MB: 41

125 3 0
                                    

Chapter 41

"Okay kalang?" ang boses ni Kervy ang nagpabalik sa huwisyo ko. Mabilis kong iniwas ang paningin sa dalawang taong masayang naguusap.

"Tara na. Nagugutom na ako." Aya ko sa kaniya at nauna ng naglakad papasok sa entrance ng Mang Inasal. Nakasunod naman siya sa akin.

Dahil maraming tao at mahaba ang pila sa counter si Kervy nalang ang nagprisintang magorder ng pagkain namin habang ako nakaupo na sa pinakadulong mesa.

Nakaflash pa din sa isipan ko ang nakita ko kanina.

Masayang naguusap...at nagtatawanan.

Bakit ganon?

Wala naman akong hindi ginawang mabuti para hindi niya ako magustuhan pero bakit ayaw na ayaw niya sa akin?

Alam ko naman wala akong maipagmamalaki bukod sa kasipagan pero deserve ko pa rin naman ang magustuhan ng isang lalaki.

Siguro ay...totoo ang sinabi ni Micay. Bukod sa hindi na nga ako maganda ay hindi pa ako mayaman.

Ganon na lamang ang gulat ko ng may daliring dumikit sa pisngi ko.

"K-kervy." anas ko.

"Nandito tayo para magenjoy hindi para basahin ang maganda mong mukha." nakangiting saad niya habang dumadampi ang daliri niya sa pisngi ko na hindi ko man lang namamalayang basa na pala luha.

Mabilis akong napayuko.

"S-sorry. H-hindi k-ko k-kasi alam." kandautal na sagot ko ngunit ang boses ko ay garagal.

"Lahat naman ng tao minsan hindi na namamalayan lumuluha na kapag nasasaktan."

"Pero hindi naman ako nasasaktan." mahinang tugon ko.

"Henz...hindi ako bulag para hindi makita ang sinasabi ng mga mata mo at mas lalong hindi ako bingi para hindi marinig ang mahihinang hagulgol mo sa tuwing gagamit kanang cr sa convenience store. Doon mo parating gustong magtambay kapag vacant time mo habang inuubos ang luha mo." mahabang litanya niya na siyang lalong nagpasakit sa dibdib ko.

Totoo ang lahat ng sinasabi niya.

Sa ilang araw na nagdaan wala akong ibang ginawa kundi gamitin ang cr sa convenience store para doon palihim na magbuhos ng bigat sa aking dibdib.

Wala lang sa aking ang nakikitang  paguusap nina Micay at Sir Khael habang nagbibiruan at nagtatawanan. Wala lang sa akin ang mga naririnig kong baka magkadevelopan silang dalawa dahil sa palagiang nilang paglabas-labas at paminsan-minsan nasa loob sila ng opisina gayong mahigpit na nakalagay sa pintuan ang "NO APPOINTMENT NO ENTER". Wala lang sa akin ang paglalambingan nila kahit nasa harapan namin sila. Wala lang sa akin ang pagtulog ni Kuya Ron sa quarters ni Sir khael. Ang lahat ng iyon ay wala lang sa akin.

Pero sa kabila ng lahat ng iyon heto ako nasasaktan at gustong humagulgol sa harapan ni Kervy at isumbong lahat ng hinanakit ko.

At hindi ko na nga napigilang ang pagtuloy-tuloy na agos ng luha ko.

"Ang sakit Kervy...ang sakit-sakit." sumbong ko sa kaniya habang umiiyak. "Bakit hindi niya ako magawang bigyan ng pagkakataon pero sa iba'y nagagawa niya. Ang unfair niya Kervy! Ang daya-daya niya!" humahagulgol ko nang sabi.

Wala na akong pakealam kung pagtinginan man kami ng ibang tao roon. Masyado na akong nasasaktan sa nangyayari. At gusto ko ng ilabas ang lahat ng ito.

Lumipat sa tabi ko si Kervy at inalo ako.

"Sshh. Tama na. Huwag kanang umiyak."

"Ang sakit-sakit kasi Kervy. Nasasaktan na ako sa ginagawa niya. Mas gusto ko pang pagalitan niya ako. Sigawan at pagsabihan ng masasakit na salita. Makatanggap ko pa. Pero ang makitang malamig siya sa iba ay hindi ko kaya."

MY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon