3

70 5 0
                                    


Third Person P.O.V

Masaya si cara ng tuluyan silang maka takas ni linda. Hindi alam na hinahayaan lamang sila ng binata upang mapakita ang mga nangyare sa labas ng mansyon habang naka kulong ang dalaga......

Napangisi ang binata ng makita ang masayang mukha ng dalaga.

"Even happiness has a limit wife" ngising saad nito

Cara

Ng marating na namin ang aking bahay ay masaya akong tumakbo palapit dito. Ngunit kumunot ang aking noo ng mapansin ang malaking pag babago ng aking tahanan

Ang dating bahay na gawa sa kawayan at kahoy ngayon ay sementado at napinturahan na.

Ilang beses akong napalunok bago kumatok sa pintuan

H-hindi kaya i-iba na ang nakatira sa bahay na ito?

"I-inay, Itay?" Tawag ko at ilang beses kumatok. Ramdam ko ang saya ng bumukas ang pinto at bumungad saakin ang inay

"Inay!" Masayang saad ko at dali daling yumakap dito. Bakas ang gulat sa buong mukha nito. Ng maka bawi sa pag ka gulat ay agad ako nitong tinulak. Gulat na tinignan ko ito

"I-inay" mahinang saad ko. Bigla itong nainis sa sinabi ko "Anong ginagawa mo dito cara!?" Galit na saad nito.

"I-inay a-ano pong i-ibig niyong sabihin....h-hindi po ba kayo m-masaya na n-nandito na p-po ako?" Paiyak na saad ko. Tumaas ang kilay nito "Bumalik kana sa asawa mo cara" kalmadong saad nito. Umiiyak ako habang umiiling

"A-ayoko po nay s-sasaktan niya po ulit ako n-nay ayoko na po duon" umiiyak na saad ko.

Nabuhayan ang aking loob ng lumabas si itay. Ng mapadako ang tingin nito saakin ay nagulat ito. Maya maya ay naging masama ang tingin nito saakin. Nagulat ako ng bigla ako nitong nilapitan ay hinawakan sa mag ka bilang balikat napangiwi ako sa sakit habang umiiyak na nakatingin sa aking ama

"I-itay" umiiyak na saad ko

"Anong ginagawa mo dito cara!? Bumalik ka sa asawa mo! Wag mo ng tatangkain pang tumakas!" Galit na saad nito marahas nitong binitawan ang aking balikat dahilan upang mapa upo ako sa sahig. Agad akong inalalayan ni linda

"B-bakit po? B-bakit?" Umiiyak na saad ko. Napatigil ako at napangiti ng mapait ng ma realize ko ang lahat. Mula ulo hanggang paa muka ng mayayaman ang mga suotan nila. Ang dating bahay ay napalitan ng magandang bahay. 

Tumingin ako sa ibang bahay at nahalata din na naging maganda na din ang mga ito. Lumabas ang ilang mga kapitbahay. Mukha na silang mayayaman.

Ibig sabihin a-ako ang naging kabayaran ng l-lahat?

His WifeWhere stories live. Discover now