C H A P T E R 1 : Simula

36 21 0
                                    

CHAPTER 1

labing pitong taon ang lumipas

"A-araayyyy!" mariin kong sigaw matapos kong tumalsik sa halamanan.

Ilang beses ko na itong ginagawa ngunit wala pa ring nangyayari. Walang patutunguhan itong ginagawa ko lalo pa't mahina lamang ang kapangyarihan ko. Hindi ko magawang makalabas dahil may malakas na enerheya ang nakaharang dito.

"Sinabi ko naman kasi sa 'yo, Iah. Hindi ka makalalabas sa pananggalang na nakabalot sa buong Blossom Clan." saad ni Maya sa akin habang tinutulungan niya akong makatayo.

"Nakakainis, gustong-gusto ko nang makalabas sa lugar na ito." inis na sabi ko habang pinapagpagan ang suot kong damit.

"Ano ka ba, Iah. Makakalabas din tayo. Tatlong taon na lang ang hihintayin natin." katwiran ni Maya sa akin ngunit hindi pa rin ako nakumbinsi.

"Tatlong taon? Anong gagawin ko sa tatlong taon na 'yon? Mag-aral lang? Nakatatamad kaya." nakabusangot na pahayag ko.

"Ano naman ang mapapala ko sa pag-aaral? Ni hindi ko nga kayang magpagalaw ng mga bagay. Parang ipinapakita lang nila sakin na minamaliit lamang ako. Dahil ba isa lamang akong mababang uri ng fairy?"

"A-anong nangyayari sa 'yo? Bakit natulala ka? Tama naman ang mga sinabi ko 'diba?"

"Scolt ladies? Napakasungit at strikto. Hindi nila tayo binibigyan ng kalayaan upang makapaglakbay sa nais nating puntahan. "

"T-tumigil ka na, Iah. H-huwag ka ng magsalita. S-sa likuran mo." mahinang wika niya sa akin.

"Bakit kasi tayo iniwan ng Blossom Godess-"

"Lapastangan." napalingon ako sa aking likuran at doon ko nakita ang tatlong scolt ladies. Si lady Lily, Nily and Fily, mabils na itinaas ni Lady Lily ang kaniyang kamay at sa isang iglap lamang ay naramdaman ko na lamang ang pagsampal sa akin gamit ang hangin.

Napayoko ako ng maramdaman kong lumapit sila samin.

"A-ano ang iyong ginagawa, Iah? At ano iyong narinig ko patungkol sa ating Blossom Godess." si Lady Lily.

A-anong sasabihin ko?

Hindi ko magawang makapagsalita. Marinig ko pa lang ang boses niya'y gusto ko na lamang tumakbo ngunit hindi maaari.

"Narito po kami dahil may ipinag-uutos sa amin si Master Mirl, Lady Lily." dinig kong nagsalita si Maya upang pagtakpan ako.

"Gusto mo bang maparusahan din, Maya? Umuwi ka na, hinahanap ka na ng iyong ina!" si Lady Nily, ang mabait sa kanilang magkakapatid.

"Masusunod po, Lady Nily. Aalis na po ako, Lady Lily, Lady Fily. Iiwan na kita rito, Iah. Mamaya na lang."

"Huwag mo akong iwan dito, Maya." bulong ko ngunit dali-dali siyang lumipad.

"Nagtangka ka na naman bang lumabas, Iah?" narinig ko na naman ang boses ni Lady Fily. Masungit at strikto sa kanilang magkakapatid.

"N-nagkakamali po kayo. Nagsasanay lamang po ako ng aking kapangyarihan." pagsisinungaling ko.

"Kung ninanais mo talagang makalabas dito ay magsumikap kang magsanay upang ikaw ay maging malakas. Napakahina ng iyong spiritwal na enerhiya, ganoon din ang iyong fairy skill." napayoko ako matapos kong marinig ang sinabi na iyon ni Lady Lily.

"Huwag mo naman pakagalitan ng husto si Iah, Lily. Napakabata niya pa upang madaliin ang pagsasanay." katwiran ni Lady Nily at lumapit sa akin. "Iah, sige na, umalis ka na dahil bukas ay ang anibirsaryo ng ating dating Blossom Immortal's death. Lahat ay dadalo, huwag ka sanang mahuhuli."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IMMORTAL GODDESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon