2022 | Chapter 1

58 3 1
                                    

         SA MUNDO NG PANTASYA, LAHAT AY POSSIBLE.

         Doon, ang Imposible ay Posible. Ang Pangarap ay Natutupad. Ang Hindi Inaakalang Mangyayari ay Nangyayari. Ang Hindi Kapani-Paniwalang Kwento ay Nagiging Totoo. ANG BIDA AY NAGIGING HERO.

         The Legend of IKING, rewritten October 2022.


         ********

         ISLA NG MGA UNGGOY.

         Paraiso sa ganda ang islang ito mapa-anyong lupa o anyong-tubig. Kapatagan. Bundok. Talampas. Burol. Bulkan. Talon. Ilog. Sapa. Makapal na gubat. Maputing dalampasigan. Para sa mga tao, PARAISO nga ito. Ngunit para sa mga unggoy na original inhabitants ng isla, ito ang kanilang MUNDO. Tahimik silang namumuhay dito.


         Nitong nakaraang mga buwan ay nagkakaroon ng malaking PROBLEMA ang isla sa kanilang TANIMAN ng SAGING. Hindi sila makapag-ani ng marami, mataba, mahaba at matamis na bunga. Malaking problema ito sa ISLA ng mga UNGGOY.

         Ang TANIMAN ng SAGING ay nasa gitna ng isla dahil ito ang bahaging kapatagan at angkop sa sagingan. Ang mababaw na ilog ang nagsisilbing irigasyon ng taniman. Mahaba ang ilog na dumadaan sa gitna ng taniman. Mistulang hinahati nito sa dalawang parte ang kabuuan ng sagingan. Kung susundan ang agos ng tubig, galing ang TUBIG sa makapal na gubat na nakapalibot sa paanan ng mataas na BULKAN ng isla.

         Pumuwesto sa tuktok ng BUROL ang matandang unggoy na si Bolanto. Pinagmamasdan niya ang taniman ng saging. Si Bolanto ang nagsisilbing ADVISER o tagapayo ng HARI. Isa siyang unggoy na may golden hair at mukha ng lion. Dahil matanda na, hindi na maganda at malago ang kanyang buhok. In short, panot na. Nandoon siya para mag-inspection ng taniman.

         "Hindi maganda ang kalagayan ng taniman ng saging" umiiling na sabi ng matanda sa kanyang nakita. Hindi namumunga ang karamihan sa mga puno. Labis siyang NABABAHALA dahil sa kanilang isla, ang SAGING ay BUHAY.

         Hindi man SIYA ang hari ng isla ng mga unggoy, malaki rin ang responsiblidad niya bilang tagapayo lalo na sa usaping PAGKAIN ng isla - ang SAGING.

         "Kapag nagpatuloy ang problemang ito, magtatag-gutom sa isla. Darating ang araw na MAG-AALSA ang mga unggoy laban sa hari."


         Si Chapanggu ang Hari ng Isla ng mga Unggoy. Bukod sa pagiging hari, isa rin siyang makapangyarihang engkato. May kakayahan at talento siyang gumawa ng mga spiritual RITWAL at SUMPA sa kahit anong nilalang.

         Tulad ni Bolanto, si Chapanggu ay isa ring unggoy na may golden hair at mukha ng LION. Maganda at malago ang ginintuang buhok niya na nakapaikot sa kanyang mukha katulad ng sa lion.

         Dahil siya ang hari, mayroon din siyang PALACE at THRONE.

         Ang palasyo ni Chapanggu ay ang mataas na BULKAN ng isla. Sa paanan nito makikita ang taniman ng saging. Sa labas, mukha naman talaga siyang BULKAN dahil sa hugis niyang conical at crater sa tuktok. Pero kapag izo-zoom in mo ang crater nito, wala itong tubig kundi malaking BUTAS na lagusan TAGOS sa loob. Hollow ang loob nito. Domed-shape. Walang lava. Walang magma. Ang meron sa loob ay ang kanyang trono bilang hari, at mga lungga at kuweba na tinatawag nilang mga SILID BUHAY at SILID PATAY.

         Sa pinakailalim o base ng bulkan, makikita ang HALL OF POWER o bulwagan ng kapangyarihan. Nandoon ang UPUAN ni Chapanggu na nakapatong sa podium na gawa sa WHITE ONYX STONE. Ang mismong UPUAN naman niya ay gawa sa BLACK ONYX STONE. Sa batong itim na ito nakaukit ang mga SCRIPTS and SYMBOLS ng mga dasal at rituals ng mga ENGKANTO.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Legend of IKING | Fantasy - AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon