Venit, te capiat

24 0 0
                                    

Venit, te capiat

So nag try ako mag solo travel recently lang, first time sa italy, kasgsagan to nung issue sa immigration ung may pinagdadala ng yearbook 😄so I cease the opportunity dahil bigla sila nagluwag luwag sa immigration pero kumpleto naman ako ng documents (hindi ako nagdala ng yearbook lol) ung return ticket, vaccine record and hotel accommodation at mga activities na gagawin ko plus syempre dapat meron ka visa (Schengen) un lang pinakita ko ayun approved naman. Gusto ko lang  matry mag travel magisa challenging lalo na pag babae ka nakakatakot pero kinaya naman at masaya sya pero creepy kasi nung na book ko mura kasi at nafull payed ko na (kasi alam ko mapangmata mga IO sa pinas at tinatanung yan) sa sikat na app for bookings kaya pinatos ko na, para mas madami ko budget sa kaen at shopping. Mga hapon na ko nakarating dun sa pag stayhan ko. Nung pagbaba sakin sa taxi dun sa accommodation ko, medyo nag alangan ako kasi liblib sya at mukha luma, hindi sya hotel para syang small apartment na self checkin may instruction sa email kung panu ko makuha ung susi sa box.  Parang wala ngang tao nakatira sa ibang floors feeling ko nga magisa lang ako dun tapos  ung room is parang studio type na pinilit gawing 1 bedroom maliit lang pero may kusina banyo at 1 single bed medyo maalikabok sya. Pag nag tratravel ako nagdadala talaga ko sarili ko bed sheet na maliit kumot tsaka sarili ko unan(neck pillow) di ko ginagamit ung mga nasa hotel or kung meron man pinapalitan ko un nung dala ko.  Medyo hindi ko trip ung amoy ng bed at maalikabok sya, so tinangal ko ung cover nun para palitan nung dala ko.Nung pag alis ko nang original cover nakita ko ung kama may stain na brown medyo malakilaki din sya, nandiri talaga ko so tinry ko baliktarin ung kutson ung back naman nya medyo ok ok kesa dun sa harap wala namn ako choice mas madumi sa sahig so yun nalang binalutan ko ng dala kong cover sheet (kahit hndi kasya) Inayos ko lang ung gamit ko saglit at lumabas muna ko para gumala gala. Nung paglabas ko sa apartment na yun may mga dumadaan na nakatingin sakin ewan ko if racist ba sila or nagulat sila na may nakatira pala dun, well binalewala ko nalang un at nagpatuloy sa aking gala. Medyo gabi na ko nakabalik may mga street lights naman pero ung apartment na yun talaga walang kailaw ilaw ako lang ata talaga ung andun. Eh wala pa namang elevator 4 story lang ung apartment tapos nasa 3rd floor ako ung hagdan nya sa magkabilaang dulo pa talaga nakakatakot maglakad sa hallway madadaanan ko ibang rooms ung flashlight lang ng cp ko ginamit ko halos magtatakbo ko papunta sa room ko. Walang TV dun sa room at dahil medyo napapanlaw ako iniwan ko nakasaksak phone ko habang naka spotify ng full volume. Dahil napagod ako sa kakakaen at gala humiga na ko para matulog. Hindi ko alam anung oras na yun medyo naalimpungatan ako or ewan ko if nanaginip ba ko pero may narinig kasi ko bumulong sa tenga ko ang sabi ay "Venit, te capiat" boses lalaki na babae di ko maintindihan ramdam ko ung parang hangin sa tenga ko na parang bumulong talaga so napabalikwas ako at nagising ung tinignan ko phone ko lowbat na di ko ata nasaksak ng maayos kaya parang imposible na galing un sa phone ko. Sinulat ko ung words na narinig ko sa notebook ko (nag kekeep talaga ko dream journal sa pag asa baka makapanaginip ako ng numero :D)  para ma search ko sana bukas. Tapos nun kahit takot pinilit ko na matulog nalang ulet. Kinaumagahan hinintay ko ma charge phone ko medyo hindi ko sure if ung nangyare kagabi is part lang ng panaginip ko pero nung nakita ko ung notebook ko nakasulat ung words na narinig ko kagabi so kinilabutan ako at sinearch ko sa phone ko anu ibig sabihin nun at anung language yun . Sa google translate ang sabi  "Venit, te capiat" ay latin daw sa "He is coming, may he take you", natakot ako besh nag alsa balutan talaga ko at hindi ko na tinapos ung stay ko dun kahit 3 days pa naghanap nalang ako sa labas ng malapit na hotel. Pag balik ko sa Pinas irarate ko sana ung pinag stayhan ko  pag iclick ko sya walang lumalabas "404 not found" lang pero ung history and accommodation andun pa din sa profile ko pero di ko sya ma click either tinake down or may bug siguro pero di ko na sya maselect






📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon