SANDALI
Kung ganoon kabilis ang sandali
Sana nagtagal pa ako kahit saglit
Sana niyakap kita ng mahigpit
Hindi nalang sana ako bumitiwKung hindi lang sana nagmadali
Nasulit sana ang oras na tayo ay magkatabi
Ngayo'y puno ng pagsisisi
Dahil paano na lamang kung iyon na pala ang huliSobrang bilis ng pangyayari
Hindi man lang nasabi lahat ng gustong sabihin
At ngayo'y naiinggit na makita ang iyong ngiti
Kasama ang iba sa imaheng hindi mo ako katabiNapapatanong kung nagawa ko bang maiguhit iyon sa iyong labi
Naging sapat kaya ang pagsisikap para makita ka saglit
Kasi wala akong pwedeng gunitain
Sana hindi kita nasaktan dahil ito ngayon ay bumabagabag sa akinKung pagbibigyan ng mga bituin
Ang aking paghiling na sana ay muling makapiling
Hindi na ako bibitaw kundi hihigpitan na ang kapit
Ayaw kong mainggit at magsisi
Kasi hindi kita napangiti ng kahit sandali
YOU ARE READING
Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)
PoetryIto ay antolohiya ng mga tula na tungkol sa pagmamahal, pagkasawi, pagpapaubaya, pagpapalaya at paghilom. Ang bawat pagpatak ng luha ay may katumbas na isang tula. Nawa'y magustuhan at maantig ang puso niyo sa mga tulang ito. Magawa sanang mayakap a...