Mahilig ka bang magbakasyon?
Paano kung nalaman mo na yung lugar na pupuntahan mo ay haunted pala.? Tutuloy ka pa rin ba?
Bakasyon
Tuwing mahal na araw, nakagawian na ng pamilya ko na magpunta sa Bulacan, bahay ng mga lolo at lola ko na malapit rin sa mga bahay ng mga tito at tita ko.
Kaming mga nasa maynila ay talagang dumadayo para mag family reunion doon.Hindi naman kalakihan ang bahay don, bungalow type sya. Pagpasok mo ng main door, may tatlong kwarto na magkakasunod sa bandang kanan. Yung pangatlong kwarto ay may sariling CR. Sa kaliwa naman ang sala, dining, then dirty kitchen (tapat cr).
Pagnagsamsama talaga kaming magpipinsan, hindi mawawala ang kwentuhan tungkol sa mga kababalaghan. Itong pinsan namin na anak ng tita ko na may ari ng bahay, nagkwento. Ang sabi nya, madami daw mga engkanto doon sa bahay nila. Meron daw dwende sa likod bahay, may whitelady sa loob ng bahay at merong batibat sa may puno ng bayabas (hindi ko alam kung ano yung batibat that time,, as in first time ko lang madinig yon).
After ng kwentuhan, matutulog kaming takot dahil sa mga narinig namin. Sa unang kwarto kaming mga babae. Sa 2nd room ang mga lalake. Sa 3rd room ang mga tito at tita namin (masters bedroom). Hindi nakasara ang mga pinto ng kwarto, bukod tanging kurtina lang ang mga nakatabing dito.
Tulog na ang lahat, kamalas malas pa at naiihi na ko. Ayaw naman akong samahan ng mga pinsan ko kasi mga naduduwag. So lakas lakasan na ng loob, kesa maihi sa kama. Paglabas ko ng pinto.. tanaw ko yung dirty kitchen na katapat ang CR. Kaso sira yung ilaw don kaya no choice kundi dun ako sa 3rd room maki ihi. So eto na... Papunta na ko ng 3rd room, pero bago makapunta don, madadaanan ko muna ang 2nd room. Konti palang ang ang nalalakad ko, nakita kong may white lady na nakatayo sa pinto ng 2nd room, nakatingin sakin though d ko nakikita ang mukha nya pero alam kong nakatingin sya sakin. Nakatingin din ako sa kanya. Habang naglalakad ako, nakapako lang yung tingin ko sa knya, at ganon din sya.. alam mo yung ulo nya ung nakasunod ng tingin.. ganon.. lahat na ata ng buhok sa katawan ko nagtatayuan.. hanggang sa nakaabot ako ng 3rd room yun tingin nya andon pa din para nakadungaw na yung ulo nya. Ginising ko ung tita ko sabi ko may whitelady don sa 2nd room nakatayo. Makikiihi sana ko dito kaso nakita ko yung whitelady. Tapos nakaihi na ko habang nagbabantay yung tita ko saken at ihatid ako sa kwarto.
Kinaumagahan, kinwento ko sa pinsan ko ung nangyari, doon nga daw nakatambay yung whitelady sa 2nd room. Buti pa nga daw at d ako don sa cr na malapit sa dirty kitchen nagpunta dahil don din daw sa loob non merong whitelady. Lagi nga daw sira ang ilaw don kahit gawin nasisira agad. Kaya d na ginawa, nagagamit lang yon tuwing may araw kc pumapasok ang sinag ng araw sa bintana kaya maliwanag.
Patay na si kristo. Bawal kaming maglaro, magtawanan o kung ano ano pa, basta bawal. Kaya kanya kanya muna kami, may nakahiga sa sala may nakatambay sa jeep. Ako sa loob lang ng bahay. Matutulog sana ako sa 1st room. Kaso pag tingin ko sa loob, may biglang pumasok na bolang apoy mula bintana tumalbog sa kama tapos lumabas ulit. Tapos tinignan ko sa labas kung san nagpunta, nawala naman. Sinabi ko sa tita ko yung nakita ko, sabi nya santelmo daw yun, nakita din ng lola namin noon nung mahal na araw. Sabi ko puntahan nya baka masunog ung kama kasi tumalbog don. Pagtingin naman nya, wala naman, normal lang yung lahat.
Kinagabihan, tulugan na ulit. Nagising kami kasi biglang parang may nagkakagulo sa kabilang kwarto. Yung pinsan kong lalake, nabatibat! Ako naman nakitingin kasi gsto kong mkita kung ano yung batibat. Wala naman akong nakita. Nung nahimasmasan na yung pinsan ko, sinabi nya na nakapanaginip daw sya ng babae tapos unti unti daw tumaba tapos dinaganan sya hanggang sa d na sya makahinga. Sabi ng mga katabi nya, umuungol daw nung natutulog, ayaw magising nung ginigising kaya nagkagulo sila. Buti nagising din after ilang minutes. Bago pala yon, pumitas sya ng bunga ng bayabas ng walang tabitabi kaya pinuntahan sya nung batibat. Ang ginagawa pala non eh bangungot. Kung nagkataon daw na wala syang kasama, baka daw ngyon wala na sya.
Normal na yung mga ganito sa pamilya namin kaya pag nagsabi ka ng nakita mo, parang wala lang sa kanila, normal lang. Same sakin, pag nkita ko o nadinig ko matatakot pero after that ok na. Pero syempre nakakatakot pa din talaga lalo kung gugulatin ka pa.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.