Pranking My Professor

84 0 0
                                    


Pri-nank ko lang naman si prof boseilli, ang aming math subject professor. Successful kaya o Fail?

**
Kriza Quinto pov

"Explain of what is an equation?" Ang bungad agad ni prof boseilli sa amin pagkapasok niya ng room ni hindi man lang nag good morning sabagay hindi na bago sa amin iyon.
Dire-diretso lang siya sa table niya at napasandal doon habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay na nakatingin sa amin, ang cool niya sa ganoon. Naghihintay, kung sino ang tataas ng kamay para sumagot pero as expected wala ni isa sa amin ang may balak na tumaas ng kamay. Nakayuko lang na nginingitngit ang kuko. Eh pano ba naman kasi, sino 'yong sasagot kung hindi naman niya sinusulat sa blackboard yong sinasabi niya.

Eh mayroon namang cholk anong purpose non? Ano yon tinitipid?Parang bahala ka na sa buhay mo kung isulat mo 'yong sinabi niya o hindi. Ako, talagang kampante na hindi ako matatawag like duh....nasa dulo ako ng first row ng bintana at hindi ako masiyado makikita dahil nakayuko lang naman ako habang nagdrawdrawing sa likuran ng math notebook ko, bahala sila jan.

"None?Then i will call a name."

"Miss quinto." Bigla ako napatayo sa gulat at dahan dahan napalingon sa kaniya.

"Y-yes s-sir." Nauutal na sagot ko. T*ng*na! Sa karami rami ng mga estudyante dito, ako pa talaga ang napili niya at tinawag.

"Explain of, what is an equation?" Tanong niya na hindi ko agad nasagot, eh hindi ko alam ang sagot eh. Ang hirap sumagot sa tanong, kung hindi mo naman alam kung ano ang sagot. Tama hindi ba? Obob ako pagdating sa math hindi ko rin alam, matalino naman si mama at papa sa math pero bakit ako hindi? Pero okay lang yan hindi lang naman ako nag-iisa sa mundo, marami kami.

"Oxygen ka ba prof?" Ngiting ngiti na sabi ko.

"What is that miss quinto?" Nandoon sa mukha niya ang pagtatataka na ikinanganga ko pati ang mga studyante, nagsilingian rin sa kaniya at napanganga rin. Seryoso? Hindi niya alam yong pick-up lines?

"Your mouths."
At doon ko palang namalayan na nakanganga na pala ako kaya't sinara ko ang aking bibig, nakakahiya.

"That's not the answer to my question, miss quinto."

"Eh hindi rin yan sagot sa tanong ko."

"Diba? Tinanong mo kung ano yon?Pick up lines yon. Pick-up-lines, pero bibigyan kita ng sagot "BAKIT" yan ang sagot sa tanong ko prof kanina, oh diba napakasimple, madali lang. Oh binigyan na kita ng sagot ha, dapat ganoon ka rin para patas pero seryoso? Bakit hindi mo alam 'yon?Ano ba naman yan prof nabawasan naman, ang pagka astig mo, tsaka pilipino ka ba talaga, joke."Bawi ko agad, ng masama niya kong tiningnan.

"Seems to be wrong miss quinto, I feel like I'm the student here and you're my professor" Sabi niya na ikinatawa ng studyante.
Tiningnan ko naman sila ng masama, na agad nama'ng natahimik. Nag sabi ba'ko na tumawa sila? Tsk..

"Ilang minuto lang naman ako magiging professor mo balik studyante na'ko maya maya, Sige na prof, mag bakit ka na bago ko sagutin yang tanong mo. Promise!Mamatay man ako. Eto naman oh, parang laging jino-joketime ."

"I was the first to ask you miss quinto, so you answered first, before me."

"Hindi mo ba prof, alam ang salitang "Ladies first" Sarkastiko kong sabi.
"Kasi parang hindi, wag mong sabihing hindi mo alam."

"Why?"Walang kabuhay buhay na saad niya.

"Ano ba naman yan prof, ayusin mo naman yung parang interesado ka sa sasabihin ko."

"Why?" Napangiti ako ng sobrang tamis. Oo na. Oo na, napipilitan lang pero hindi parin maitanggi na nag why siya.

Naglakad siya palapit sa amin at napasandal sa black board habang nakatingin sa'kin.

One Shot Stories Compilation Where stories live. Discover now