10

63 1 0
                                    

"Good morning Philippines!"bungad sakin ni Amanda magkasabay kami sa hallway.

"Ganda ng umaga mo?"tanong ko dito.

"Di naman hihihi"pero nakangiti.

"Si kuya Brian kahapon  may kasamang babae"Sabi ko at biglang nagbago ang mood nya.

"Huh?sino?Gago talaga yun!Sabi nya nagsimba kayo?"inis nyang sabi.

"Oo nga,kasama nya sa simbahan "ngiti ko naman.

"Napakagago talaga nya!!! sinungaling kahit kailan"Nagpapadyak na sabi nya.

"Kilala mo yung kasama nya"Sabi ko at palihim na ngumiti,patay ka kuya Brian.

"Tang ina nya!sino  ba yung kasama?"inis nya parin.

"Si Alora Flores "Sabi ko.

"Aba't!Gago talaga.patay sya sakin"at mabilis na naglakad papalayo,nakaganti   na ako kay kuya Brian.

"Georgia!"that voice.

"Goodmorning"ngiti nyang sabi.

"Walang maganda sa umaga Anastacio"Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ito naman napakasungit"sabi nya.

"Ang aga mo ata"sabi ko.

"Excited kasi ako na makita ka,mamayang lunch sabay tayo ah,wag kana rin bumili ng pagkain,nagluto ako ng lunch natin"masayang nyang sabi.

"Ikaw nagluto?"lingon ko pa sakanya.

"Oo naman,anong akala mo sakin hindi marunong!"

"Wala naman akong sinabi na hindi ka marunong"

"Tsk baka pag natikman mo ang luto ko hindi mo na ako makalimutan"ani nya at tumawa pa.

"Hoy!tumigil  ka nga!"irap ko nagtitinginan samin ang mga studyante,siguro dahil sikat nga iyong si Anastacio.

"Napakasungit mo talaga Georgia buti nalang talaga maganda"ani nito ng mahina.

"So kung hindi ako maganda hindi ako pwede magsungit?"taas kilay kong tanong.

"Hindi naman"mahina ang boses nya at nagpipigil ng tawa.Kaya hindi ko napigilan na paluin sya sa braso!

"Nananakit ka din pala"tawa nya at nauna ng maglakad tapos sumisipol pa.

"Anastacio naman eh!"asar kong sabi sakanya.

"Bakit ba?ang ganda mo talaga"Sabi nya na ngumingiti pa.

"Lakas mo mang asar ah!"inirapan ko sya at nilagpasan.

"Maganda ka naman talaga Georgia,ang sungit sungit naman nito"habol nya sakin.

"Then don't talk to me"ani ko at binilasan lalo ang paglalakad.

"Sus dimo naman ako matitiis eh!"ani nya kaya nainis ako lalo.

"At bakit naman hindi?aber!?"

"Wala lang gwapo ko kaya!"Kumpyansa nyang sabi.Grabee hindi ko na kinakaya si Kuya Brian at kuya Chael,pati na rin si Samuel tapos itong si Anastacio dumagdag pa.

"Ewan ko sayo,Bye"pumasok na ako sa room namin at may iilan na rin palang studyante,at lahat sila nakatingin samin eh pano ba naman sumunod sa loob ng room si Anastacio!

"Ano pa ba Anastacio ang kailangan mo?"inis kong tanong.

"Ah wala naman,see you later"Sabi nya at kinindatan pa ako bago tumalikod.

Napabuntong hininga nalang ako sa kakulitan nya.

Alam ko papasok na ngayon si Regina nagtext sya sakin kanina eh.

Until i found youWhere stories live. Discover now