Kabanata 13

802 18 0
                                    

Malakas na tili ang narinig ko mula sa kabilang linya. Kinuwento ko kay Cassie ang nangyari sa pag-uwi namin ni Amadeus. Hindi siya makapaniwala na si Amadeus pa mismo ang nagyaya sa akin. Kahit naman ako ay hindi pa rin makapaniwala. Pakiramdam ko ay nasa isa lang akong panaginip, pero hindi.

[Milada, hindi ko alam kung ano ang dapat kung maging reaksyon sa sinabi mo. Oh my gee! I'm so kilig!]

"Hindi ko rin naman alam kung ano ang dapat maging reaksyon. I just gave him a nod and after that hindi na kami nakapag-usap." Sabi ko.

[Sayang at wala si Angel! Mas maganda siguro kung nakita at narinig niya 'yon. Napaka-assuming pa naman no'n]

Mahina akong natawa sa sinabi niya.

"Tinanggihan na naman daw siya ni Amadeus. Si Amadeus mismo ang nagsabi sa akin kasi natanong ko sa kanya kanina."

[Ay! Iba ka na talaga, Milada! Baka naman may hindi ka pa sinasabi sa akin, ha? Mamaya kayo na pala niyang si Amadeus!]

Napaismid ako sa sinabi niya.

"Maybe he just wants me to be his date at wala ng iba. I don't want to assume things at baka ako lang ang maiwang luhaan."

[Huh? Baka naman torpe rin iyang si Amadeus at may gusto na talaga sa'yo? Or sadyang manhid ka lang?]

Napakaimposible naman ng sinasabi ni Cassie. Yes, I know some of the boys in our campus likes me. But for Amadeus? Pakiramdam ko ay hindi ako ang mga tipo niya. I always get to the guidance office. I have a low grades. Also, I'm not smart.

Pero maganda naman ako. Iyon ang mahalaga.

"Don't give me false hope, Cassie. That will be impossible. Tama na nga at matutulog na ako!" humalakhak siya mula sa kabilang linya.

[Ang sabihin mo takot ka lang ulit mabasted kaya hindi ka na gumagawa ng mga moves mo noon.]

Napairap na lang ako at tuluyan ng tinapos ang tawag. Bumaba na lang ako sa sala at naabutan na naroon pa rin ang dalawa. Hindi sila nag-uusap pero tinutulungan ni Mr. Payton si Tita Kilari sa pag-aayos ng mga lesson plan nito. Napanguso ako at hindi mapigilang ngumiti. Mahigit isang buwan na rin siyang pabalik-balik dito at parang hindi man lang napapagod kahit pa hindi siya gaanong kinikibo ni Tita Kilari.

Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig. Bigla na naman sumagi sa isip ko ang mukha ni Mr. Payton. Ang alam ko ay nakita ko na siya noon dahil pamilyar ito sa'kin. Pero hindi ko talaga matandaan kung kailan at saan. Nadala na ba siya ni Tita Kilari noon dito sa bahay?

Sumimangot ako dahil kahit anong halukay ko sa isip ko ay wala talaga akong makuha na sagot. Bumalik na lang ako sa kwarto ko at doon inubos ang oras. Kaya ng pumasok kinabukasan ay maaga rin akong nagising. Hindi na ako nagulat na naroon na sa labas ng bahay si Amadeus. Bumaba ang tingin ko sa hawak-hawak niyang paper bag.

"Good morning!" bati ko.

"Morning..." I smiled and he smiled too.

Inabot niya sa akin ang paper bag kaya nagtataka ko iyong tinanggap.

"Para saan 'to?" tanong ko.

"Buko pie..." humawak siya sa likod ng kanyang ulo.

"Para sa akin 'to?" tumango siya. "Salamat!"

"Hmm..." tipid niyang sagot.

Nagsimula na kaming maglakad paalis. Hindi naman kami masyadong nakapag-usap dahil mukhang parehas kaming okupado ang isip. Pagdating ng school ay wala pa masyadong kaklase ang naroroon sa classroom.

"Milada, may naghahanap sa'yo!" bumaling ako sa pinto ng makita ang isang kaklase na tumawag sa akin.

"Ha? Sino?" agad naman akong tumayo sa upuan ko upang makita kung sino ang naghahanap sa akin. Napangiti ako ng makitang si Radin 'yon.

Operation: Secret GlancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon