Chapter 37

98.9K 4.8K 719
                                    

Ilang labanan na ang nalampasan namin at ilang grupo na rin ng mga manlalaro ang natalo namin. At habang tumatagal kami dito sa loob ng Devil Square mas lalong nahasa ang kakayahan ko sa paggamit ng salamangka. At hindi lang 'yun, pati ang paggawa ng iba't-ibang potions natutunan ko.

"Hindi ka pa ba tapos dyan mahal ko? Mag-uumpisa na ulit ang paligasahan" Hindi ko inaalis ang tingin ko sa ginagawa ko nung sagutin ko si Lucian. "Hindi pa eh, pwede bang kayo muna makipag-laban?" Tanong ko. This is important to me, dahil gumagawa ako ng potion na makakapagpabalik ng alaala kong nawala. Sana lang, matapos ko. Dahil habang tumatagal mas lalo akong nacucurious sa kung ano ang nangyari noon.

Lumapit si Lucian sa'kin at umupo sa tabi ko. "Para saan ba 'yan?" Tanong niya. I don't want to tell him about this, kaya ngumiti lang ako sa kanya. "Para mainlove ka sa'kin" Pagsisinungaling ko sabay tawa ng malakas. While he was intently looking at me with a  frown on his head.

Ngumiti sya sa'kin at inilapit ng kaunti ang mukha niya. Oh goodness gracious! Huwag ganyan dahil nawawala ako sa concentration Lucian babes. "Hindi na kailangan niyan" Kinuha niya ang isang kamay ko and gently kissed it. Oxygen please! I was just staring the whole time hanggang sa bitiwan niya ang kmay ko.

He stood up and patted my head. "Pagbutihan mo" Nginitian ko si Lucian at hinintay na makalabas sya before I put a pinch of fairy dusts sa isang blank sheet of paper. "Oculi mei et aures" Although wala akong naaalala, hindi ako masyadong nahihirapan kapain kung ano ang mga ginagawa ko noon dahil madalas kusa ng gumagalaw ang mga kamay ko at kusa na ring lumalabas sa bibig ko ang mga salitang kailangan kong sabihin.

Siguro dahil isip ko lang naman talaga ang nakalimot.

Inumpisahan kong panuorin sa papel, na kanina ay blangko kung ano ang nangyayari sa mga iniwan kong salamangkero at salamangkera.

**Alexis' view sa blank sheet of paper**

I frowned when I saw Samara and Mikael together. What are they doing? They should be practicing by now. "Nakakasigurado ka bang hindi alam ni Eureka ang nangyari?" Samara asked. Nangyaring ano Samara?

Inilapit ko ng bahagya ang mukha ko sa papel to get a closer view at para mas marinig ko ang pinag-uusapan nila. "Hinaan mo ang boses mo, ayokong marinig tayo ng kapatid ko" I raised my eyebrow dahil sa sinabi ni Mikael. Eh ano naman kaya ngayon kung marinig sila ni Eureka?

Samara rolled her eyes before answering. "Wala sya dito ngayon, nagsasanay sya para sa darating na paligsahan" Huminto saglit si Samara para maupo sa isang mahabang upuan. "Mikael, ibang-iba na si Alexis ngayon. Nasaksihan mo rin naman kung ano ang kanyang ginawa nung kausapin niya ang mga salamangkero at salamangkera sa Queinsville. Mas mapanganib at mukhang mas determinado sya ngayon sa kung anumang pinaplano niya" Ikinuyom ni Mikael ang mga kamao niya. His eyes danced with madness, his pupils widening into great pools of rage. Pero bakit? Bakit ayaw nila akong maging reyna. I can't still figure it out.

But yes, I'm not the old Alexis na tanga at hinahayaan lang ang ginagawa ng mga salamangkera at salamangkero. Ang old Alexis na hinahayaan lang na paikutin ng lahat ng nasa paligid niya.

"Susubukan kong kausapin ang ibang Mystic Theurage" Sambit ni Samara. Kumunot ang noo ni Mikael, "Paano mo gagawin 'yan gayong wala silang mga alaala. Ni hindi nila maalala na prinsesa ng kaharian ng Queinsville si Prinsesa Alexis"

"Kailangan nating paghusayan sa darating na paligsahan Mikael, kailangan nating magtulong-tulong upang hindi magtagumpay si Alexis. At upang hindi sya ang tumayong reyna ng Queinsville" I can't explain the feeling. Kahit paglunok yata hindi ko magawa. 'Yung makita at marinig ko mismo mula kay Samara na sinasabi ang mga katagang 'yun.

I crumpled the paper and placed it back on the table "Flammo" I whispered.

Ngumiti ako ng mapait habang pinapanuod ko ang papel na unti-unting natutupok ng apoy na ginawa ko. "Sorry Samara, pero sa ayaw at sa gusto niyo. I'm going to be your queen"

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon