In a relationship don't try to be perfect, just be honest...
-----
JANINE'S POV
Hindi ako dalawin ng antok, i was thinking kung dapat ko bang sabihin ang katotohanan sa boyfriend ko tungkol sa panliligaw ni Rick. There's nothing I should be afraid of coz' Rick and I both agreed that it'd be better if we would've just remained as friends. Gaya nga nang sabi ng bestfriend ko, "No secrets, no lies..." But just the same, I have this uncertainty in my mind, what if he can't understand me, what if he will get jealous? Ah, bahala na si Batman... Maybe, I just give him a call...
Kringggg...Kringggg...
"Hello!"
"Sweetheart, napatawag ka? May problema ba?" he asked.
"Hmm, mukhang naistorbo yata kita? I'll just call you back tomorrow..."
"Hey, hey, I didn't say that you disturbed me, okay? I was just wondering why you called this late? Sweetheart, kahit kailan hindi ka naging istorbo sa akin..."
"Sorry..."
"It's Okay, now tell me, what's on your mind? "
"Promise me first that you wouldn't get mad?
"I promise... what is it then?
I drew a deep breath and sighed... " The other day Rick visited me. Just the same, nanliligaw na naman siya..."
"What? Hindi ba niya alam na may boyfriend ka na?"
"Calm down ok, patapusin mo muna kasi ako?"
"S-Sorry, nadala lang ako..."
"May dala pa nga siyang Red Roses and chocolates..." dugtong ko pa trying to see how would he react...
"then what?" he asked.
" Alangan namang hindi ko tanggapin, sayang din yun noh?"
" I can buy you more than a dozen of roses..."
" Yeah I know, kaya lang its not proper na pakitaan ko ng hindi maganda yung tao, mabait naman yun" I explained.
" So, parang natutuwa ka pa na nanliligaw pa rin siya sa iyo, is that it sweetheart? " he said in an irritated voice.
" Of course not! You know what Jayden, kung ganito ang magiging takbo ng usapan natin, its better that we just have to talk some other time na lang!" naiinis kong sabi as I ended the call.
Naiinis akong humiga sa kama ko, gusto kong maging honest sa kanya, pero bakit ganun, hindi niya ako maintindihan, is that hard? Nagulat pa ako ng biglang nag ring ulit ang phone ko... Tiningnan ko kung sinong nasa caller ID?
" Yes?!" mataray kong sabi...
"Sweetheart, S-sorry na please, wag ka nang magalit, hindi ko kasi mapigilang hindi magselos eh" paliwanag niya.
" Hmmp! ewan ko sa iyo, napaka seloso mo masyado! "
"S-sorry na, peace na tayo please? Sige ka, pupunta ako ngayon dyan sa bahay niyo..."
" Eh di pumunta ka, pakialam ko sa iyo!"
"Sorry na please..., I love you so much kaya lang naman ako nagkakaganito..."
"Hmp! Oo na, nakakainis ka kasi eh!"
"Ituloy mo na yung kwento mo, promise I will listen? "
"hmm, ok saan na nga ba tayo? ah, sa roses and chocolates. Hayun nga, nanliligaw ulit siya but I refused, sabi ko sa kanya may boyfriend na ako na sobrang mahal ko. Kaya wala na siyang pag-asa sa akin..."
"then what did he say?
"He said that, handa daw siyang maghintay... na ok lang daw sa kanya kahit maging kaibigan lang ang turing ko sa kanya..."
"Aba't ang gagong yun ah! Gusto yata talagang mabigyan ng sample!"
"Sweetheart, huwag ka nang magalit ok, at saka wala ka namang dapat ipag-alala kasi ikaw lang naman ang mahal ko, nobody else but you.." I said reassuring him.
"I love you so much sweetheart, I don't know what will happen to me if mawala ka sa buhay ko..." he said.
" You know how much I love you Jayden, kaya kahit ako hindi ko rin alam ang gagawin ko kung sakaling mawala ka sa buhay ko..."

BINABASA MO ANG
First Love (One Summer)
RomanceKapag handa ka nang magmahal, kailangan handa ka na ding masaktan. Hindi naman nating kasalanang magmahal di ba? Tao lang tayo at may puso. Yun nga lang kapag nagmahal tayo, nagiging tanga, nagiging manhid at hahamakin ang lahat. Sa pag-ibig kailan...