Chapter Forty Eight (Part One)
Kelly's POV
Its been a week nang pumunta kami dito sa bahay nina Jacob. Ganoon pa rin at walang pagbabago. We don't had a chance to talk in private. Ayaw kasing humiwalay ni Kell kay Jacob. Lagi na lang nakabuntot sa Daddy niya kahit nagtatrabaho si Jacob sa sakahan nakasunod siya. Nagiging moreno na tuloy ang Baby ko. Hindi rin makapagtrabaho ng ayos si Jacob.
Hindi na rin ako nakapunta ng Manila para makapag-meeting sa mga clients na demanding. Pinanindigan talaga ni Jacob na hindi ko pwedeng isama si Kell. Ayaw ko naman kasing iwan ang baby ko kahit alam kong maalagaan siya dito. Hindi ako sanay na mahiwalay kay Kell ng matagal. Kaya hinayaan ko na lang mawala ang mga clients. Hindi naman sila ganoon kahalaga and they are so demanding.
Now, we were having our lunch. Magkakasabay kami ngayon. Noong una, napansin ni Inay ang malimit na pagpunta si Nimfa. Nakasanayan na pala nila na kasabay sa hapagkainan si Nimfa. Tinignan nga ako noon ni Jacob. Na parang ako ang sinisisi niya. Pinanlakihan ko lang naman siya ng mata at inirapan niya ko.
Makapanghusga siya! Hindi ko naman kasi masisisi si Nimfa kung malimit na siyang pumunta dito. She's trying to move on. And it is Jacob's fault not mine.
"Lola, this is so delicious." Umakto pa si Kell na para siyang nasa isang commercial kaya napa-tawa kami. Napaka-pilyo talaga."May pinagmanahan." Narinig namin ang pagbulong ni Meng. Napa-tingin tuloy kami sa kanya. Ngumingiti na siya ngayon hindi katulad dati. Katabi niya ang anak niyang si Mae na anim na taong gulang.
"May sinasabi kaba, Meng?" Seryosong sabi ni Jacob pero alam mong itinatago ang pagngisi.
"Wala. Sya nga pala, uuwi daw si Macmac bukas. Hindi daw siya makauwi ng mga nakaraang araw dahil busy daw siya. Alam niyo na graduating." Mahabang saad ni Meng. Ngayon ko lang siya narinig magsalita ng ganoon kahaba.
Buti naman kung uuwi si Macmac. Gusto ko rin makita ang batang yon. Paniguradong binatang binata na yon.
Naikwento sa akin ni Inay na nag-aaral sa kolehiyo si Macmac. Kaya nasa Manila siya. Kumukuha raw ng Culinary. Gusto daw nito maging chef. Mukhang nahawa ito kay Inay na mahilig magluto.
"Mabuti naman kung uuwi siya. Gusto rin siyang makita ni Kelly." Sumulyap sa akin si Inay kaya ngumiti ako.
Natapos kaming kumain kaya niligpit na namin lahat ng pinagkainan. Si Meng ang magliligpit ngayon kaya I take the chance to talk to her. Siguro naman makaka-usap ko na siya ng ayos.
"I'll help you." Sabi ko pagkalapit ko sa kanya. Kami na lang ang tao ngayon sa kusina.
"Kaya ko na 'to." Malamig niyang sabi.
"Tutulungan kita. Marunong ako nito." Saad ko. Baka isipin niyang hindi ko kayang magligpit. Simula ng dumating sa buhay ko si Kell mas natuto ako sa gawaing bahay. I can cook too.
"Sinabi ko bang hindi." Pagtataray niya.
Keep calm, Kelly. Hindi makakatulong ang pagiging mainitin ng ulo mo. Inhale, exhale.
"Meng, okay I'm sorry." Simula ko. Tinulungan ko pa rin siya sa pagliligpit. Sinasabonan ko na ang mga baso habang binabanlawan niya.
"Hindi ka dapat sa akin nagsosorry." Malamig pa ring saad niya.
"I know, pero alam kong isa ka sa nasaktan nang saktan ko ang Kuya mo." Napatigil naman siya sa ginagawa niya pero agad ding nakabawi.
"Meng, I want you to know that I want him back. I'll do everything to win his heart again." Napakagat ako sa ibang lalabi ko dahil sa mga lumalabas sa bibig ko. Hindi ko napag-isipan ang mga sinabi ko because it comes from my heart.
Narinig ko ang malalim na pagbuga niya ng hangin.
"Wala naman akong magagawa kung ikaw pa rin ang gusto niya. Basta wag mo lang siyang sasaktan ulit. Dahil kung gawin mo ulit yon sisiguraduhin kong hindi kana makakaapak sa pamamahay na 'to." Napa-ngiti naman ako sa sinabi niya. Kahit may pagbabanta alam kong ayos na kami. Tanggap niya na ako ulit. Si Jacob na pakipot na lang talaga ang problema.
"Salamat, Meng." Masaya kong sabi.
"Tss. Pumunta kana doon. Ako na dito."
"No. Tutulung---."
"Kelly!" Napatigil ako sa pagsasalita nang ma tumawag sa pangalan ko.
Pagtingin ko si Inay pala."Bakit po, Inay?"
"Nandyan ang Mama mo tsaka ung kapatid mo. Meron pang-isa Xander ata ang pangalan." Nanlaki ang mata ko sa gulat. Si Mama, Andrea at... Xander?!
"Pumunta kana doon. Oh? Bakit parang gulat na gulat ka?" Takang sabi ni Meng.
"Ahh. W-wala... P-pupuntahan ko na sila." Mabilis kong pinunasan ang kamay ko at wala sa sariling naglakad.
Anong ginagawa nila dito? Tsaka si Xander! Aish! Hindi pa kami ayos ni Jacob baka kung anong isipin noon! Masasapak ko talaga si Xander. Dapat inaasikaso niya ang kasal nila ni Lea. Pumunta lang yon dito para mambwisit!
Pagdating ko sa sala. Nagmamano si Jacob kay Mama at sumunod naman si Kell. Pagdating kay Andrea, ginulo gulo lang ni Jacob ang buhok nito at ginaya na naman siya ni Kell. Pinipilit niyang abutin ang ulo ng Ate Andrea niya. Napa-ngisi na lang ako.
Nawala rin iyon ng makita ko na magkaharap si Jacob at Xander. Kitang kita kong ang pagngisi ni Xander. Walangyang talaga ang lalaking to. Alam niya naman na... Aish!
Kahit likod lang ni Jacob ang kita ko. Sigurado ako na magkasalubong na ang kilay niyan.
"Daddy Ninong." Sigaw ni Kell. Mabilis naman itong nagpakarga.
"Did you miss me?" Tanong ni Xander. Tumango naman si Kell. Aish! Patay na talaga.
Bigla namang humarap si Jacob sa akin at nagtama ang paningin naming dalawa.
Seryoso lang siyang naka-tingin sa akin kaya napalunok ako. Hindi ko na naman siya mabasa. Parang may pilit na hinahanap ang mga tingin niya. May pilit na hinahanap sa kalooblooban ko. Natauhan naman ako ng irapan niya ko at kasabay noon ang paglabas niya ng bahay ng walang paalam.
Naglakad ako para sundan siya. Ito na sana siguro ang tamang panahon. Malapit na ko sa may pinto ng tawagin ako ni Mama.
"Kelly, saan ka pupunta? Hindi mo man lang kami binati." Aish! Bakit ngayon pa nagdrama si Mama?
Wala na kong nagawa ng hilahin ako ni Andrea at Chi. Mukhang nagkakasundo ang dalawa.
Umupo naman kami lahat sa may sala. Masayang nagkukwentuhan si Mama at Inay. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila dahil nakatuon ang atensyon ko sa pag-alis ni Jacob. Saan kaya nagpunta ang lalaking yon?
Napagawi ang tingin ko kay Xander na nakikipagharutan kay Kell, Andrea, Chi at Mae. Ang hilig niya sa bata. For sure, he would be a good father. Lea is so lucky.
Nagtama ang mata namin kaya sinimangutan ko siya. Ngisi lang ang isinagot niya. Mautak ang lalaking to! Sinigurado niya talagang malayo siya sa akin. Kung tumabi naman talaga siya sa akin. Masasaktan talaga siya. May pasama sama pa dito.