11

64 2 2
                                    


"Georgia."si kuya Chael pumunta sya dito sa kwarto ko at kanina pa hindi mapakali.

"Kuya ano ba kasi yun?kanina kapa nandito!"inis kong sabi sakanya.

"Tsk ano kasi,ano bang paboritong kulay ni Regina?"hindi sya sakin makatingin ng sabihin nya yun.

"Bakit mo naman tinatanong aber?"

"Basta!Dali na kasi!"

"May nililigawan kana diba?"

"Tsk hayaan mo na yun"

"May nanliligaw na rin Kay Regina kuya"paalala ko sakanya.

"Then so?ano namang pakealam ko?"

"Daichi is a good guy,bagay sila ni Regina"Sabi ko rito na ikinainis naman nya.

"Putang inang hapon na yun!Mas mabait ako dun Georgia"inis na sabi nya.

"Wag ka ngang nagmumura!"

"Sabihin mo na kasi kung anong paboritong kulay ni Regina!"

"Avocado green!"

"Sasabihin mo lang naman pala andami mo pang satsat!"inis nya.

"Bakit ka ba nagagalit?may gusto ka Kay Regina?"

"W-wala nuh!"Sabi nya at tumalikod na.

Parang timang,huling huli na nga magdedeny pa.

"Goodmorning Georgia"ito nanaman sya.

"What Anastacio?"

"Aga aga ang sungit,ganda mo!"

"Pwede ba Anastacio?lumayo layo ka sakin at papatayin ako sa tingin ng mga kapwa natin studyante"irap ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hayaan mo na inggit lang ang mga yan"

"Teka bat kaba sumusunod?Ibang department ka naman ah!"inis kong sabi sakanya.

"Ihahatid na kita sa room mo"

"Kaya ko ang sarili ko Anastacio"

"Wala naman akong sinabi na hindi mo kaya ang sarili mo"

Hindi ko na sya pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang aking paglalakad hanggang makarating na ako sa room at sya nakasunod parin nakaupo na ako lahat lahat.

"What now?Andito na ako sa room oh!"

"Wala naman sabay ulit ako mamaya ah, goodmorning ulit"kindat nya at lumabas na.alam ko namumula ako pero kasi Hayys kainis ang lalaking yun.

"Morning Regina"nilingon ko sya at namumula lang na nakatulala.Anyare dito?

"Hoy Gina?what happened?"tanong ko pa,tila napakurap kurap naman sya.

Tumingin sya sakin ng masama,inaantay ko sya na magsalita pero dumating na ang prof namin.

"Regina  what's wrong?"nasa canteen na kami pero hindi nya parin ako kinikibo.

"Nakakainis ka Georgia!"Sabi nya bigla,napatingin naman sakin si Amanda, Olivia, Anastacio at ang tatlo kong kuya.

"Ano bang ginawa ko sayo?"

"Sinabi mo kay Chael na paborito ko ang Avocado green?"eh ano naman dun? favorite nya naman talaga yun tsk.

"Eh totoo naman diba?"Sabi ni Amanda.

"Oo pero kasi bakit mo yun sinabi sakanya?"napalingon naman ako kay kuya Chael,for sure may ginawa nanaman tong kalokohan.

"Wala kasi akong mahanap na Avocado green color ng flowers,kaya avocado nalang tsaka grass ang binigay ko sakanya!"pagkasabi nya nun nagtawanan kami maliban kay Regina na namumula sa sobrang inis.

Until i found youWhere stories live. Discover now