32. Past 4

137 3 0
                                    

Ravie's POV

FLASHBACK

"Nay!" tawag ko sa aking ina na may ginagawang kung ano sa taas ng cabinet.

"Anak, Saglit lang hindi pa tapos si Nanay." sabi niya.

Nag tataka ako kung bakit kami nandito sa 'basement' daw sabi ng nanay ko, hindi ko alam ang salitang yon, sa probinsiya ay 'Silong' ang tawag namin dito.

Sinama ako ng nanay ko sa magandang mansyon na ito galing sa bahay ng tiyahin ko sa Tondo dahil dito rin ako pag aaralin ng magulang ko.

Sabi ng magulang ko ay ginawa akung scholar ng amo nilang babae at fully paid na ako sa school na katulad ng anak ng amo nila.

Kaya iniuwi nila ako dito sa syudad galing sa General Santos City at binigay ako sa tiyahin kong kapatid ng tatay ko dahil daw may kaunting problema daw sa mansyon.

nakarinig ako bigla ng ingay sa labas ng basement.

"Nay, may tao ata po." sabi ko, Natigilan ang nanay ko at nakarinig ulit ako mg ingay, mas malapit na ito ngayon.

Muntik na akung mapatili ng biglang may humila sa akin papasok sa basement at tinakpan agad ang bibig ko, hinila ako ng nanay ko papasok sa malaki at lumang Mahogany cabinet na kanina pa soya may inaayos roon.

Nag taka ako sa nanay ko ng sinarado niya ang cabinet pero sinadya niyang lagyan ng kaunting siwang iyon kaya nakikita parin namin ang madilim na paligid.


Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat ng biglang bumukas mg malakas ang pinto ng basement kaya hinigpitan ng nanay ko ang pag takip niya sa bibig ko.


"Anak...utang na loob...wag kang sisigaw..." bulong ng aking ina,wala akung nagawa kumg hindi tumango.

Nakita ko sa labas naay dalawang babae at lalake at may isang bata.

Pero nanlambot ako ng makita kung biglang ginapos nila ang bata?


Bakit?

At sino sila?

Bakit ginagawa nila sa isang bata iyon?

Brave Obsession (Obsession series #1)Where stories live. Discover now