CHAPTER 04

96 4 0
                                    

ERIKA AVA WATTON POV

Simula nang mangyari ang orientation noon ay nakilala kami ni Jennelyn dahil sa katalinuhan namin.

Kung minsan ay araw araw kaming ini-excuse ng kung sino-sinong teacher para ipakilala sa mga visitor na dumarating sa school na ito at dahil nga doon hindi na ako makapag-aral ng maayos kaya ang ending ayun sa bahay ako nag-aaral, self study kuno!

Kung minsan nga natutulugan ko na yung ginagawa ko dahil sa mga project na ginagawa ko rin.

Buti na lang, sabado at linggo ang lagi kong free sa buhay, ngunit iba naman sila kuya na college na.

Sobra daw ang daming gawain, kung sa Elem at high School nakakapagrelax pa kapag hindi nagpasa, iba daw sa College dahil ang ibang prof hindi nag bibigay ng consideration kaya kailangan mo talaga mag pasa sa tamang oras at araw.

"Ava, anak ok ka lang ba?" - bigla akong napatingin sa likod ko dahil biglang nagsalita si Nanay.

"Ang hirap po pala maging maganda Nay." - joke na sabi ko kay Nanay na kinahampas niya sa akin ng mahina sa balikat.

"Jusko ka Ava kala ko naman kung anong problema mo." - ngiti lang yung sinagot ko sa kanya at tinapos na na ni Nanay yung paglilinis niya sa lamesa.

"Ano Ava walang balak? Anong oras na at matatapos na ang oras ng break time nyo.

Parang bumalik ang isip ko ng maalala ko na may klase pa pala kami sa hapon, shutaaa makakalimutan ko nanaman.

Hinatid lang ako ng kuya ko gamit ang motor na naman na hiniram niya sa pinsan namin!

Pagkapasok ko sa school, nagulat ako dahil nakaupo ang magpipinsan sa upuan ng guard sa school na ito na kala mo sila ang nagbabantay sa mga papasok at lalabas ng school.

Dahil sa lumabas na ang pagkamahiyain ko dahil sa nalaman ko sa sarili ko na gusto ko siya kay dere-deretsyo ako pumasok na hindi tumitingin sa kanila kaso mali ako dahil ako yata ang hinihintay ng mga ugok na ito.

Biglang humarang sa harap ko si Earl na masama ang tingin sa akin na hindi ko alam kung ano ang dahilan niya.

Hindi ako makatingin sa kanya ng maayos dahil nga sa gusto ko siya at ang bilis ng tubok ng puso ko kapag malapit siya sa akin at sobra akong nagpapawis dahil sa kaba kaya alam ko mahahalata niya iyon.

"Sino yun?"

Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya, sino tinutukoy niya?

"Ha? Pinagsasabi mo?!"

Nagulat ako dahil bigla niyang hinagis ang hawak niya bottle water at alam ko konti palang nababawas doon. Napatingin ako sa mata niya at kitang kita ko na nanliliksik ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Teka anong ginawa ko sa kanya? Wala naman akong ginagawa ah?

"Anong sinabi ko sayo?" - teka anong sinabi niya? Shutaa wala naman akong matandaan na kinausap niya ako ah? 

"Kinakausap mo ba ako?" - masungit na saad ko sa kanya dahil kanina kinakabahan ako sa kanya pero ngayon napalitan na ng inis dahil nagsasalita siya ng hindi ko naman alam.

"Putang ina Erika, hindi mo talaga sinusunod ang inuutos ko sayo? Diba ang sabi ko layuan mo ang lalaking yun kung ayaw mo makita magalit ang isang Fletcher?" - nanliliksik sabi niya at alam kong marami na nakatingin sa amin dahil sa lumalakas na ang boses niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Desperate Woman (Fletcher Series 3) - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon