A Broken Family

95 0 0
                                    


Cinn-dy.

Ang Dalagang kinse ayos na desperada mabuo ang kaniyang pamilya kaya't gumagawa ng paraan para mabuo ulit, pero mabubuo nga ba? Kung ang pamilya niya ay parang ayaw na talaga? O titigil niya na lang ito dahil may napagtanto siya?

**
Cinn-dy pov

I was so desperately na maging mabuo ang aking pamilya at maging happily ever after, kasi sino ba naman ang hindi diba? Kaya naman gumagawa ako non ng paraan para maging maayos ang relasyon nila at mabuo ulit kami, pero parang sila na talaga ang ayaw na magkabalikan, sila na kasi ang nagpapakita na wala ng pag-asa pa. Laging nagsisigawan pag nag-aaway parang wala ako sa harapan nila. Gusto ko na lang maglaho na parang bula.

Ang sakit sakit lang, dahil ako na anak nila pilit inaayos ang relasyon nilang dalawa pero sila? Wala. Walang silbi ang mga ginagawa ko kung wala naman palang may mabuting nangyayari sa kanila. Tigil na.
Paulit-ulit na nalang Nakakapagod. Nakakasawa.

Natutulog nalang ako non na may mga luha sa aking mga mata. Ang bigat bigat na kasi eh at ang sakit sakit na.

**
"Bakit naman po ganoon, ginawa ko na po lahat lahat para maging maayos at mabuo ulit kami pero parang sila na talaga ang ayaw na magkabalikan. Hindi ba pwedeng ayusin nalang kung ano man ang problema nila at magkabalikan dahil mayroon silang anak? Di ba dapat ganoon?" Kausap ko si nanay celia, Kapitbahay namin. Siya lagi ang tinatakbuhan ko sa tuwing may problema ako o kung may mga katanungan sa aking isipan na hindi ko alam ang sagot. Siya ang nag-cocomfort o nagpupunas sa tuwing may mga luha sa aking mga mata dahil sa pamilya ko, saksi siya sa mga pinagdaanan ko.
Wala siyang anak, dahil may problema sa pag-bubuntis kaya parang sabik sa mga bata.

"Hija..may mga bagay na pwede pang maayos para magkabalikan, pero may mga bagay rin na kahit anong ayos mo pa, hindi na talaga pwede lalo na kung ayaw na talaga nong tao na magkaayos at magkabalikan pa sila."

"Bakit naman po?" Nagtataka na tanong ko.

"Hindi kasi sapat hija na kaya lang nagkabalikan dahil mayroon silang anak. Hindi eh, dapat mahal talaga nila ang isat isa, doon mo makakamtam ang kasiyahan na gusto ng lahat."

"Ipalagay natin na nagkabalikan silang dalawa dahil mayroon silang anak pero hindi nila mahal ang isat isa, magiging masaya ka ba?" Biglang tanong ni nanay celia sakin.

"H-hindi po."

"Talagang hindi. Hinding hindi." Naramdaman ko ang lungkot sa kaniyang boses.

"Dahil imbis pagmamahal at saya ang makikita't mararamdaman mo sa loob ng tahanan, hindi nalang kundi puro sigawan at awayan lang. Nakakarindi. Kaya mas nasisira pa iyong bata dahil nakikita niya ang mga magulang na nag-aaway. Hindi na healthy ang ganonong relasyon." Pagpapatuloy niya.

"Pinili nilang magkahiwalay dahil alam nila na pag-manatili pa sila sa isat isat pareho lang sila masasaktan, pero ang ginawa mo mas lalo mo lang sila pinapalapit sa isat isa kaya mas nagiging malala. Iyong pakiramdam na gusto mo lang naman makatulong upang mabuo ulit, iyon pala mas pinapalala mo lang ang sitwasyon nila. Naintindihan kita hija dahil tulad mo ganoon rin ako, nakikita ko ang sarili ko sayo nong bata pa ako.
Biktima rin ako ng hindi kumpletong pamilya."

"Pag naghiwalay talaga ang mga magulang unang apektado ang mga bata."

Sa sinabi ni nanay celia mas naliwanagan ako, mas lumawak ang aking pag-iisip. Napagtanto ko rin napakaselfish ko palang tao, iniisip ko lang yong sarili ko yong nararamdaman ko hindi ko man lang inisip sila at yong nararamdaman rin nila.

Isa sa masakit at mahirap tanggapin pag parte ka ng broken family ang mga salitang,
"Kahit anong ayos ko na magkaayos sila at magkabalikan hindi na talaga pwede, wala ng pag-asa na magkabalikan pa ang mga magulang ko."

Broken Family? yan, iyan ang mayroon ako pero, complete family?Wala, Wala na ako niyan matagal ng sira ang kagustuhan ko na maging maayos at mabuo ulit pamilya namin, ayaw na eh. Anong magagawa ko.

Pinagdamot sakin ng mundo ang kumpleto at masayang pamilya.

_ Cinn-dy

One Shot Stories Compilation Where stories live. Discover now