Talalathala

24 0 0
                                    

Sabi mo walang iwanan
bakit parang nagpapaalam kana?
kung ano man yan, kayanin mo sana
uso lumaban, ano ka ba!

ikaw ang nagturo sa'kin para maniwala
sa nasa itaas na kung tawagin nila'y Bathala
sabi mo pag mula sa puso, maririnig niya
Kaya please lang wag kang susuko, andyan lang Siya

Nung panahong ako na yung gustong sumuko
di ka pumayag, nakailang batok pa sa ulo ko
sabi mo ang buhay di dapat binibiro
Pero bakit ngayon para kang nakikipaglaro?

~ScarsAreBlind
(excerpts)

Poems of a not so famous PoetWhere stories live. Discover now