Wattpad Original
There are 3 more free parts

Chapter Five

4.6K 552 315
                                    

Chapter Five

I should be scared, right?

Hinatak ako ng isang estranghero papasok sa loob ng isang van going somewhere na hindi ko alam.

Pero masasabi ko bang stranger ang katabi ko kung nag meet na kaming dalawa sa isang panaginip?

Yung kaninang inakala kong bodyguard ni Yuan na humawi ng crowd, turns out kabarkada pala niya pareho. Base sa pag uusap nilang tatlo, nalaman ko na name nung semi-kalbo na nag d-drive ay Jong, samantalang yung nasa passenger seat naman na katabi ng driver's seat ay si Ken.

"Tsong," sabi nung Ken habang nakasilip sa amin ni Yuan sa likod. "Baka gusto mo kaming ipakilala sa kaibigan mo?"

"Don't mind her. I just need to talk to her," sabi ni Yuan dito.

"Yu---"

"Don't talk," sabi nito sa akin kaya napatikom ang bibig ko. Kung kanina parang ang friendly ng aura nito, ngayon naman, sobrang cold nito sa akin.

"Opps, LQ," dinig kong sabi nung Ken.

Dito na ako nagumpisang kabahan.

What if mali ako? What if regardless of all the resemblance, hindi talaga siya si Yuan? Tapos I'm being kidnapped? Should I panic? Should I call my mom?

Pero imposibleng hindi siya si Yuan.

Baka pina-prank lang ako nito? Galit galitan siya then surprise! Kilala niya talaga ako? Or ayaw niya ipahalata sa mga tropa niya kasi paano naman namin i-explain na sa panaginip kami nag meet 'di ba? Or siguro kaya ganyan siya kasi tinatry pa rin niya i-absorb na totoo ako, na hindi lang ako parte ng panaginip niya.

Tama, tama.

Imposibleng kinikidnap niya ako. He's a rising celebrity. Well, hindi ko alam if celebrity status na ba siya since he hasn't made his proper debut yet pero malaki na followings niya dahil sa Youtube at Soundcloud niya. For sure malaki rin kinikita niya sa Youtube. So hindi naman 'to kidnapping 'di ba?

'Di ba?

Huminto kami sa isang empty parking space. Walang ka-tao tao sa paligid at tanging ilaw lang mula sa isang street lamp ang nag sisilbing liwanag.

This seems like a perfect location for a crime.

Can I panic now...?

"Yosi muna kami ni Jong," sabi ni Ken at sabay silang bumaba nung Jong sa van, leaving me and Yuan alone. I look at him. Hindi ko mabasa ang expression sa mukha niya. Hindi nakakatulong na ang dilim ng paligid at naka mask pa siya.

"Musikero?"

Nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa akin at hinawakan niya nang mahigpit ang wrist ko. Naka mask man siya, kita ko pa rin ang galit sa mga mata niya.

"Who are you?" he hissed.

"T-teka..." nag pumiglas ako pero ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko.

"Bakit mo ako tinawag sa pangalan na 'yon? Sagot!" pagtataas niya nang boses na mas lalo kong ikinakaba.

I'm so confused. Hindi niya ako nakikilala. O hindi siya si Yuan na nasa panaginip ko?

But the resemblance...

"Y-Yuan ako 'to.. si Lavender.."

Mas lalong kumunot ang noo niya. "I don't know you. Are you a stalker miss? Did you dig up my background?"

Wind Chime (A Lucid Dream Spin-off)Where stories live. Discover now