Password 1 | Ang Pagtatagpo

120 8 2
                                    

Password 1 | Ang Pagtatagpo

Akyla Tuasoc

Nagising ako dahil sa malakas na tahol ng mga aso. Umupo ako sa pagkakahiga tsaka napahawak sa ulo ko na parang pinupukpok nang sandikatang karayom. Daig ko pa ang na-hang over sa lagay na ito.

Nang mahimasmasan na ako ay nilibot ko ang paningin ko kung nasaan ba ako at napagtantong nandito ako sa kuwarto ko. Weird. So panaginip lang ang lahat ng iyon? Hindi totoo si Amira tsaka hindi rin totoo na nabangga ako ng isang karomata?

Napapailing nalang ako. I thought tuluyan na akong nabaliw at kung ano-ano ang nakikita ko kagabi. Imposible naman kasing may karomata sa loob ng tunnel kasi san naman 'yun galing, eh dead end ang tunnel namin. At isa pa, walang alitaptap na nagsasalita kaya kodus na lang sa panaginip ko kagabi kasi kahit weird, it's one of the interesting dreams I've ever had!

Bumangon na ako tsaka nag-unat. Pumunta ako sa banyo upang magsipilyo at habang ginagawa ko ito ay nakatitig lang ako sa repleksyon ko sa salamin. May bigla naman akong naalala sa panaginip ko.

"Binibini, umalis ka diyan!"

Psh. Binibini? Who even says such thing these days? Ang baduy. Lalaki ang boses na iyon and speaking of lalaki, hindi ko man lang nakita ang mukha nung sumigaw sa akin nun. De bale, baka madugtungan ang panaginip ko at makikita ko na ang mukha niya.

Bumalik lang ako sa ulirat nang biglang tumunog ang cellphone ko. Lumabas ako sa banyo tsaka kinuha ito sa may nightstand. Tinanaw ko kung sino ba itong tumatawag sa akin at si Wenna lang pala. Sabado ngayon kaya walang pasok. Nagtaka naman ako kung bakit siya napatawag, eh pagtingin ko sa oras ay 7:30 am pa. Dapat tulog mantika pa siya sa oras na ito.

"What's up?" bati ko sa kanya.

"Hmm... kisame, ilaw, sapot tsaka... gagamba." Sabi niya and I can already imagine her looking up at the ceiling of her room at nag-aacting na sinusuri kung ano ang nandoon. I crack a smile.

"Shut up. Ba't ka ba napatawag? Anong meron?" tanong ko at narinig ko naman siyang tumikhim.

"Nagtotoothbrush ka bang kausap ako? Tapusin mo nga 'yan, Wak. Kadiri ka talaga." I roll my eyes at her. Di niya naman kita kaya hindi niya ako mababatukan.

"Fine, wait lang." Paalam ko at akmang babalik na sa banyo dala-dala ang cellphone ko nang biglang humangin ng malakas sa kuwarto ko at napatingin ako sa nakabukas kong bintana.

The heck. Hindi ko ba ito naisara kagabi?

Napakunot ang noo ko tsaka lumapit roon para isara ito nang mahagip ang mata ko sa isang bagay na nakatayo sa tapat ng tunnel namin. Napadungaw ako sa bintana kung totoo ba itong nakikita ko and totoo nga! Napanganga ako sa nakita kaya naman nahulog ang toothbrush mula sa bibig ko. Dumungaw ako sa baba at nakitang nakahandusay roon ang toothbrush sa lupa.

"Pa-pano..." napapalunok kong sabi sa kaba. Hindi ko na napansin na nalunok ko na ang magkahalong laway at toothpaste sa bibig ko.

Bakit may karomata sa tapat ng tunnel namin?!

"Hello? Wak? Ba't hindi ka na nagsasalita diyan? You cool?" hindi ko na sinagot si Wenna at tinapon ko nalang ang phone ko sa higaan at dali-daling naglimogmog. Nang matapos ako ay nagtungo ako muli sa bintana at sinilip kung andon parin ba ang karomata and alas, andiyan pa nga. The heck?! Kinuha ko ang cellphone ko tsaka bumalik ulit sa bintana. Nanginginig kong tinawag ang pangalan ni Wenna.

"We-wenna,"

"Wak! Ang tagal mo namang maglimogmog. Anyare sa'yo?"

"Dang, nababaliw na ata ako." sabi ko sa kanya habang nakatutok ang mata ko sa karomata.

Password 9998Where stories live. Discover now