Chapter 6
Matagal bago ako makaumang sa sinabing iyon ni Kuya Drake at dahan-dahan pumihit ang ulo ko kay Edgar habang ang mga labi ay nakaawang.
"T-totoo? M-magdedate kayo ni Sir?" Gulat na gulat na tanong ko kay Edgar.
Humagalpak ng tawa si Kuya Drake habang si Edgar naman ay lalong naningkit ang mga mata dahil sa lawak ng kaniyang pagkakangiti.
Teka...Bakit ganyan reaksyon nila? Bakit tumatawa si Kuya Drake? Bakit ngumingiti si Edgar?
Tinignan ko sila pareho.
Halos lumuwa ang mga mata ko nang may mapagtanto.
Hinampas ko silang pareho sa kanilang mga braso. Leche! Pinagkatuwaan ako!
"Pinagtitripan niyo ba ako?!" Naiinis kong sambulat sa kanilang dalawa. Nawala ang pagiging mahiyain ko. Alam ko namang baguhan palang ako at hindi dapat ako gumagawa ng labag sa trabaho ko. Ang manakit ng kapwa katrabaho pero sa mga oras na iyon ay hindi ko napigilan!
"Hahahahaha...Graveh ang epic ng reaksyon mo, Hensel ah," Tatawa-tawa paring sambit ni Kuya Drake habang may pahawak-hawak pa sa tiyan niya. Sana hindi siya magkakabag!
"Ikaw naman ang dali mong mauto." Segunda naman ni Edgar. Tuluyang na itong natawa.
"Malay ko ba kasing totoo! Ang seryoso kasi ninyo!" naiinis na sabi ko sa kanila.
Umakbay sa akin si Kuya Drake. "Pasensya na Henz, Pero ganito kami dito, Mababait pero may pagkaalaskador." Saad niya habang nakangisi napanguso naman ako.
"Ewan ko sa inyo, Kuya,"
"Pffft."
"Sige na pasok kana sa loob para makapagstart na kayo at madali kayong matapos." Wika pa ni Kuya Drake matapos alisin ang braso mula sa pagakakaakbay sa akin. Si Edgar naman ay patawa-tawa pa din.
Napailing na lamang ako habang papasok sa loob ng mini kitchen.
Nagtaka naman ako ng hindi ko madatnan doon ang pinsan ko.
Asan naman kaya ang bruhang iyon?
Naglakad ako papasok sa Dining. Wala siya doon.
Asan ba ang babaeng iyon? Bakit hindi pa naguumpisang maglinis.
Lumabas ako at nagpunta sa Main kitchen. Naabutan ko roon si Sir Allan isa sa head ng cook gumagawa siya ng Red sauce.
"Good morning po, Sir Allan." Agaw ko sa atensyon niya.
Lumingon siya sa 'ken at ngumiti ng makita ako.
"Good morning din sayo Ms. Ganda." Nakangiting bati din niya. "Ikaw ang opening?"
Tumango ako.
"Oho pero dalawa po kami ng pinsan ko." Magalang na sagot ko. "Kayo po ba't aga po 'ata ninyo?" nakatayo pa din ako sa may pinto.
"Opening din ako Miss Ganda, kaya heto maaga akong nagpeprepare ng red sauce." Paliwanag ni Sir Allan.
Tumango-tango ako.
"Kuya Allan wala na pala tayong mga repolyo at carrot magpapabili ba tayo?" Singit ng isang boses mula sa likuran ko kaya naman napalingon ako sa may-ari ng boses na iyon.
Nakakunot ang noo ng lalaking nasa harapan ko habang nakatingin sa 'kin. "Anong ginagawa mo dito sa main kitchen? Bawal dito ah," Wika nito sa tonong may pagkasuplado.
"May hinahanap lang po ako iyon kasama ko po. Si Joan." Magalang na sagot ko saka tumingin kay Sir Allan. "Sige po Sir Allan mamaya nalang po ulit." Sabi ko saka tumalikod at hindi na pinansin iyong lalaking suplado. Pagkakaalala ko Toni ang pangalan ng lalaking suplado. Naglakad na agad ako papalayo. Hindi ko type ang lalaking 'yun kala mo napakagwapo. Psh.