Hiing Ay Hilumin
Malapit na ang dulo
Nakikita ko na kung saan ito patungo.
Hindi ka pa rin kumikibo
O baka tuluyan ka nang naglaho.Natuldukan na pero ako'y nagbubulagbulagan
Wala ka nang paramdam pero hindi kita kayang bumitawan
Kakarampot na pag-asa nalang ang pinanghahawakan
Wala ka pa ring hudyat nang pagtigil, ng pagsuko at ng katapusan.Napapagagod na ako!
Kailan ba ang paghinto?
Nasaan na ang silbato?
Nag-uunahan na naman ang mga luha sa pagtulo.Tapos na huling kabanata
Pero patuloy pa rin sa pag-agos ang tinta,
Patuloy pa rin sa pagsusulat ng mga salita,
Mga gawa-gawang eksinang kunwari'y ikaw pa rin ay kasama.Paano ako bibitaw kung wala kang sinasabi?
Paano hihinto kung patuloy tayo sa sistemang hindi tumitigil?
Magpapasya nalang ba para sa sarili
At hihilingin sa langit na magawa pa akong hilumin?
YOU ARE READING
Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)
PoetryIto ay antolohiya ng mga tula na tungkol sa pagmamahal, pagkasawi, pagpapaubaya, pagpapalaya at paghilom. Ang bawat pagpatak ng luha ay may katumbas na isang tula. Nawa'y magustuhan at maantig ang puso niyo sa mga tulang ito. Magawa sanang mayakap a...