2

80 7 0
                                    


Third Person P.O.V

Pag katapos bugbugin ng binata ang dalaga ay nakatulog na ito. Habang ang dalaga ay nanatili at tahimik na umiiyak sa gilid. Napangiwi sya ng kumirot ang kaniyang binti.

Halos hindi na maramdaman ang sariling binti dahil sa mahigpit na pag kakatali dito ng binata. Dahan dahan syang bumaba ng kama at naupo sa sahig isiniksik ang sarili sa pader at niyakap ang sariling tuhod.

Dahan dahang ipinikit ang mga mata hanggang sa tuluyang nakatulog

Nagising ang binata ng maramdamang wala ng tao sa kaniyang tabi agad syang napabangon at galit na umalis ng higaan akmang aalis na sya sa kwarto ng makita ang dalaga sa sahig. Nakahiga na ito sa sahig habang yakap yakap ang sariling tuhod

Pinigilan ang awa na nararamdaman sa dalaga.

Hindi. Hindi sya maaring madala sa awa. Ang dalaga ang nag pahamak sa kaniyang nakababatang kapatid na babae. Ito ang dahilan kung bakit na comatose ang kaniyang kapatid hanggang ngayon.

Hindi nya hahayaang madala ng kaawaan. Ngunit na konsensya sya ng makita ang napaka daming sugat nito sa katawan. Maputla at payat ang katawan. Napaka dami din nitong sugat sa katawan.

Pinag bantaan nya ang mga magulang nito upang makuha ang dalaga. Ginawa nya ang lahat upang makuha ang dalaga

Ngayong nasa kamay nya na ito. Ito na ang oras ng pag hihiganti para sa kaniyang kapatid.

Napahinga sya ng malalim at iniwan na ang dalaga sa kwarto. Sinigurado nya pang naka lock ang pinto bago umalis.

NG tuluyan ng maka alis ang binata dahan dahang binuksan ni cara ang mga mata. Kinapa ang sahig nang hihina ang kaniyang mga mata. Nanlalabo ang mga ito

Susubukan nya pa sanang tumayo ng agaran din syang bumagsak.

Ramdam na ramdam nya ang lamig ng sahig. Nanginginig na gumapang sya patungong kama at binalutan ang sarili ng makapal na kumot.

Napangiwi sya ng tumunog ang kaniyang tiyan. Halos dalawang araw na syang walang kain. Nakaka kain lamang sya kapag naalala sya ng binata na pakainin. Ipinikit nyang muli ang mga mata at idinaan sa tulog ang gutom na nararamdaman.

Muli syang napadilat ng marinig ang pag bukas ng pinto. Agad syang nilukuban ng takot dahil sasaktan nanaman sya ng binata. Ngunit agad a napawi ang kaniyang takot ng makita nya si linda

Ito ang nag-iisang katulong na naging kaibigan nya. Nakangiti ito kaya nginitian nya na din ito pabalik sa kabila ng pang hihina

"Cara. Tara na. Itatakas na kita, itutuloy na naten ang plano"

His WifeWhere stories live. Discover now