CHAPTER 01

460 6 2
                                    

Hi My name is Erika Ava Watton and I'm 15 years old. Pang mayaman lang pangalan at apelyido ko pero hindi kami mayaman.

May dalawa akong kuya, si kuya Erik na graduating sa College habang si kuya Kai naman ay graduating sa high school.

"Ava anak nakapag pasa kana ba ng mga requirements?"

Napatingin ako kay Nanay na nagmamalansya ng uniform ni Kuya Erik.

Agad ko naman binaba ang libro na binabasa ko dahil sa tanong ni Nanay.

"Yes po Nay, sinamahan po ako ni Amelia. Itetext na lang daw po ako kung kailan ang exam."

Masayang sabi ko kay nanay at tinulungan na siya mag palansiya.

"Napakabait talaga ni Amelia ano Anak, kahit mayaman siya hindi ka niya iniwan."

"Nay naman alam mo naman nanggaling rin sila sa hirap kaya hindi nila makakalimutan kung saan sila isinilang." - Paliwanag ko, na kinatango lang ni Nanay.

kala ko noon nung biglang yaman nila Amelia ay iiwan niya ako kaso nagkamali ako dahil mas tumibay yung pagkakaibigan naming dalawa.

May gusto nga si Kuya Kai kay Amelia kaso wala ng pag-asa si Kuya dahil may gwapong Jowa daw ang kaibigan ko sabi ni kuya plus mayaman, kaya study first talaga inuuna na ni kuya busted kase, hindi pa nga nanliligaw HAHAHA.

Bigla akong napatingin sa keypad kong Cellphone ng bigla itong tumunog, dali dali ko naman itong kinuha at sinagot ng makita si Tatay ang tumatawag.

"Hello po, ang gwapo kong tatay." - Masayang bungad ko sa kanya para kahit papaano mabawasan ang pagod niya aa kakatrabaho.

"Ang unica ija ko talaga nag jojoke." - biglang tawa niya na kinatawa ko rin.

O diba epektib pero sa totoo lang may lahing foreign si Tatay kaso namatay na si Lola at Lolo na mga magulang ni Tatay kaya ninakaw ng mga pinsan ni Tatay ang mga ari-arian nila na kinainis talaga ni Tatay, keysa makipag sagutan at makipag away si Tatay sa mga walang kwentang tao kaya ayun pinaubaya na lang at ito nagta-trabaho bilang Driver ng jeep.

Kahit ganun naman nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw at yung pangangailangan sa school ay mabilis masulusyunan nila kuya gawa matatalino sila plus mga scholar pa yan ng mga Fletcher.

Kaya para mas dumagdag ang mga allowance namin ay nag pasa rin ako ng requirement para makasali.

Hindi lang halata pero matalino ako at best in math ako mula grade 4 hanggang grade 8.

"Ricka anak naririnig mo ba ako?"

"Hala sorry tay, ano ba yun?"

"Ang sabi ko kung may tumawag na sayo? Dahil itong kaibigan ko tinawagan na daw siya para sa exam at interview letter B kase apelyido niya kaya maya maya tatawag na yan malakas pakiramdam ko Anak."

"Naman tatay, lahat ng sinasabi mo biglang nakakatotoo ei."

"O siya siya ibababa ko na ito magbibiyahe na ako at puno na ang mga tao sa jeep."

"Sige po tay ingat po sa biyahe, isipin nyo mga anak nyo po yung hinahatid nyo."

"Yes Ricka anak lagi yan, hindi ko makakalimutan yan, bye bye anak pasabi rin sa Nanay mo uuwi ako kapag natapos ang biyahe ko ngayon."

Desperate Woman (Fletcher Series 3) - OngoingWhere stories live. Discover now