Janine's POV
That kiss....
That when our lips found each other. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng temporary amnesia.
Pakiramdam ko nakalimutan ko na naman ang lahat.
Nakakainis... traydor talaga itong puso ko!
Hmm... hindi ito pwede, kailangan niyang matuto sa pagkakamali niya, kailangan kong ipakita na hindi ako basta-basta bumibigay sa isang simpleng halik niya.
Nagulat pa siya ng bahagya ko siyang itulak palayo sa akin. At nang maghiwalay ng tuluyan ang aming labi, nakita ko yung pagtataka sa kanyang mga mata. Maybe, he assumed that everything was already ok. Nah!
Eto na naman... Nilalamon na naman ako ng sobrang selos.Naisip ko na naman bigla yung nakita ko sa Mall, kung paano naka-angkla sa braso niya yung babaing yun. Dapat ako lang ang gumagawa nun at hindi kung sinu-sino lang... hindi ang isang katulad niyang EX na lang... I maybe selfish but I am just protecting what i already considered mine...
"Sweetheart, please mag-usap tayo... Ayoko ng ganito?" nagulat ako ng bigla siyang magsalita...
"May dapat pa ba tayong pag-usapan ha Jayden? Ilang beses mo na itong ginagawa sa akin, paulit-ulit na lang..." sagot ko naman.
"I told you Sweetheart, yung nakita mo wala lang iyon, believe me?" paliwanag pa niya.
"NO!' matigas na sabi ko sa kanya. "What i've seen is already enough..."
"Hindi mo ba talaga papakinggan ang paliwanag ko ha Janine?" napansin kong medyo tumaas ang kanyang boses. Malamang naiinis na rin siya sa pagmamatigas ko.
"NO!" sigaw ko pa rin sa kanya.
Nagulat pa ako ng bigla siyang lumapit sa akin, at lalong mas nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Para lang naman siyang bumuhat ng isang kabang bigas at dinala sa kanyang sasakyan. Nagpupumiglas ako pero parang wala lang sa kanya. Pinagsusuntok ko ang likod niya pero parang wala lang. Ano ba ito, bato ba? Hanggang sa ako na ang kusang sumuko.
At wala akong nagawa ng ipasok niya ako sa loob ng kanyang kotse.
"Jayden, ano ba? Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanya.
"Itatanan na kita!" seryosong sagot niya.
"Are you kidding me? Kidnapping na itong ginagawa mo, alam mo ba iyon?
"The hell I care! I did everything just to explain my side pero nakinig ka ba kahit minsan?"
"Ok, sige makikinig na ako. Siguro naman pwede mo na akong ibaba at sa bahay na lang tayo mag-usap..." I persuaded him.
"Nah! Do you think papayag pa ako?"nakatitig pa rin siya.
Ikinabit niya ang seatbelt ko at saka dali-dali niyang isinara ang pintuan at lumipat sa Driver's Seat. Oh God! what now? Ano nang gagawin ko ngayon at mukha talagang seryoso ang loko sa pinaplano niya.
"Jayden, please kung ano man ang pinaplano mo ngayon huwag mo nang ituloy baka pareho lang natin itong pagsisihan..."
"I'm not! Dapat noon ko pa nga ito ginawa eh, kaya lang ikaw ang inaalala ko dahil ayaw kong maapektuhan ang kinabukasan mo but you're the one who pushed me to do this."
"Tell me, nagbibiro ka lang?" pakiusap ko sa kanya.
"Do I look like that I am just kidding? Seryoso ako Janine, at kung ano man ang maging kahinatnan nito, I'm telling you, wala akong dapat pagsisisihan."

BINABASA MO ANG
First Love (One Summer)
RomanceKapag handa ka nang magmahal, kailangan handa ka na ding masaktan. Hindi naman nating kasalanang magmahal di ba? Tao lang tayo at may puso. Yun nga lang kapag nagmahal tayo, nagiging tanga, nagiging manhid at hahamakin ang lahat. Sa pag-ibig kailan...