Chapter 10

178K 6.9K 1.8K
                                    

Nakatayo ako sa malayo at pinapanood ang dalawang batang nag-uusap. Between them is a line. Nahahati ang dilim at liwanag sa pagitan nilang dalawa. Tinanaw ko ang likurang bahagi ng batang lalaki, sobrang dilim. May mga bulkan na may sumasabog na lava, mga patay na halaman at alulong ng mababangis na hayop.

Ang nasa likuran naman namin ng batang babae ay paraiso. Puro mga matitingkad na bulaklak, makulay na bahaghari, mga puno na hitik sa bunga at kung anu-ano pa.

Parehas marangya ang kasuotan ng batang babae at ng lalaki. Ang kaso nga lang, puti ang suot ng batang babae, ang batang lalaki naman ay itim. "Bakit ganyan 'yung itsura mo? Bakit may mga pangil ka? Kakagatin mo ba ko?" the girl asked. Ngumiti ako kasi kumunot ang noo ng batang lalaki dahil sa tanong nya.

She received no response, but the little boy smiled at the little girl.

I heard a laugh of a girl, kaya lumingon ako sa likod ko. "Sabi ko na nga ba dito kita makikita eh" the little girl said, so the little boy smiled at her and gave her a flower. "Sa'kin to?" The little girl asked. The boy nodded. They look cute, kasi kahit mukhang galing sila magkaibang mundo ay magkasundo sila.

I diverted my gaze on my right side when I heard another laugh.

"Hahaha! Talaga? Tapos ano nangyari?"

"Nandoon lang pala sa ilalim ng kama ng mama"

"Hahahaha! Ang cute cute talaga ni Luna, sana pwede ko syang iuwi sa palasyo minsan. Kaso sabi nila, bad luck daw ang pusang itim"

Sila ba 'yung bata kanina? I asked myself. Wow! Look at them, they're grown up now. A fine lady and handsome man, although hindi pa sila ganoon katanda, I think they're teenagers.

Naging mabilis ang pgshishift ng scenes. I saw a man mourning. Nakaupo sya at nakatungo sa isang tabi. Habang ang babae naman ay nasa gilid nya, trying to comfort him.

Sila na ba 'yung mga bata kanina? I asked again. "Paano nangyari ang sinasabi mo? Imposibleng gawin 'yang binibintang nila kay mama" Nakatalikod sila sa'king dalawa kaya hindi ko makita ang mga mukha nila. Gusto kong tignan ang mukha ng babae dahil parang nadinig ko na ang boses nya.

"Hindi ko alam" my heart skipped a beat nung madinig kong nagsalita ang lalaki. Malalim ang boses nya, at parang pamilyar na pamilyar.

I tried to move my feet, pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.

"Ubusin nyo silang lahat!" lumingon ako sa likod ko, another switching of scene. All I can see this time is anger, pain, death.

A tremendous battle is happening right in front of my eyes. At wala akong magawa kung hindi panuorin lang na isa-isang bumabagsak ang mga nasa paligid ko. I feel the deepest emotional pain I've ever felt in all of eternity. I couldn't talk. Not even put any words together. I can't stop them, I can't move. All I can do is cry.

Writer's BlockWhere stories live. Discover now