Password 4 | Ang Pag-aakala

85 5 3
                                    

Password 4 | Ang Pag-aakala

Akyla Tuasoc

Pagpasok ko ng banyo ang unang bumungad sa akin ay isang babaeng gulong-gulo ang buhok. Lukot ang damit, may malaking eyebags, namumula ang mga mata, at may nakatirik na pimple sa ilong at doon ko pa narealize na ako pala ang babaeng nasa salamin.

Hindi ako makatulog kagabi. Kahit ilang ikot ko sa kama, kahit ilang pagbibilang ang ginagawa ko, kahit ilang haplas ko ng vicks sa noo at singhot ng white flower ay hindi parin ako inaantok.

Gosh, ang sagwa kong tingnan! At mas lalo akong nababad trip dahil sa malaking pimple na ito na mamulamula at may nana. Ang sarap tirisin pero ang sakit tsaka balita ko maaari itong magdulot ng impeksiyon o di kaya'y makamamatay.

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto ng kuwarto ko kaya naman parang zombie akong nagtungo doon at binuksan ito.

"Ma, mamaya nalang ako kakain. I'm stress na tingnan mo may pimple pako. Bring me to Dr. Ong please!" Pagmamaktol ko kay mommy.

"Ma-magandang umaga, binibining Akyla."

Nanglaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na 'yun. Nag-angat ako ng tingin at bumungad sa akin ang pagmumukha ni Nicholas. Nakasuot ito ng itim na tshirt kung saan may tatak na penshoppe at isang puting pajama. Naaamoy ko naman ang amoy niya na talaga namang nakakaindak. Mukhang kakaligo palang niya at agad kong naisara ng malakas ang pinto ko nang marealize kong nakita niya ang itsura ko ngayon.

Feeling ko mamalasin ako sa araw na ito. Wala akong tulog, ang langya kong tingnan, naisipan pa ng mukha ko na tubuan ako ng pimple, hindi pa ako naghilam-os. Ang mas masaklap pa ay nakita ni Nicholas ang lahat-lahat ng ito. Nakakahiya talaga.

"Nakahain na ang mga pagkain at ikaw na lamang ang hinihintay upang makapag-almusal na tayo, binibini."

"Ah, sige. Mauna ka na susunod nalang ako." Mahinang sambit ko rito habang nakasandal ako sa pinto.

"Pinapasundo ka ni Adelia sa akin at inaasahan niyang magkasabay tayong pumunta sa kusina."

"Ako nalang ang mageexplain sa kanya. Mauna kana ron."

"Hindi maaari, binibini."

Aba naman. Anong pakolo na naman ito, Nicholas? Hindi ko talaga siya ma-gets. Aga-aga mag-aaway na naman ba kami nito? Bakit ba kasi pinapasundo pa ako ni mommy and si Nicholas pa ang sinabihan niya na sunduin ako pwede namang siya nalang.

"Basta mauna ka na kasi." Naiinis kong sabi. Aside sa pinaka-ayaw ko na pinaghihintay ako ay ayaw ko rin na paulit-ulit ang sasabihin ko.

"Handa akong maghintay, binibini. Hanggang kailan."

Wow naman Chong. Fine, if iyan ang gusto niya then panagutan niya. He's like a mule, napakatigas ng ulo. Kapag papalag pa ako siguradong walang katapusan itong pinoy henyo namin, haays.

"Sige. 30 minutes tapos na ako." Tsaka agad akong naghukay sa cabinet ko ng maisusuot. Nang makapili na ako ay agad naman akong pumunta sa banyo tsaka naligo. Nagconcert pa ako kasi kahiligan ko talaga ang kumanta habang nagshoshower. Matapos ay nagbihis na ako ng isang dilaw na t-shirt na may picture ni Meap at may nakatatak sa baba na 'Pleased to MEAP you' tsaka black Nike sweatpants. Magsisipilyo na sana ako kaso naalala ko na nakahandusay pala ang toothbrush ko sa bakuran namin. Kung minamalas ka ba naman oh, kaya no choice ako at nilagyan ko ng toothpaste ang aking index finger tsaka nagsipilyo na nga.

Nang tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin ay ayos na sana kaso nakita ko na naman itong pimple na 'to. Kumuha na lamang ako ng bandaid tsaka idinikit doon para takpan ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Password 9998Where stories live. Discover now