Kabanata 26

687 16 0
                                    

"We're here," napaayos ako ng upo at tumingin sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang malaking gusali. Sa ospital kung saan naka-confine ang lolo ni Amadeus.

Lumabas ako ng sasakyan at gano'n din si Nevan. Ayaw ko na sana siyang pasamahin pero mas'yado itong mapilit. Hindi ko raw kabisado ang lugar at ang daan kaya mas mabuting samahan niya na lang ako.

"I'll wait here," tumango ako at inayos muna ang sarili.

Kagabi, nang makatanggap ako ng gano'ng mensahe mula sa numero ni Amadeus ay mas naging desidido akong puntahan siya. I shouldn't doubt Amadeus. But the text message I received triggered me.

Isa lang naman ang Angel na kilala ko at iyon ang Angel na patay na patay kay Amadeus. 

What is she doing here? At paanong kasama niya si Amadeus.

Kahit pa hindi ko gusto ang nangyari ay gusto ko pa rin marinig kay Amadeus ang lahat. Kung bakit hindi siya sa akin nagrereply at kung bakit hawak ni Angel ang cellphone niya. 

I trust him and maybe the long distance relationship makes us like this. And I wanted to fix it. Kahit pa wala namang label ang relasyon namin dalawa ay gusto ko pa rin magkalinawan kami. Because in the first place we are committed to each other 

Hindi ko na natanong kay Nevan kung paanong nalaman niya ang ospital at ang mismong room number kung nasaan ang lolo ni Amadeus. Siguro ay wala lang talagang imposible sa kanya.

Sumakay ako sa elevator at agad pinindot ang floor kung nasaan ang kwarto ng lolo ni Amadeus. Kinakabahan ako at hindi ko mapigilan ang malakas na kabog ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n ang nararamdaman ko gayong alam ko naman na hindi niya ako kayang lokohin. 

Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kay Tita Kilari at Mr. Payton. Halos ikasal na silang dalawa ng mangyari ang gano'ng gulo sa kanila. Ano pa kaya sa amin ni Amadeus na wala pang lebel. 

Napailing ako. Hindi ko dapat sila pinagkukumpara. At lalong hindi ko dapat pinagkukumpara ang sitwasyon namin dahil sobrang magkaiba ito. Hindi 'yon mangyayari sa amin.

Nang tumunog na ang elevator hudyat na nakarating na ako sa tamang palapag, dahan-dahan lang ang lakad ko habang tinitingnan ang bawat pintuan na nadadaanan ko. Walang ibang tao sa hallway kaya malaya akong nakakapagmasid. 

I sighed. Masyado bang maraming kwarto sa palapag na ito at hindi ko mahanap ang kuwarto nila Amadeus?

I stop from my spot when I saw the familiar faces. It's Amadeus' cousins. Napangiti ako kahit pa alam kong hindi ako gusto ng mga ito dahil sa mga naging desisyon ni Amadeus.

"What are you doing here?" si Uno.

"Si Amadeus?" nagkatinginan silang tatlo.

"He's not here," si Zebulon ang sumagot.

"Ah, nasaan siya?" 

"He's resting in a hotel for a while. If you want to see him, go to that place." Si Zebulon.

Tinanggap ko ang papel na binigay niya. Ramdam ko ang tingin nilang tatlo sa akin kaya nag-angat ako muli ng ulo.

"Hindi kasi siya nagrereply sa mga text at tawag ko. Nag-aalala lang ako..." tumango si Zebulon habang nakangisi naman si Firdaus.

"That's why you should check him." Masungit na sabi ni Uno.

"I will... but can I see your grandfather?"

"Bakit?" si Uno.

"Gusto ko lang makita kung maayos na ba siya? At magpapaalam din ako..." mahinang sabi ko.

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now