitignan isa-isa ang kaniyang mga kasamahan.

Hindi nakasagot ang kanilang mahal na reyna. Ngunit huli na ang lahat dahil ang kinakatakot nila ay nangyari na.

“Mahal na reynaaa...” sabay-sabay nilang sigaw ng makita nilang nahihirapan ng makahinga ang kanilang mahal na reyna. Nakita nilang matapos nitong umubo ay may lumabas na dugo sa bibig nito.

“Wala ng oras,” iyan lamang ang lumabas sa bibig ng kanilang mahal na reyna. Muling napabaling ang paningin sa anak nito. “O kay gandang bata, mula ngayon ang magiging ngalan mo'y Shaneiah, 'kay gandang pangalan, 'diba?”

Itinaas nito ang kaniyang palad at gamit ang kaniyang kapangyarihan ay may binuo siyang mahiwagang maliit na bilog. Kumikislap na kulay asul at bigla na lamang nitong idinikit sa anak nitong si Shaneiah at hindi sa kalaunay tumagos ito sa dibdib ng kaniyang anak.

“Isinasalin ko ang aking kapangyarihan at para na rin sa kaniyang proteksyon. Gamit ito ay mapapanatili at masisigurado kong ligtas ang aking anak kahit wala na ako sa mundong ito. Ito rin ang magiging gabay niya sa kaniyang paglaki, ngunit panandalian ko itong isinasara at sa kaniyang paglaki ay wala siyang ibang mararamdaman kung hindi ang pagmamahal niya lamang sa kaniyang angkan.”

“Mabuhay, prinsesa Shaneiah.” sigaw ng mga scolt ladies habang nakayuko, ang kanilang kanang kamay ay nakalagay sa kanilang mga dibdib bilang pagbati.

“Meron akong tungkulin na dapat ninyong gampanan bilang mga scolt ladies, kayo ba ay maasahan ko?” tanong ng kanilang mahal na reyna sa kababaihan.

“Ano po iyon, mahal na reyna?” si Lily.

“Gusto kong panatilihin ang inyong prinsesa ng mahigit dalawang-pong taon, at hindi siya maaaring lumabas dito sa Blossom Realm hanggat hindi pa natatapos ang dalawang-pong taon. Kahit anong mangyari ay pinagbabawalan ko siyang tumungtong sa Heavenly Realm. At ang pinaka importante ay kailangan niyong itago ang kaniyang katauhan bilang isang prinsesa ng Blossom Realm at walang sino mang makakaalam nito sa buong kontinente ng Fararerr.”

“Pero mahal na reyna?” si Fily. Sa pananalita pa lamang nito ay hindi na siya sang ayon sa sinabi ng mahal na reyna.

“Ang sino mang susuway sa tungkulin na ipinapagawa ko ay kailangan niyang parusahan ang kaniyang sarili, ang kabayaran ay ang wasakin ang kalahati ng kaniyang kapangyarihan maging ang kalahati ng kaniyang buhay.” ma-awtoridad na saad ng kanilang mahal na reyna.

“Kami po ay susunod sa inyong ipinapagawang tungkulin, mahal na reyna. Kung ang isa man sa amin ay hindi nasunod ang tungkulin ay wawasakin namin ang kalahati ng aming mga kapangyarihan, maging ang kalahati ng aming buhay bilang kabayaran sa hindi pagsunod sa tungkulin na ipinapagawa niyo.” sabay-sabay nilang tugon sa mahal na reyna.

“Paalam, aking prinsesa.” namumuo ang mga luha sa mga mata ng mahal nilang reyna. At sa huling pagkakataon ay hinalikan niya ito sa nuo ang kaniyang anak na batang babae.

Matapos ang kaganapang iyon ay unti-unti na ngang nawawalan ng buhay ang kanilang mahal na reyna. Unti-unti na itong naglalahaho. Lahat sila ay ginamit ang mga kapangyarihan upang panatilihin ang kanilang mahal na reyna ngunit kagaya ng inaasahan ay nabigo ang mga ito. Tuluyan na nga itong naglaho at naging isang maliliit na lamang na bagay na kumikinang at lumulutang patungo sa himpapawid.

“M-mahaal na reynaaaaa.” sigaw nilang lahat habang umiiyak. Makikita sa kanilang itsura ang pighati matapos mamayapa ang kanilang mahal na reyna dahil hindi na nila ito muling makikita.

Kung matatanaw ngayon ang buong Blossom Realm ay malaki ang pagbabago kumapara kanina. Ang kaninang puno ng iba't ibang uri ng mahalimuyak na bulaklak ay bigla na lamang nalalanta at natutuyot. Nawalan ng kulay at nawalan ng buhay ang buong kontinente ng dahil sa pagkawala ng Blossom Goddess na reyna ng Blossom Realm.

IMMORTAL GODDESS Where stories live. Discover now