CHAPTER 1

73 2 0
                                    

CHAPTER 1—Danica Lacompoque

Tahimik akong nakaupo habang kaharap ang isang lalaking masamang nakatingin sa akin. Pinasadahan ko ito ng tingin mula sa magulo nitong buhok, hindi ba sya marunong magsuklay ng buhok? Marunong naman ako baka gusto niyang turuan ko siya? Ang makapal nitong mga kilay na salubong na ngayon, kulay asul na mga mata, matangos na ilong, at mapupulang mga labi.

Paano kung bigla na lang niya akong sabunutan dahil sa nagawa ko sa sasakyan niya? O baka naman kaya niya ako sinama sa bahay niya ay dahil isa-salvage na niya ako? O baka naman ibibenta na niya pati ang mga laman loob ko. Lihim akong napayakap sa sarili ko.

Nabalik lang ako sa reyalidad ng may tumamang ballpen sa may noo ko. Nakasimangot ko naman siyang tiningnan.

"Bakit ka ba nambabato ng ballpen?" Nakasimangot na saad ko sa kaniya. "Pwede mo namang iabot na lang sa akin."

Tinaasan lang niya ako ng kilay at agad na sinamaan ng tingjn. "Give me some coffee."

Napakamot naman ako sa aking ulo dahil sa sinabi niya.

"Saan ako kukuha?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Tinaasan naman niya ako ng kilay at bahagyang humalukipkip habang seryusong nakatingin sa akin. " In the kitchen."

Napasimangot na lang ako dahil sa sinabi niya. Padabog akong naglakad at agad na hinanap ang kusinang sinasabi niya. Bakit ba ang laki ng bahay ng lalaking ito? May mga kasama ba siya sa bahay na 'to na hindi ko nakikita? Ramdam ko naman ang kilabot sa aking buong katawan at ang bahagyang pagtayo ng balahibo sa aking braso.

Inilibot ko ang paningin sa buong paligid at kalaunan ay agad ko ring nakita ang isang pack ng kape na naroroon. Agad ko itong kinuha at patakbong bumalik sa kaniya.

Inilahad ko ang isang pack ng kape sa kaniyang harapan. Sinamaan naman niya ako ng tingin na para bang gusto na niya akong humimlay ng maaga. Napakamot na lang ako sa aking kilay.

"I said give me some coffee?!"

"Hala si Sir, mukha bang hindi kape itong hawak ko? Tingnan nyo oh isang pakete pa!" ani ko pa sa kaniya at inilapit ang kape sa kaniyang mukha. "Mukha bang hindi ito kape?"

Lalo naman niya akong sinamaan ng tingin. Hinilot niya ang kaniyang sentido at inis na ginulo ang kaniyang buhok.

'Ito talaga si sir, tamad na nga magsuklay lalo pang ginugulo ang buhok, may kuto o balakubak ba siya sa ulo niya?'

"Sir, may kuto po ba kayo?"

"What?! Anong kuto?!" Inis na sigaw niya sa akin. Napakamot na lang ako sa king ulo dahil sa walang kaalaman ni sir. Kuto lang hindi pa alam.

"Hindi nyo sir alam 'yong kuto? Kawawa naman pala kayo sir, 'yong ano ba...basta parang ano yong ano nga! 'yong nakatira sa ulo natin tapos ano basta 'yon na 'yon!" Bakit ba ang hirap idesdrive? Desbribe? Ahhh describe, oo bakit ba kasi ang hirap idescribe ng kuto na 'yan.

"Wala."

"Eh balakubak sir?!"

"Stop that nonsense at ipagtimpla mo ako ng kape!" Inis na sigaw niya sa akin habang namumula na ang kaniyang buong mukha.

Akmang maglalakad na ako pabalik ng kusina ng biglang kong naalala na nasa kaniya nga pala 'yong kape.

'Gusto pala niya ng timplado ng kape hindi naman niya sinabi agad, bakit ba ang gulo ng utak ni sir?'

"What?!"

"Ah sir 'yong kape, gagamitin ko."

Muli niya akong sinamaan ng tingjn at saka sa akin iniabot ang kapeng hawak niya. Nakangiti ko naman itong tinanggap at agad na tumakbo patungong kusina.

Matapos kong magtimpla ay agad akong bumalik sa kaniya at iniabot ang isang tasang kape. Nakakaisang higop pa lang siya ng mabilis niyang naibuga ang kape na itinimpla ko.

"Bakit ganito ang lasa nito? Sobrang pait."

"Sabi nyo po sira ipagtimpla ko kayo ng kape, wala naman kayong sinabing lagyan ko ng asukal." Nagtatakang saad ko sa kaniya.

Napahilot naman siya sa kaniyang sentido at tila ba nauubusan na nang pasensya.

'Hala anong ginawa ko? Sinusunod ko lang naman 'yong sinabi niya ah.'

"Give me the cramer! Bilis!" Dali-dali naman akong pumunta sa kusina at kinuha ang Cramer na nasa isang lalagyan.

"Sabi ko Cramer! Bakit asin 'to?!"

"Ahhh asin ba 'yan sir? Akala ko Cramer ok na 'yan sir parehas lang naman ng kulay hehehe."

"Baka gusto mong ipalunok ko sa'yo 'yang asin na kinuha mo?!" Malakas na sigaw niya sa akin.

"Hala si Sir, mukha po bang mahilig ako sa asin? Saka isa pa...pwede bang h'wag kang sumigaw talo mo pa 'yong mga tambay sa amin na magkakaharap lang naman pero kung mag usap parang nasa kabilang bundok 'yong kausap nila," tipid na saad ko habang kinakalikot ang tainga ko. Grabe naman kasi ang isang 'to, kung makasigaw wagas.

"Kukuha ka ba o hindi?!"

"Ito na nga sir kukuha na, ikaw naman masyado kang highblood, wag mo sir dibdibin may likod ka pa."

Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya mabilis na akong tumakbo pabalik sa kusina. Nasaan na ba 'yong Cramer na sinasabi ni Sir? Meron ba no'n dito? Saglit pa akong naghanap at sa wakas nakita ko narin 'yong pesteng Cramer na 'yan.

Napangiti akong bumalik sa kaniya at iniabot ang Cramer na hinihingi niya kanina pa. Tahimik lang siyang naghahalo ng bigla siyang nagsalita.

"Sit."

"Ano 'yon sir?"

"Upo!"

"Ito na nga uupo na, masyado ka namang highblood sir." Nakasimangot na saad ko sa kaniya.

Pasimple kong inilibot ang paningin sa buong paligid ng dumapo ang tingin sa isang paso sa may gilid.

"Sir, kapag ba binenta ko 'yong paso na 'yon," turo ko pa. " Makakabayad na ako sa utang ko sa'yo?"

"Baka gusto mong Ikaw ang ibenta ko?"

"Sino ba kasing may sabi na ibibenta ang paso na 'yon, hindi naman maganda saka halatang luma na, madali lang 'yang mababasag."

"Tahimik." Napatikom naman ako ng bibig dahil sa sinabi niya. "What's your name?"

Huminga muna ako ng malalim bago ko sinabi ang pangalan kong 'di ko alam kung saan nagmula.

"Danica Lacompoque Sir." Naibuga naman niya sa akin ang kapeng iniinom niya, napapikit na lang ako dahil doon.

'Gano'n na ba ako kabaho at pati kape gusto na niyang ipaligo sa akin?'

"What the fvck?!"

"Diba sir ang dugyot no'ng apelyido ko? Pwede namang lacomtiti, lacomvilat, lacomputotoy o kaya lakompempem, pero bakit Lacompoque 'yong naging apelyido ko"

Sunod-sunod naman ang pag ubo ni sir habang masamang nakatingin sa akin.

"C-can you please, shut up!"

"Bakit sir?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. " Sinagot ko lang naman 'yong tanong n'yo sir ah."

Tumayo ako sa kaniyang harapan at inilahad ang kamay sa kaniya.

"I'm Danica Lacompoque Sir at nagiiwan ng kasabihang, di bale ng tamad 'di naman pagod, kung maikli ang buhay ang mahalaga patuloy ka paring humihinga, I thank you!"







The Unexpected Encounter Where stories live. Discover now