Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter Seven

4.3K 495 125
                                    

Chapter Seven

It's been two weeks since the last time I saw Yuan in my dream.

Wala siya palagi sa panaginip ko everytime na bumabalik ako. May mga pagkakataon naman na hindi ako nananaginip at all. Ito na yung pinaka matagal na hindi kami nag kita sa panaginip. Minsan lumilipas lang ang dalawa hanggang tatlong gabi, then bumabalik ulit siya.

Pero ngayon, dalawang linggo na.

I don't know what went wrong at bakit hindi kami nagkikita. Is it because I start questioning his existence kaya tuluyan na siyang nawala sa panaginip ko?

It's making me anxious, to be honest. Isa ito sa mga fears ko, yung matapos yung panaginip ko. Yung hindi na ako makabalik sa old tatami house na yun at hindi ko na makita si Yuan.

He's the only person I'm comfortable with to play my music.

I tried my best to get my mind off him. Kaya ginawa ko yung mga bagay na lagi kong ipinagpapaliban dahil sa pagka busy ko sa trabaho.

Nag linis ako ng kwarto.

I redecorated my room. Bumili ako ng book shelf para sa mga libro ko na itinambak ko lang sa ilalim ng kama ko pati na rin sa mga albums ng artists na nakatrabaho ko. Another individual shelf para sa mga albums and LPs ng mga sinusuportahan kong musician.

Inilabas ko rin yung iniregalo sa akin ni mommy na turntable player last year nung birthday ko. It looks like an old school leather suit case pero pag binuksan mo, turntable player ito.

Kinabitan ko ng iba't ibang poster ang kwarto ko. My favorite artists, aesthetic looking posters, etc. I even bought indoor plants.

I did that for three days. At nung makuntento na ako sa itsura ng kwarto ko, I found myself being anxious again because of Yuan.

Kaya ang sunod kong napag interesan---si Musikero.

I watched all his contents. Mapa cover man yan ng kanta o mga replays ng naging Youtube live niya---lahat pinapanood ko.

Ilang beses ko nang nasabi 'to, but he really has a great voice. Not only that, he is a great storyteller as well. He knows how to make his listener feel his emotions everytime he sings.

The way na kaya niyang baguhin ang style niya sa pagkanta. He can adapt his voice to any type of song without losing his original style, that's what I like about him.

On top of that, he got the personality. Base pa lang dito sa mga lives niya, magaling siyang makipag communicate with fans. He's honest yet very mysterious. Marunong din makipag flirt at magpakilig but not to the point na nag c-cross na siya ng line.

This guy... is a star in the making.

Pero ang weird kasi hindi pa siya nag s-sign sa any record label or artist agencies. I heard na in-offer-an siya nung dati kong company, yung Crown Entertainment, but he turned them down.

Wala rin siyang any concerts, gigs, guestings or gatherings. May paminsan minsan na nag b-busking siya, pero laging biglaan lang. According doon sa nabasa kong tweets nung mga fans niya, pag na tripan lang ni Musikero mag busking kung saan, mag t-tweet ito tapos susugod ang mga fans doon.

And yes, never pa siyang nagpakita ng mukha.

Pero kung may boses at attitude ka ba naman na ganyan, kahit itago mo ang mukha mo, kababaliwan ka ng mga tao.

Napadpad ako doon sa official Facebook group niya. Nung chineck ko, nasa more than 200K na ang members dito. Not bad for a starting artist.

I tried to join the group. Pero bago ka nila pasalihin, may mga questions muna na need mong sagutin.

How did you discover Musikero?

'Kaboses niya kasi ang lalaking nasa panaginip ko then I searched for him.' That's what I want to write. Instead, nilagay ko na lang ay narinig ko ang cover niya sa youtube kaya pinanood ko lahat ng contents niya.

What's your favorite cover of him?

'Champagne Supernova,' I instantly write.

I checked his youtube page, nag cover siya ng Champagne Supernova ng Oasis. Pero sa totoo lang, una kong narinig 'to kay Yuan, sa panaginip ko.

Sinagutan ko pa yung ibang pa question nila. Mostly parang quiz ito para itest kung totoong fan ka ba.

Kailan ang birthday niya, anong date niya unang pinost ang first ever youtube cover niya, ano ang video niya na may pinakamaraming views, etc.

Sa dulo may bonus question from Musikero itself. May perks daw pag nasagot. Kung anong perks yun, I have no idea.

"What is Musikero's favorite sound?"

Napaisip ako. Hindi ko alam kung may nakasagot na nito, pero parang wala akong natatandaan na nabanggit niya 'to sa any of his lives?

Ang daya naman!

Nanghula na lang ako at inilagay ko 'acoustic guitar,' pero bago ko pa ma hit yung send, biglang tumunog ang phone ko.

It's from an unknown number.

Okay, usually I don't answer calls from an unknown number because they made me anxious. But since nag start na akong mag apply sa iba't ibang company, I'm expecting—hoping-- na may tatawag na sa akin anytime.

I immediately answer the call.

"Hello?"

"Hello. Is this Ms. Lavender Laxamana?" dinig kong tanong ng isang babae mula sa kabilang linya.

"Yes po, speaking."

"This is Madelaine from Melody Records," pakilala niya and my heart skipped a beat at napaayos ako ng upo. Melody Records is another good company. Gusto ko na agad umiyak at sabihing 'please hire me.'

"I'm calling because of your job application," pagpapatuloy niya.

"Yes po," sabi ko naman while anticipating kung ano ang sunod na sasabihin niya.

"Sadly, hindi na kami tumatanggap ng applicants doon sa position na ina-apply-an mo."

My heart dropped. Alam mo yung in-excite ka na tapos bigla kang na disappoint? Ganun ang pakiramdam ko.

"Ah ganun po ba? Sayang naman po."

"But I know a company who's looking for a promo producer and they are interested in hiring you. Are you okay to set a job interview with them?"

Bigla ulit akong nabuhayan dahil sa sinabi niya. Okay, hindi man ako sa Melody Records mapunta, nakakatuwa na may isa pang company na interested sa akin!

Naalala ko yung sinabi ng dati kong boss, yung wala raw mag h-hire sa akin.

Ha! Sorry ka ngayon!

"I would love to!" sagot ko sa kanya with full of enthusiasm. "May I know po yung name ng company?"

"Oh, its Wind Chime Records."

To be continued...

Wind Chime (A Lucid Dream Spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon