Chapter Forty Two
Kelly's POV
Pagkagaling ko sa airport dumiretso agad ako sa kompanya.
"Good Morning, Ma'am." Bati sa akin ng mga empleyadong nakakasalubong ko papunta sa floor kung nasaan ang opisina ko. Tinatanguan ko naman sila bilang tugon.
Pagkadating ko sa opisina ay inabala ko ang sarili ko sa mga nakatambak na paper works na nasa table ko.
Dapat nagpapahinga ako ngayon pero hindi ko ata kayang tumigil sa isang tabi. Ang daming pumapasok sa utak ko sa mga posibleng mangyari. Ngayong nakabalik na ko at dapat ko ng tapusin ang nasimulan ko.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kung dati atat na atat akong matapos ang lahat at makaganti. Saya at exciment ang nararamdaman ko kapag iniisip ko pa lang ang kakalabasan ng lahat. Ngayon, bakit kinakabahan ako? Bakit hindi ako makaramdam ng excitement? Siguro... sobrang lapit na ng lahat kaya wala na ung excitement. Kaba dahil hindi ko pa alam kung anong kahihinatnan ng lahat. Kung magtatagumpay ba ako o hindi.
Inabala ko ang sarili ko sa pagtatrabaho.
May kumatok sa pinto ng opisina ko. For sure it is my secretary.
"Come in."
"Ma'am, uuwi na po ko." Sabi niya pagkapasok niya.
"Sure." Sabi ko pag-angat ko ng mukha sa kanya. Tumango na rin ako.
Pag-alis ng secretary ko tumingin ako sa wrist watch ko.
Its already six. Sumandal ako sa upuan ko at pumikit. Ngayon ko lang naramdaman na mabigat na ang talukap ng aking mga mata. Ramdam ko na rin ang pagod.
Am I giving myself a hard time?
Pagmulat ko ay nag-unat ako. Nakatulog pala ako. Tumingin ulit ako sa wrist watch. 9 pm na. Tatlong oras rin akong nakatulog. Napadako ang tingin ko sa cellphone ko na nakapatong sa right side ng table. Kinuha ko ito at tiningnan.
Walang tawag or text from him, from Jacob. Well, whatever! Inaalala ko lang na kailangan ko na siyang maka-usap para maipamukha ang lahat ng ginawa niya. Nakaramdaman naman ang sistema ko ng panlulumo? Panghihinayang? Urgh! I don't know! I don't know whats going on to me.
I really don't want to be like this. Yung ganitong wala akong ginagawa. Nag-iisip ng kung anu-ano at kung ano anong nararamdaman na hindi naman dapat at hindi maipaliwanag.
Inayos ko ang table ko pati ang sarili ko. Nakakalahati naman ako sa mga dapat kong pirmahan at pag-aralang mga paper works. Pinatay ko ang ilaw at umalis na.
Pagdating na pagdating ko sa condo ko ay naligo agad ako at humiga na. Hindi ko na inabala ang sarili ko na kumain. Wala naman akong gana.
Bago ako matulog tumingin muna ko sa screen ng cellphone ko. No calls. No texts. Napatingin naman ako sa singsing na nakasuot sa daliri ko. My engagement ring. Never kong naisip na hubarin ang singsing na 'to. Matagal ko itong tinitigan hanggang sa hilahin na ako ng antok.
Nagising ako sa sunod-sunod na doorbell na narinig ko. Fvck! Masyado bang atat ang kung sino mang nambubulabog sa pagtulog ko. Tumingin ako sa orasan bago ako bumangon. Its already 9 in the morning pero pagod na pagod pa rin ang pakiramdam ko.
Nagsuot ako ng robe at itinali ang buhok ko bago lumabas. Sunod-sunod na door bell pa rin ang naririnig ko. Hindi ba 'to makahintay!
Inis na binuksan ko ang pinto. Pagkakita ko sa palang sa taong nasa harapan ko ngayon ay mas lalong nadagdagan ang inis na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]
RomanceIstorya ng isang babaeng nais mag-higanti para sa kanyang bestfriend. Ano kaya ang magagawa niya para lang sa pagkawala ng nag-iisang taong nakakaintindi sa kanya?