PANIMULA

148 2 0
                                    

PANIMULA

Pagkababa ko ng bus ay agad kong binuhat ang bag na sakong dala ko at bayong na naglalaman ng mga gamit ko. Hindi ko alam kung bakit pinagtitinginan ako ng mga kapwa ko pasahero at para bang isa akong alien sa paningin nila. Sa ganda kong 'to?! Kung dukutin ko kaya ang mga mata nila?!

Hindi ko na lamang sila pinansin at inilibot ang paningin sa kabuuan ng lugar. Agad akong napaubo ng biglang may umusbok na maitiim na usok sa harapan ko.

Saglit kong tinakpan ang aking ilong dahil baka dito pa ako matigok dulot ng  matinding usok ng mga sasakyan. Kakaiba rin ang init na hatid nito sa balat at kahit saan ko ipihit ang aking paningin ay pawang matataas na gusali lang ang nakikita ko.

Inayos ko ang pagkakahawak sa bag na sako at bayong na dala ko at nagsimulang lumakad papalapit sa isang maliit na karinderya sa 'di kalayuan.

"Ale, magkano ba 'yang paninda ninyong kanin at ulam na pakbet?" Magalang na saad ko sa tindera na kung makatingin sa akin ay para bang ngayon lang siya nakakita ng babaeng kasingganda ko.

'Ehem, kalmahan mo Danica...kalmahan mo ang aking kagandahan na taglay mo.'

"May pambili ka ba?" Masungit na tanong nito sa akin. Napataas naman ang isang kong kilay dahil sa tanong nito. Mukha ba akong walang pera?! Aba kahit na ganito ang ayos ko ay may pera rin naman akong hawak.

"Magkano nga po?"

"Trenta isang order ng kanin at singkwenta naman sa pakbet."

"Aba! Bakit ang mahal naman niyang mga paninda mo Ale? May ginto bang kalahok 'yang kanin at pakbet na tinda ninyo? Samantalang sa probinsya namin ay hinihingi ko lang ang mga pinangsasahog ko sa pakbet kapag nagluluto ako." Nakasimangot na saad ko pa, bakit naman kasi ang mahal?!

"At nagawa mo pa talagang magreklamo?! Pwes bumalik ka sa probinsyang sinasabi mo at doon ka gumawa ng pakbet na kakainin mo. Alis! Panira ka ng kita." Masungit na saad nito sa akin habang tinatapunan ako ng masamang tingin.

"Hindi naman masarap ang luto niyo! Che!" Padabog akong naglakad papalayo at naghanap ng maaaring mapagbilhan ng pagkain. Akala mo kung sino, baka nga mas masarap pa akong magluto kaysa sa kaniya. Hmp!

Nagsimula na akong maglakad-lakad dahil sa maghahapon narin naman at ramdam ko na rin ang pagkalam ng aking sikmura dahil sa gutom.

'Hindi sana ako magugutom ng ganito kun'di lang talaga matakaw 'yong lalaking nakatabi ko sa loob ng bus at ang daming nahinging suman mula sa baon ko!'

"H'wag kang kikilos ng masama kong ayaw mong gripuhan kita sa tagiliran." Mariing saad nang kung sino habang ramdam ko ang patalim na nakatutok sa aking tagiliran.

"Ahhmm kuya may tanong ako?"

"Ano?" tanong nito sa akin habang pilit na kinukuha naman sa akin ng kasama niya ang bag na sako at bayong na dala ko.

"Kapag kumilos ba ako ng mabuti hindi mo na ako gigripuhan sa tagiliran?"

"Ano bang pinagsasabi mo babae?!" Inis na saad niya sa akin. Ano bang masama sa tanong ko? Parang tanga naman itong si kuyang holdaper.

"Tara na!" Pangaakit sa kaniya ng kaniyang kasama at agad silang tumakbo papalayo. Pabagsak akong naupo sa tabi ng kalsada at inis na ginulo ang sabog kong buhok. Jusmiyo Marimar! Bakit ba puro kamalasan na lang ang inabot ko!

Pinagpag ko ang suot kong saya at nagsimulang maglakad-lakad. Wala bang grasya na mahuhulog d'yan! Wala naman akong balat sa pwet pero bakit puro kamalasan na lang ang inabot ko! Ganito mo ba ako kamahal lord at masyado mo naman yatang sinusubok ang tulad ko?

Napabuntong hininga na lang ako. Ang layo na nang nalakad ko pero hanggang ngayon wala parin akong makain, ilang beses naring kumulo ang t'yan ko dahil sa gutom.

Mula sa 'di kalayuan ay may nakita akong karinderya. Lumapit ako rito at pinakatitigan ang poster na nakadikit sa tabi nito.

Job Hiring.

Hindi naman ako tanga para hindi ko maintindihan ang nakasulat sa poster na 'yon. Napalingon ako sa matandang babae na lumabas mula roon at saglit akong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.

"Anong kailangan mo?" Masungit na tanong nito. Bakit ba ang susungit ng mga tao dito? Mga kulang pa sila sa buwan nang ipinanganak?

"Maga-apply po sana ako," saad ko sa kaniya at tinuro ang poster na nakadikit sa tabi ng karinderya nila.

"Ahhh ito ba?" turo niya sa poster, tumango naman ako bilang sagot ngunit gano'n na lang ang gulat ko ng tagkalin rin niya ito. "Wala na 'yan, may nakuha na kami kanina, at isa pa hindi kami tumatanggap ng babaeng may sira sa ulo."

Naiwan akong nakanganga sa labas ng karinderya nila at saglit na prinoseso ang kaniyang sinabi.

'Sa ganda kong 'to, napagkamalan akong may sira sa ulo? Kalma Danica!!!'

Dahil sa inis ako ay padabog akong naglakad palayo sa karinderya nilang bulok at saka dumampot ng bato. May sira pala sa ulo ha. Tingnan lang natin.

Ibinato ko ang hawak kong bato ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang hindi ito tumama sa bubong ng karinderyang kinaiinisan ko.

"What the fvck is that?!

Paktay.

The Unexpected Encounter Where stories live. Discover now